Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

BANTAS

Ito ay mga simbulo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan


ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali
(pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas.
TULDOK
1. TULDOK
A. Ang tuldok ay ginagamit na pananda. Ginagamit din sa
katapusan ng pangungusap na paturol at pautos.
Halimbawa:
Siya ay isang huwarang mag-aaral.
Puntahan mo agad ang punong guro.

B. Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng


ngalan ng tao, titulo o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan
at iba pa.
Halimbawa:
Si Gng. Gragasin ay napakagaling umawit.
Si Ino L. Bati ay nagtapos sa Unibersidad ng Australia.
C. Ang tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang
at titik sa bawat hati ng isang balangkas o ng talaan.
Halimbawa:
A. 1. I.
B. 2. II.
C. 3. III.
D. 4. IV.

D. Ang tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong.


Halimbawa:
Itinatanong niya kung ako ay papasok sa silid-aralan.
PANANONG
2. PANANONG
A. Ang pananong ay ginagamit sa katapusan ng mga
pangungusap na patanong.
Halimbawa:
Papasok ka ba?
May pagkain pa ba?
Si Angelo ba ang kumuha ng iyong libro?
Kailan siya lilipad papuntang Pransya?
PADAMDAM
3. PADAMDAM
Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa
hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na
nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa:

Uy! wala tayong pasok bukas.


Sunog! Sunog!
Wow! Ang ganda naman ng sapatos mo.
KUWIT
4. KUWIT
A. Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang
ginagamit na palagyong panawag.
Halimbawa: Ana, ano ang ginagawa mo?

B. Ginagamit pagkatapos ng bating panimula ng liham


pangkaibigan o pansarili.
Halimbawa: Pinakamamahal kong kaibigan,

C. Ginagamit pagakatapos ng bating pangwakas ng liham.


Halimbawa: Ang iyong matalik na kaibigan,
D. Ginagamit sa paghihiwalay ngmga salita, mga parirala at
mga signay na sunud-sunod.
Halimbawa: Nanguha si Fatima ng bayabas, mangga, at
dalandan.
E. Ginagamit sa paghihiwalay ng G. Ginagamit sa paghihiwalay ng
mga bilang sa petsa, o di-makabuluhang parirala at
pamuhatan ng liham. sugnay sa mga pangungusap.
Halimbawa: Halimbawa:
Ipinadala ko ang iyong aklat kay Si G. Lope K. Santos, ang Ama ng
S. Jay Abad, 953 Pugo, Libatike. Balarila, ay siyang sumulat ng
Banaag at Sikat.

F. Ginagamit sa paghihiwalay ng
sinasabi ng nagsasalita sa ibang H. Ginagamit pagkatapos ng Oo
bahagi ng pangungusap. o Hindi at mga salitang may himig
pagdamdam at kung siyang
Halimbawa:
simula ng pangungusap.
“Ikaw,” sabi ng ama, ”ay huwag Halimbawa:
gagala kung gabi.” Oo, hindi siya papasok.
Hindi, kailangan niyang mag-aral
ng mabuti.
KUDLIT
5. KUDLIT
Ginagamit bilang kapalit o kung kumakatawan sa
letra o sa mga letrang nawawala kapag ang pang-ugnay
o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa
unang salita.

Halimbawa:

tuwa at hapis - tuwa’t hapis


kaliwa at kanan - kaliwa’t kanan
tayo ay maglalakbay- tayo’y maglalakbay
GITLING
6. GITLING
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-
ugat.
Halimbawa: gabi-gabi dala-dalawa babaeng-babae

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang


nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay
magkakaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa: mag-aaral nag-ulat tag-init

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang


pinagsama.
Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak
ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan
ay walang pagbabago sa ispeling.
Halimbawa: maka-Diyos pa-Baguio taga-Pampanga

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.


Halimbawa: ika-30 pahina ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.


Halimbawa: isang-kapat (1/4) lima’t dalawang-kalima (5-2/5)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at


ng kanyang bana o asawa.
Halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.


Halimbawa: Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng
Filipino.
TUTULDOK
7. TUTULDOK
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin
tulad ng: Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o


liham-pangangalakal.
Halimbawa: Dr. Fontanilla: Bb. Natividad:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng


tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at
sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa: 10:00 a.m John 3:16
TUTULDOK - KUWIT
8. TUTULDOK - KUWIT
Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang
pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay
nang hindi gumagamit ng pangatnig.
Halimbawa:
Kumain ka ng masustansyang gulay at prutas; ito’y
makabubuti sa katawan.

Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang


magpatiwakal.
PANIPI
9. PANIPI
Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita.

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita


o ang tuwirang sipi.
Halimbawa: “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng
Pangulo.

B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan,


magasin, aklat at iba’t ibang mga akda.
Halimbawa: Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang
“Anak Dalita”.

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.


Halimbawa: Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer
Programming”.
PANAKLONG
10. PANAKLONG
Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o
mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya
ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda
ng Noli Me Tangere.

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak


ang kawastuhan.
Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang
Turkey ay humigit
kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.

C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.


Halimbawa: Juan Luna (1857-1899)
TUTULDOK-TULDOK
11. TUTULDOK-TULDOK/ELIPSIS

Nagpapahiwatig na kusang bitinin ng


nagsasalita ang karug-tong ng nais sabihin.

Halimbawa:

Isa sa mga dadalo ay si Bb. Marti…

Kung kaya’t tayo’y maging maagap upang…


MGA BANTAS
TULDOK TUTULDOK

PANANONG
TUTULDOK-KUWIT
PADAMDAM

PANIPI
KUWIT

PANAKLONG
KUDLIT

GITLING TUTULDOK-TULDOK
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like