Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Hans Simon S.

Moreno
Grade 9 – St. Joan of Arc
 Ang pamatayan sa pananalapi ay may dalawang uri.
Ang Commodity Standard at Non-Commodity
Standard. Ito ang nagsisilbing batayan sa paglikha ng
salapi na gagamitin.

 Commodity Standard
- Ito ang pamatayan kung saan gagamitin ang mga
metal sa paglikha ng salapi.

 Non-Commodity Standard
- Isang pamatayang pananalapi na kung saan hindi
tayo gumagamit ng metal sa paglikha ng salapi kundi
ibang materyales.
 Pamantayang Ginto
- Ang United States ang gumagamit ng gold coin
standard at gold bullion standard. Ang ating bansa ay
nasa pamantayang gold exchange standard noong
panahon ng mga Amerikano kung saan ang salaping
ginagamit sa bansa ay matutubos o may katumbas na
ginto. Subalit ang ganitong barya ay hindi ipinalalabas
sa sirkulasyon. Ang dollar exchange standard ay
ipinagagamit din sa atin ng mga Amerikano kung saan
ang ating salapi na piso ay may katumbas na dolyar
bilang salaping pamalit.
 Pamantayang Pilak
- Ang bansa na sumusunod sa pamantayang ito ay
gumagamit ng pilak bilang halaga ng salapi tulad sa Silver
Bullion Standard. Pareho ng patakarang sinusunod ang
pamantayang ginto at pilak. Kung ang isang bansa ay
gumagamit ng isang metal, ginto, o pilak bilang batayan ng
pananalapi, ito ay nasa ilalim ng Monometallic Standard.
Kapag dalawang metal, ginto at pilak ang ginamit, ang bansa
ay nasa ilalim ng Bimetallic Standard. Ang Bimetallic Standard
ay may mga pagkukulang at kahinaan nang ito ay pinairal
noon sa Britain. Ipinaliwanag ni Sir Thomas Gresham ang
kahinaan ng nasabing pamantayan na nakilala bilang
Gresham’s Law. Ayon sa kaniya, ang mabuting salapi ay
naaalis sa sirkulasyon at ang masamang salapi o inferior
money ay naiiwan. Kapag ang dalawang uri ng salapi ay may
parehong halaga, tulad ng ginto at pilak, itinatago ng tao ang
salapi na may mataas na halaga ng metal, kaya naiiwan ang
salaping may mababang halaga ng metal sa sirkulasiyon.
 Pamantayang Papel
- Ang paggamit ng salaping papel sa paglikha ng salapi ay
hindi na kailangang tumbasan ng anumang metal upang
makapasok sa patakaran ang pamantayang ito. Ang managed
currency standard ay sinimulang gamitin at ipatupad ng
maraming bansa sa daigdig dahil mas madaling kontrolin
ang dami ng salapi sa sirkulasyon. Ito ay paglikha ng salapi
na garantiya ng pamahalaan ang kailangan. Ang garantiya ng
pamahalaan na ang salaping papel ay kanilang pananagutan
sa lahat ng transaksyion. Ang Ating bansa ay gumagamit ng
managed currency standard mula 1949 hanggang sa ngayon,
gayundin ang ibang bansa sa daigdig, dulot nito, nagkaroon ng
currency ang iba’t ibang bansa tulad ng Ruble ng Russia, Riyal
ng Saudi Arabia,Yuan ng China, Ringgit ng Malaysia, Rupiah ng
Indonesia, Peso ng Mexico, Pound ng England, Won ng Korea, at
marami pang iba.
 Ang ebolusyon ng salapi ang naglalarawan sa atin
ng mga anyo ng nito na ginagamit sa ating bansa.

