Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG MATALINONG MAMIMILI

• Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer


ang bumili at gumamit ng mga produkto at
serbisyong ipingabibili sa pamilihan.
• Anuman ang iyong dahilan sa pagbili ng mga
produkto at serbisyo, kailangan mong
isaalang-alang ang value for money.
MGA PAMANTAYAN SA
PAMIMILI
MAPANURI
• Bilang isang matalinong mamimili,
dapat ikaw ay mapanuri sa iyong
produktong binibili. Ang mga
sumusunod ay ang kalimitang
sinusuri ng isang matalinong
mamimili.
TINITINGNAN NATIN ANG MGA
SUMUSUNOD

SANGKAP
PRESYO
TIMBANG
PAGKAKAGAWA;
AT IBA PA
MAY ALTERNATIBO O PAMALIT
Ang isang matlinong mamimili ay dapat may alternatibo
o pamalit sa produktong minsan hindi kayang bilhin
dahil sa kakapusan ng pera. At ang mga alternatibong
iyon ay dapat:
• Tumutugon ayun sa pangangailangan mo katulad ng
dating produktong binibili.
HINDI NAGPAPADAYA
May mga pagakakataon na ang isang mamimili
ay naihaharap sa isang tindero o tindera na may
hindi magandang hangarin. Bilang isang
matalinong mamimili dapat ikaw ay:
• Handa
• Alerto;
• at Mapagmasaid
Sa mga maling gawain ng mga tindero’t tindera.
MAKATWIRAN
Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan
ng salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng
produkto dapat:
• Isinisaalang-alang ang presyo at kalidad nito.
• Isinisaisip ang kasiyahan na matatamo sa pagbili
at paggamit ng produkto pati narin kung gaano
katindi ang pangangailangan dito.
Makatwiran ang isang konsyumer kung inuuna niya
ang mga bagay na kailangan kesa sa luho lang.
SUMUSUNOD SA BADYET
Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng
matalinong konsyumer dahil
• Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayun
sa kanyang badyet.
• Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng
produkto na may mataas na presyo.
Upang matiyak niya na kakasya ang salapi para
sa pangangailangan niya.
HINDI NAGPAPANIC- BUYING
Ang artipisyal na kakulanganna bunga ng
pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng
nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi
ikinababahala ng isang matalinong konsyumer
dahil alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo
lamang magpapala ng sitwasyon.
HINDI NAGPAPADALA SA ANUNSIYO
Ang pag endorso ng produkto ng mga artista ay
hindi nakapagpapabago sa pagkunsumo ng isang
matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto
ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-
aanunsiyo na ginamit.

You might also like