Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

H.

E 5 w1 d3
Jesusa A. Santos
1.2.2 Natatalakay ang mga paraang dapat
isagawa sa panahon ng pagbabagong
pisikal.
Sa gulang na 10 taon
pataas ay nagsisimulang
dumating ang buwanang
daloy o regla sa isang
babae na siyang tanda ng
kaniyang kasarian. Ito’y
isang pahiwatig o hudyat
na ang bahay-bata ng
isang babae ay handa nang
bumuhay ng isang sanggol
sa sinapupunan.
Ang dumadaloy na dugo ay nagsisimula sa
loob ng bahay bata. Ito’y kumakapal at
dumarami sa loon ng 26-30 araw. Kung hindi
ito mapupunlaan ng sihay-punlay o sperm
cell galling sa lalaki, unti-unti itong
hihiwalay sa balat ng bahay-bata kasama
ang maraming dugong nakakapit at hinog
na itlog ng babae na siyang lumalabas na
regla. Ang buwanang daloy ay karaniwang
nagtatagal ng tatlo hanggang pitong araw.
Ito ang normal at mahalagang tungkulin ng
kasarian ng mga babae.
Sa unang pagdaloy ng dugo o paglabas ng
regla ay tunay na nakakagulat at
nakakabahala sa isang bata na hindi alam
kung ano ang nangyayari. Ito ay dapat na
malaman at maintindihan ng isang
nagdadalaga bago sumapit ang ganitong
mga karanasan. Ang mga pangyayaring ito’y
dapat ipagbigay-alam sa mga magulang o
nakatatandang kapatid upang maktulong sa
dapat gawin. Sa uang taon, ang buwanang
daloy ay maaaring palaktaw-laktaw at hindi
regular, ngunit pagkatapos ng ilang buwan
ay magiging regular na rin.
Ang pagtuli ay isinasagawa sa lalaki upang
maging makinis at maalis ang kulubot ng
dulo ng tunod. Ang pagtutuli ay isang
simpleng operasyon kung saan inaalis ang
sobrang balat na bumabalot sa gland o ulo ng
tunod. Ito’y ginagawa upang mapanatiling
malinis ang dulo ng tunod at maiwasan ang
impeksyon. May mga batang tinutuli
matapos ipanganak, ngunit may paniniwala
rin na ang pagtutuli ay palatandaan ng
pagbibinata kaya’t ginagawa ito sa gulang na
10 hanggang 14 na taong gulang.
Maaaring isagawa ang pagtuli sa
ospital o sa klinika. Mayroon mga
albularyo sa probinsya na
nagsasagawa ng simpleng operasyon
na ito. Habang sariwa pa ang sugat,
ang pinakuluang dahon ng bayabas
ang pinanlalagas o ipinanghuhugas
upang gumaling agad. Kapag ang
sugat ay namaga, kailangang
ikunsulta agad sa doktor upang
malapatan ng dagliang lunas ng
antibiotics laban sa impeksyon.
May makabagong pamamaraan din ng
pagtuli upang maiwasan ang
impeksyon. Higit na mabuti na sa
klinika o ospital isagawa ang pagtutuli
upang mapagpilian ang nais na anyo ng
pagtuli tulad ng German cut, lasercut,
at iba pa. Ang wastong pangangalaga
at gamot na kakailanganin ay
naibibigay ayon sa pagrereseta ng
doctor. Ang pagpapagaling ay mas
madali at maiiwasan din ang mga di
kanais-nais na sakit o kirot dahil may
wastong pampamanhid at antibiotics.
http://www.youtube.com/watch?v=ECVT0MymH5o&feature=related
Ang dysmenorrhea ay ang pamimintig ng puson o
ang pagkirot nito tuwing magkakaroon ng regla ang
babae sanhi ng pag-urong ng laman ng bahay-bata at
ang unti-unting pagdaloy ng dugo mula sa paligid
nito.
Mababawasan ang pagsakit ng puson sa
pamamagitan ng tamang pag-eehesisyo at pag-
lalagay ng hot water bag sa ibabaw ng puson. Ito’y
normal na nararanasan ng ilang dalagita at maaaring
kumunsulta sa doktor para maresetahan ng gamot
na pampaginhawa sa kirot ng puson.
Sa isang babae, ang
menopause ay ang
paghinto ng pagreregla.
Ito’y hudyat din na
kawalan ng kapasidad
upang magka-anak sa
gulang na 45-50 kung
wala ng pagdaloy ng
regla.
Ang regla ay dumarating minsan isang
buwan ayon sa bilang ng menstrual
cycle. Ang menstrual cycle ay bilang
ng araw na pagitan sa pagkakaroon
muli ng regla. Ang karaniwang cycle
ay 25 hanggang 29 na araw na
pagitan. Mahalagang magkaroon ng
pansariling kalendaryo ukol sa
pagreregla upang malaman ang iyong
cycle at kung kalian ka magkakaroon
muli ng regla. Makakatulong ito
upang makapaghanda ng mga
kakailanganin s panahon na muling
pagregla.
Si Marion Jane ay
nagkaroon ng regla noong
ika-12 ng Enero, kalian siya
daratnan muli kung siya ay
mayroong 27 araw na
pagitan?

Maaari siyang datnang muli


sa ika-7 ng Pebrero.
http://www.youtube.com/watch?v=ECVT0MymH5o&feature=related
 Paliligo at paghihilamos nang madalas
 Paggamit ng pasador o napkin
 Pagpapalit ng damit
 Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom
ng sariwang katas ng prutas.
 Mag-ehersisyo
 Pagmamarka sa sariling kalendaryo
Wastong Paggamit ng Pasador o Sanitary Napkin
https://www.youtube.com/watch?v=qBMU8JEsrBc

Ginagamit ang pasador o


sanitary napkin sa panahon
ng pagdadaloy ng dugo o
pagreregla. Ang pasador ay
maaaring mga lumang
kamiseta o halfslip sa inilupi
upang ilagay na sapin sa
panty. Ibabad kaagad
pagkaalis upang di manatili
ang mantsa at amoy. Ibabad
ito sa mabulang sabon at
tubig at banlawang mabuti.
Wastong Paggamit ng Pasador o Sanitary Napkin
Mayroon din namang sanitary napkin na
mabibili at mas maginhawang gamitin kaysa
sa pasador dahil ito’y idinidikit lamang sa
panty upang hindi gumalaw. Ang sanitary
napkin ay may iba’t ibang laki, lapad, at kapal
na mapagpipiliang angkop sa iyong
pangangailangan. Magpalit ng napkin kung
kinakailangan o apat na oras na pagitan sa
loob ng isang araw at hugasan ang sarili,
pwedeng gumamit ng feminine wash para
presko ang pakiramdam. Ibalot nang maayos
ang pinagpalitang napkin at itapon sa
basurahan. Maghugas ng kamay bago
magpalit at pagkatapos hawakan ang
sanitary napkin.

You might also like