Professional Documents
Culture Documents
Pananaliksikdalumat
Pananaliksikdalumat
Pananaliksikdalumat
Isa sa apat na makrong kasanayang pangwika. Ito ay
pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa
mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng
kanyang isinulat.
Pagbasa
Malaking kapakinabangan ang makukuha sa pagbabasa.
Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, libangan,
pagkatuto at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay
na buhay. Sa pagbabasa, hindi sapat na may kakayahan sa
mabilis na pagbasa, ang mahalaga ay ang pagtugon ng
isipan sa binabasa maging ang paksang binabasa ay
pagkalibangan.
Proseso ng Pagbasa
May apat na proseso ang nagaganap sa pagbasa ayon kay
William S. Gary, ang Ama ng Pagbasa:
Ang pagbasa sa akda / persepsyon o pagkilala
Ang pag-unawa sa binasa / komprehensyon
Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga kaalaman
mula sa binasa at sa mga dating karanasan / asimilasyon
Ang reaksyon sa binasa
Paraan ng Pagbasa
1. Tahimik na Pagbasa
isinasaalang-alang lamang ang
sarili at layuning maunawaang
mabuti ang binabasa.
Mungkahi upang mapabilis ang pagbasa nang tahimik
May mabuting kundisyon ng paningin
May wastong liwanag
May tahimik na kapaligiran
May sapat na sirkulasyon ng hangin
Huwag paisa-isa anh pagbasa ng salita, basahim ang buong
kaisipan
Kaliwa pakanan ang kilos ng mata
Isaalang-alang ang mga batas na ginagamit upang maunawaan
ang detalye
Paraan ng Pagbasa
2. Malakas na Pagbasa
isinasaalang-alang ang tagapakinig /
owdiyens upang marinig nang maayos
ang binabasang teksto.
Mungkahi upang maayos ang pagbasa ng malakas
May mabuting kundisyon ng paningin
May sapat na lakas ng tinig
May wastong tindig
May malusog na pangangatawan
Mahusay ang pandinig
Hawakan ang aklat na may sapat na layo buhat sa mukha
May tamang pagbigkas
Isaalang-alang ang mga bantas upang mabatid kung saan ang diin,
pagtaas o pagbaba ng tinig at paghinto.
Naiaayon ang interpretasyon ng mukha sa binabasa
Tumingin sa mga tagapakinig
ISKANING
Uri ng pagbasa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa
ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa ng
mga susing salita o key word, pamagat at sub-titles
Nangangailangan hanapin ang isang partikular na
impormasyon sa aklat o sa anumang binabasa
Nakatuon ang mata sa partikular na impormasyon
(talaan ng nilalaman, classified ads)
ISKIMING
Pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon o kaya’y pagpili ng
materyal na babasahin
Pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon na
maaaring makatulong sa paggawa ng pamanahong
papel(term paper) o riserts.
Pahapyaw na pagbasa ng mga pahiwatig sa seleksyon tulad
ng pamagat at paksang pangungusap.
PREVIEWING
Sinusuri muna ang kabuuan at
estilo at register ng wika ng
sumulat, hindi kaagad sa aklat
tumitingin.
PAGBASANG PANG-
IMPORMASYON
Pagbasang may layuning malaman ang
impormasyon tulad ng pagbasa sa
pahayagan
Pagbasang may hangaring mapalawak ang
kaalaman
MATIIM na PAGBASA
Nangangailanagan ito ng maingat na
pagbasa na may layuning maunawaang
ganap ang binabasa para matugunan ang
pangangailangan tulad ng report, riserts at
iba pa
MULING PAGBASA
Paulit na pagbabasa kung ang binabasa ay
mahirap unawain bunga ng mahirap na
talasalitaan o pagkabuo ng pahayag.
Isinasagawa upang makabuo ng pag-unawa o
masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na
binasa
PAGTATALA
Pagbasang may kasamang pagtatala ng mga
mahahalagang kaisipan o ideya bilang pag-
imbak ng impormasyon.
Kasama rito ang paggamit ng marker para
bigyan ng pansin o highlight ang bahaging
mahalaga lalo na’t ito ay sariling pag-aari.