 Commodity Money
- Ito ay inilalarawan ng mga mahahalagang metal,
tulad ng ginto, pilak, at tanso, ang mga produkto
tulad ng bigas, alahas, at mais na ginamit sa
pagbili ng mga produkto. Ito ang anyo ng salapi na
ginamit ng ating mga ninuno.
 Flat Money
- Ito ang uri ng salapi na ginagarantiyahan at ipinag-
uutos ng pamahalaan na tanggapin ng lahat ng
mamamayan. Itinuturing itong Legal Tender dahil
may garantiya ng pamahalaan sa paggamit nito sa
lahat ng transaksiyon. Lahat ng salaping papel at
barya na umiikot sa ekonomiya na ginagamit ng tao
araw-araw ay tinatawag na money supply o salaping
nasa sirkulasiyon ay may intrinsic value at face value.
Ang intrinsic value ay tumutukoyt sa halaga ng metal
na ginamit sa paggawa sa salapi. Ang face value ay
halaga ng salapi na nakasulat dito.
Credit Money
- Ang mga instrumento ng kredito na tinatanggap
bilang kabayaran sa mga binibiling produkto at
serbisyo, at pagbabayad nang anumang utang ay
kabilang sa anyong ito ng salapi. Ang mga ito ay
tseke, promissory notes, bills of exchange, at iba pa.
Ang tseke ay isang papel na maaaring isulat ang
anumang halaga na nais ng isang tao upang
ipambayad sa isang produkto o ipapalit sa mga
bangko. Makikita rin sa tseke ang pangalan ng
bangko at pangalan ng pagbibigyan ng tseke. Ito ay
kumakatawan sa demand deposit o current account na
maaring tumalbog kapag walang sapat na pondo para
rito.
 Ang tseke na inisyu na walang sapat sa pondo ay
magiging bouncing check. Ang sinoman na nag-iisyu ng
bouncing check ay maaring kasuhan sa bisa ng Bouncing
Check Law o Batas Pambansa Blg. 22. Kaya ang paggamit
ng tseke ay mahahalaga at sinisigurong may sapat na
pondo ito. Ang tseke ay walang intrinsic value ngunit
may face value dahil sa halaga ng salapi na nakasulat
dito.
Ang promissory note ay isang kasulatan na nangangako
ng pagbabayad ng utang sa takdang araw. Ang credit
card at ibang plastic money ay tinatawag na credit money.
 Plastic Money
- Ang Automated Teller Machine Cards (ATMs) at credit
cards ay kabilang sa ganitong anyo ng salapi. Ang
paggamit dito ay may limitasyon.
Jesmith E Simbulan
Grade 9 – St. Joan of Arc
 Ito ang nagsisilbing instrumento ng palitan
mula nang gumamit ng salapi ang tao, lahat ng
bagay, produkto, o serbisyo ay nakakamit ng
tao sa pamamagitan ng pagbabayad ng salapi.
Mahirap makipagtransaksiyon sa ekonomiya
kung hindi gagamit ng salapi.
 Salapi ang dahilan ng pagkakaroon ng presyo
ng isang produkto o serbisyo. Ito ang
nagbibigay daan upang malaman ang tunay na
halaga ng isang produkto na batayan sa
pagpapalitan. Ang lahat ng produkto at
serbisyong nasa pamilihan ay itinakda ang
halaga sa pamamagitan ng salapi.
 Ang mga cedit cards, purchasing order, at
post-dated check ay ilan sa mga ginagamit
pangbili ay nababatay sa salapi. May halagang
nakatakda sa mga ito batay sa currency.
Kredito (o pangungutang) ay ng pagkakamit
ng isang bagay kapalit ng pangakong
pagbabayad sa dadarating na panahon. Ang
pamanantayan na ito ang madalas na
ginagamit sa kredito.
 Ang salapi ay maaring itago at ipunin sa
mahabang panahon na hindi nagbabago
ang halaga ng nakasulat dito.
Robin Bryan R. Alcaide
Grade 9 – St. Joan of Arc
 May kanya-kanyang katangian ang lahat na
bagay sa mundo. Maging ang ating salaping
ginagamit ay nagtataglay ng mga katangian na
maihahambing sa ibang salapi at
pagkakakilanlan nito.
 Mga katangian: Magkakapareho Nahahati
Madaling makilala Tinatanggap ng lahat
Matibay Matatag Madaling Dalhin

Mababago ang supply


 Ang hugis, disenyo, at timbang ng bawat halaga ng salapi ay
pare-pareho. Ang 100 pisong papel ay iisa ang kulay at
disenyo, gayundin ang 5 pisong barya, pare-pareho ang
timbang, at hugis upang maiwasan ang pagkalito ng tao. Kaya
itinatakda ng BSP ang pagkakakilanlan ng mga salapi ay
upang hindi mahirapan at malito ang mga tao sa pagkilala sa
mga ito.

 Ang pagkakaroon ng iba’t ibang denominasyon ay isang


katibayan ng katangiang ito. Napabibilis ang transaksiyon
o palitan ng mga produkto dahil may kakayahan ang barya
at salaping papel na mahati-hati ang halaga nito upang
matugunan ang pagsusukli sa produktong binayaran ng
higit sa takdang halaga nito.
 Sa mga materyales na gagamitin, tanging BSP lamang
ang may kontrol. Dahil sa hindi pangkaraniwan ang
materyales na ginagamit, malalaman kung tunay o
peke ang salapi. Ang pagkakaroon ng taglay na
disenyo, kulay, at hugis ay nakatutulong sa pagkilala
ng salapi.

 Bilang instrumento ng palitan, ito ay tinatanggap ng


lahat sa anumang transaksiyong pang-ekonomiya. Ang
lahat ng bagay na kailangan ay mabibili sa
pamamagitan ng salapi. Nakabatay ang pagtanggap
na ito sa tatag ng pamahalaan.
 Ang salaping papel ay gumagamit ng di-pangkaraniwang
papel, kaya tumatagal ito ng limang taon o higit pa. Ang
barya ay ginagamitan ng iba’t ibang metal na nasa
sirkulasyon ay may 75% tanso at 25% bakal. Ang salaping
barya ay tumatagal ng sampung taon o higit pa.

 Ang paggawa ng salapi ay inaayon sa pangangailangan ng


ekonomiya. Kung ito man ay dadagdagan o babawasan sa
sirkulasyon. Tinitiyak ng BSP na tama ang magiging epekto
nito sa presyo ng mga bilihin. Sa ganitong paraan ay
maiiwasan ang pagkakaroon ng implasyon dulot ng
maraming salapi ng tao.
 Sa pagkakaroon ng iba’t ibang halaga at
denominasyon, madadala ito kahit saan na hindi
maaabala ang tao. Ang paggamit ng ATM card at
Credit card ay naglalarawan ng katangiang ito.

 Ang supply ng salapi ay maaring itaas o ibaba


ayon sa pangangailanagan ng ekonomiya. Ang
pagdaragdag at pagbabawas ng supply ng
salapi ay ibinabatay sa takbo ng ekonomiya.

You might also like