Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PROSESO NG

PRODUKSIYON
Ang paglikha ng mga produkto at serbisyo ay dumadaan sa iba’t ibang proseso
bago ang hilaw na materyal ay maging ganap na produkto.

TATLONG ANTAS SA PAGPROSESO NG MGA


PRODUKTONG GAGAWIN
• Primarya (Primary) – ito ang unang antas sa produksiyon. Dito sinisimulang
pagsama-samahin ang mga hilaw na material na gagamitin sa paggawa ng mga
produkto. Nakapaloob dito ang mga gawain sa agrikultura kagaya ng
pagsasaka, pagtotroso, pagmimina, pangangahoy atbp.

• Intermedya (Intermediate) – ito ang pangalawang antas sa produksiyon. Ang


mga materyales na nakuha ay maaari nang dumaan sa pagpipino o refining
process para mas may pakinabang na makuha.

• Tapos / Ganap na produkto (Final) – ito ang pinakahuling proseso sa antas na


Mayroon ding tinatawag na input at output sa produksiyon.

Input ang tumutukoy sa mga salik ng produksiyon. Output


naman ang tumutukoy sa mga produkto at serbisyo na nabuo sa
isang produksiyon.

Ang input ay may dalawang uri:


• Nakapirming Input (Fixed Input) – ay tumutukoy sa mga salik
ng produksiyon na hindi nagbabago katulad ng
impraestruktura, pabrika o planta kung saan isinasagawa ang
produksiyon.

• Nagbabagong Input (Variable Input) – ay tumutukoy sa salik


ng produksiyon na maaaring magbago depende sa
pangangailangan ng produksiyon kagaya ng kuryente, tubig,
materyales, at mga pangangailangan ng mga manggagawa sa
produksiyon.

You might also like