Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Kakayahang Pragmatik:

Pagtukoy sa kahulugan
ng sitwasyong sinasabi,
di-sinasabi, at ikinikilos
ng taong kausap
Ang pragmatiks o pragmatika ay isang
bahaging larangan ng linggwistika na nag-aaral ng
mga paraan kung paano nakapag-aambag ang
konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa wika o
salita. Isa itong sangay ng semiotika o semantika, ito
ay ang pag-aaral mismo ng kahulugan ng wika.
Ang semantika ang tumatalakay sa ugnayan ng mga
pinapakitang senyales o paraan ng pagpapahayag,
at pati ng mga taong gumagamit nito.
Kung ang isang tao ay may kakayahang
pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng
mensaheng sinabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos
ng taong kausap. Natutukoy din nito ang kaugnay
ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa
paggamit at sa konteksto.
Ang pragmatiks ay ang pag-aaral kung
papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang
paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga
sentens o pangungusap. Samakatawid, ito ay pag-
aaral ng aktwal na pagsasalita.
Sa pakikipagtalastan, mahalagang
maunawaan ang intensyon ng nagsasalita
dahil mahuhulaan ang mensahe nito nang
tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang
pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo
nang pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw
nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng
nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at
ang kahulugan nito.
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa
pagbuo ng mga pangungusap batay sa itinatakda ng
gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng
wika. Mahalaga ring matutunan ang kasanayang sa
pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon
sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro,
at pagpapadaloy ng mga usapan. Sumakatuwid,
kailangang matukoy ng isang tao ang maraming
kahulugan na maaaring dalhin ng isang pahayag
batay sa iba’t ibang sitwasyon.
Ang ganitong kakayahang komunikatibo
ang nais nating itampok sa araling ito sa
pamamagitan ng pag-unawa sa kakayahang
pragmatiko. Ang kakayahang pragmatiko ay
mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensyon at
kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at
gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng
sinasabi, di–sinasabi at ikinikilos ng kausap.
Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko
ang konsepto ng speech act. Ito ay ang paggawa ng
mga bagay gamit ang salita. Halimbawa nito ay
pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin,
pangangako at iba pa. May tatlong sangkap ang
speech act.
1. Illocutionary Force – sadya o intensyonal na papel
2. Locution – anyong linggwistiko
3. Perlocution – epekto sa tagapakinig
Pragmatik
(Speech Act)

Mga Halimbawa
1. Illocutionary Force – pakiusap, utos, pangako
2. Locution – patanong at pasalaysay
3. Perlocution – pagtugon sa hiling, pagbibigay
atensyon
Cooperative Principles
• Upang mapagtagumpayan ang mga ganitong
hamon sa komunikasyon, isa pang paraan ang
makatutulong para sa ikalulutang ng mga hamon
ito-ang pagsasanay sa prinsipyo ng kooperasyon o
mas kilala bilang cooperative priciples.
• Nag lahad si Grice(1975 nasa Clark, 2007) ng apat
na prinsipyo na magagamit bilang gabay sa
pakikisangkot sa mga interaksyong inter personal.
Tinawag niyang maxims of conversation ang mga
ito. Narito ang mga prinsipyo sa kumbersasyon na
kanyang binanggit.
1.Ang prinsipyo ng kantidad ay naiuugnay sa dami ng
impormasyong kailangang ibigay.
a.Ibigay ang inaasahang dami ng impormasyong mula
saiyo.
b.Huwag lalampas sa impormasyong inaasahan mula sa
iyo.
2.Ang prinsipyo ng kalidad ay naiuugnay sa katutuhanan
ng ibinibigay na impormasyon.
a.Huwag sabihin ang pinaniniwalaan mong hindi totoo.
b.Huwag mong banggitin ang mga bagay na wala kang
sapat na katibayan.
3.Ang prinsipyo ng relasyon ay naiuugnay sa halaga
ng ibinibigay na impormasyon.
a.Panatilihing mahalaga ang mga ibinigay na
impormasyon.
4.Ang prinsipyong pamaraan ay naiuugnay sa
paraan ng pagbibigay sa impormasyon.
a.Iwasan ang pagbibigay ng mga pahayag na
mahirap maunawaan.
b.Iwasan ang pagbibigay ang malalabong ideya.

You might also like