Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ALEGORYA NG

YUNGIB
MARVIN M. AMBROCIO
• Ang kwento ng alegorya ng yungib ay tungkol sa isang
tao na matatagpuan sa loob ng kweba na nakatali at
nakaharap sa dingding ng yungib. Sa kanyang likuran ay
may apoy at ang tanging nakikita niya ay ang mga anino
ng mga bagay na nasa labas ng kweba. upang makita
niya ang katotohanan sa mga aninong ito, kinakailangan
na siya ay makakawala sa pagkakagapos at makalabas ng
kweba.
Ikinukumpara ng kwentong ito ang epekto ng
pagkakaroon ng edukasyon at ang kakulangan nito
sa likas na pag-iisip ng karamihan sa atin. Ipinapakita
sa Alegorya kung paano nahuhubog ng kinagisnan
ang buong pagkatao ng isang indibiduwal at ang
kakayahan nitong tumanggap ng bagong ideya
matapos ang matagal na “INDOCTRINATION”.
MENSAHE
• Ano nga ba ang nais iparating ni Plato sa kanyang
sanaysay na "Alegorya ng Yungib"? Nais ipabatid ni Plato
na ang karunungan ay matatamo lamang kung sisikapin ng
tao na pangatwiranan ang mga konsepto ng mga bagay
bagay na nasa ating isipan mula ng tayo ay ipanganak dito
sa mundo.
Tulad ng tao sa loob ng yungib, kinakailangan na tayo ay
kumawala sa pagkakagapos at tuluyan ng lumaya mula sa
kwebang ating kinaroroonan. Sa ganitong paraan,
malalaman natin ang katotohanan sa kabila ng mga anino
na nakikita natin mula sa labas ng kweba. upang
maunawaan ang mensaheng ito, kinakailangan na
maunawaan natin ang kanyang konsepto ng rasyonalismo.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng paniniwalang
ipinaglalaban ng isang taong maihahambing sa mga
nasa loob ng Yungib:
1.Relihiyon
2.Partidong political
3.Lahi
4.Nasyonalismo
5.Kultura
Ang bawat isa sa nabanggit ay dumadaan sa iba’t-ibang lebel ng
Indoctrination mula sa:
• Pamilya
• religious leader
• Kandidato
• mga babasahin.
Ito ang dahilan kung bakit naglalaban ang mga relihiyon, nag-aaway ang mga
supporters ng iba’t ibang kandidato. Makikita rin natin ito sa geopolitical
situation ng mundo na kung saan may mga bansang naniniwala na
karapatan nilang manakop ng ibang lupain para sa kanilang tinutukoy na
National Security.
Malinaw na naipakita ng “Alegorya ng Yungib” kung
gaano kadali na hawakan ang pag-iisip ng masa
upang pasunurin ito ayon sa kagustuhan ng sino
mang may hawak dito, at ang panganib ng pagsasabi
ng katotohanan na ipinakita ng indibiduwal na
nakatakas at nakita ang nasa labas yungib.
KAHALAGAHAN
• Bakit isinulat ni Plato ang sanaysay na "Alegorya ng
Yungib?" Sa pagnanais ni Plato na maunawaan ng tao ang
kahalagahan ng pagkatuto at karunungan, ginamit niya ang
sanaysay na ito upang ihalintulad ang mga tao sa tao sa
yungib na pilit na kumakawala upang makita ang realidad
sa labas ng yungib.
Nais niya na makita ng mga tao ang kaibahan ng mga
anino na nakikita ng taong sa yungib sa loob na
nagmumula sa labas at ng mga totoong bagay sa labas ng
yungib na lumilikha ng mga anino sa pamamagitan ng apoy
na nagsisilbing liwanag para sa taong nasa loob ng yungib.
Sapagkat ito ay isang alegorya, hayaan ninyo na isa - isahin
ko ang mga simbolismong ginamit ni Plato.
SIMBOLISMO
• Ang yungib sa "Alegorya ng Yungib" ay sumisimbolo sa bahagi
ng mundo na humahadlang sa tao para makita ang realidad o
ang katotohanan. Ang tao sa yungib ay kumakatawan sa lahat
ng tao sa mundo. Ang apoy sa likuran ng tao sa yungib na
nagsisilbing liwanag sa loob ng kuweba ay ang mga
karunungang natatamo ng tao dito sa mundo.
Dahil sa mga karunungang ito, nakikita ng tao ang
mga bagay sa mundo ngunit hindi ang kanilang
kabuuan sapagkat sila ay nakagapos at nakakulong
sa loob ng yungib. Sa oras na sila ay kumawala sa
pagkakagapos at lumabas sa yungib, dito pa lang
nila matatamasa ang kabuuan ng karunungang
natamo.
DEPINASYON
• Ang rasyonalismo ay sangay ng pilosopiya na nagsasabing ang
pangangatwiran ang siyang pinagmumulan at basehan ng karunungan.
Ayon kay Plato, kinakailangan na magkaroon ang tao ng basehan ng
kanyang karunungan at ito ay matatamo lamang sa pamamgitan ng
paglabas sa yungib na kanyang kinaroroonan. Patunay lamang na ang
personal na karanasan ay mahalaga sapagkat ito ang matibay na
batayan ng pagkatuto higit sa karunungan na natamo sa pagbabasa at
pagmumuni muni lamang.

You might also like