Mga sagabal sa Mabisang
Pagbasa
Kalagayan ng Pag-iisip
Pagbasa nang walang Direksyon
Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang
magkatulad ang kanilang pagkakasulat
Kawalan ng wastong pamamaraan sa pagbasa batay sa
layunin
Hindi paggamit ng mga pananda
Kulang sa katatagan ng damdamin
MARAMING SALAMAT
sa
PAKIKINIG
Inihanda ni: CATALINO G. BATANAY
PANANALIKSIK
Isang maingat at sistematikong pag-aaral
at pagsisiyasat sa ilang larangan ng
kaalaman na isinasagawa upang tangkaing
mapagtibay o mapasubalian ang
katotohanan o katwiran.
RESEARCH
Ay mula sa panlaping re na nangangahulugang “muli” at search na
ang ibig sabihin naman ay paghahanap, pagtuklas, at
pagdiskubre.
Samakatuwid, maipapalagay na ang pananaliksik ay muling
pagtuklas ng impormasyon o bagong kaalaman.
Ito ay isang paraan o proseso ng pagtuklas o pagdiskubre sa
pamamagitan ng iskolarli o makaagham na paraang upang masagot
ang mga katanungan, matugunan ang mga pangangailangan,
mapagtibay ang dating kaalaman.
SISTEMATIKO
May sinusunod itong proseso o
magkakasunod-sunod na mga
hakbang tungko sa pagtuklas ng
katotohan o solusyon ng suliranin.
KONTROLADO
Hindi dapat nagbabago ang
mga baryabol na sinusuri lalo
na sa mga experimental na
pananaliksik.
EMPIRIKAL
Dapat maging katanggap-tanggap ang mga datos at
baryabol na ginagamit.
MAKATOTOHANAN
NASANG-AYUNAN
MAY BASEHAN
HINDI ITO TEORYA LAMANG
MAPANURI
Ang mga datos ay suriin ng mabuti upang
hindi magkamali sa paglapat ng interpresyon
ang mananaliksik.
Madalas na ginagamitan ng estadistika ang
pagsusuri upang masabi na analitikal ang
pananaliksik na ito.
OBHEKTIBO
LOHIKAL
WALANG PAGKILING
Anuman ang lumabas na resulta ay
hindi dapat mabago o mabahiran ng
personal na saloobin ang
mananaliksik.
KWANTITEYTIB/ ISTATISTIKAL
Nakalahad sa numerikal na ayos ang mga
datos at ginagamitan ng istatistika upang mas
maging wasto ang mga resulta, madalas
ginagamitan ng PORSYENTO, RATIO at
DISTRIBUSYON ang paglalahad ng
numerikal na datos.
ORIHINAL NA AKDA
Ang isang pananaliksik ay
naglalaman ng mga datos na nakalap
ng mananaliksik galing sa kanyang
mga sanggunian, hindi ito maaaring
angkinin ng ibang mananaliksik.
IMBESTIGASYON
OBSERBASYON
DESKRIPSYON
Bawat hakbang na gagawin ay dapat na
maisagawa ng tama upang maging tama rin
ang resulta nararapat lamang na ang
konklusyon sa isang pag-aaral ay may kaakibat
na matibay na ebidensiya upang sumuporta
dito.
MATIYAGA
Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali,
kailangan pagtiyagaan ang bawat hakbang na
gagawin upang mapanatili ang kawastuhan ng mga
datos pati na rin ang mga resulta nito. Pinaglalaanan
ito ng sapat na panahon at ibayong pag-iingat para
maging tunay at matibay ang konklusyon nito.
PINAGSISIKAPAN
Walang pananaliksik na
isinasagawa na walang pagsisikap,
kailangan paglaanan ito ng:
PANAHON, TALINO at SIPAG.
TAPANG
Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang, dapat
maging matapang ang isang mananaliksik sapagkat hindi
maiiwasan na makaranas siya ng hindi magandang bagay
habang ginagawa ang kaniyang pananaliksik, may mga
pagkakataon ding hindi sumasang-ayon ang lipunan sa
resulta o kaya naman magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan.
PAGTALA at PAG-UULAT
Maaaring pasulat sa anyong
papel pampananaliksik o sa
pasalita na mas kilala sa oral
defense.
MARAMING SALAMAT
sa
PAKIKINIG