Pagsusuri NG Dula Imperial

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PAGSUSURI NG

ISANG DULA
I. URI NG PAMPANITIKAN

• Tula • Dula
• Pabula • Talumpati
• Epiko • Salawikain
• Alamat • Bugtong
• Talambuhay • Maikling kwento
• Sanaysay
II. ISTILO NG PAGLALAHAD
• Tradisyunal ang naging paraan ng
paglalahad ng kuwento. Sinimulan ito sa
karaniwang panimula at sinundan ng mga
pangyayaring komplikado, mabilis at
kapana-panabik ang daloy ng istorya,
kaya’t walang na kababagutan ang mga
bahagi.
III. MGA TAYUTAY
•Ay mga salitang ginagamit
upang gawing matalinhaga,
kaakit-akit, at mabisa ang
isang pahayag.
HALIMBAWA NG TAYUTAY
• SIMILE O PAGTUTULAD
Ito ay nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang
magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng
mga katagang tila, kagaya, kasing-, sing-, ga-,
katulad, anaki’y, animo, para, parang, para ng,
kawangis ng, gaya ng, at iba pang mga kauring
kataga.
• METAPORA O PAGWAWANGIS
Ito ay tiyak na paghahambing ngunit
hindi na ginagamitan ng pangatnig
na kagaya, katulad at mga kauri.
• PAGMAMALABIS O EKSAHERASYON
(HYPERBOLE)
Ito ay lubhang pinapalabis ang kalagayan ng isang
tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba
pang katangian.
IV. SARILING REAKSIYON
1. MGA TEORYA
A. TEORYANG REALISMO
-ang katotohanan ang binigyang diin ay may
layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang
kalagayan nangyayari sa lipunan.
B. TEORYANG HUMANISMO
-binibigyang pansin ang kakayahan ng tao sa maraming
bagay.
C. TEORYANG MORALISTIKO
-tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit.
Pinapahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang
nakapaloob sa akda.
D. TEORYANG FORMALISMO
- Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo
kabisaan sa pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag.
E. TEORYANG SOSYOLOHIKAL
- Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong
kinatha ang panitikan.
2. MGA PANSIN AT PUNA
• Sa pagbabatikos ng panitikan, kailangang masusi munang pag-
aralan ang talambuhay ng may-akda bago batikusin ang
kaniyang nilikha. Sa ganitong paraan, mas mapagaaralan kung
ano ang mga nadulot ng kaniyang sariling katha at ang
kaniyang mga pananaw sa pagsulat nito.
HALIMBAWA NG PAGSUSURI NG
DULANG
“SAAN PAPUNTA ANG MGA
PUTOK?”
I. URI NG PAMPANITIKAN
• Ang “Saan Papunta ang mga Putok?” ay isang dula na sariling
katha ni Rogelio L. Ordonez. Masasabi itong dula dail
nagsasaad ng isa o higit pang pangyayari na ginagampanan ng
isa o higit pang tauhan ang likhang kwento na naakmang
itanghal sa dulaan. Ang estilo rin ng pagsulat na bawat tauhan
ay may diyalogo at may panuto kung ano ang eksena at
kapaligirang napapalibot sa kaniya ay akma rin sa isang dulaan.
II. ISTILO NG PAGLALAHAD
• Tradisyunal ang naging paraan ng paglalahad ng dulang
kwento. Sinimulan ito sa karaniwang paglalarawan ng
kapaligiran, panahon, at kondisyon kung kailan nagaganap ang
dula. Tradisyunal na dula ang pamamaraan ng istilo ng
paglalahad nitong sariling katha. Itong tradisyunal na
pamamaraan ay maiiba sa huli ng dula kung saan nagtapos ang
dula sa pambansang awit na kadalasang pinapatugtog sa
umpisa ng pagsasadula.
III. MGA TAYUTAY
“Binatuta kami ng pasista, parang mga asong pinagbabaril.
Aywan ko kung ilan ang tinamaan sa amin, kung ilan ang nasa
morge.”
-Masasabi nating simili itong diyalogo dahil tiyak itong
paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Naihalintulad
ang pagbabatuta ng mga militar sa mga estudyanteng aktibista sa
mga galang asong pinagbabaril lamang upang mahinto ang mga
ito.
IV. SARILING REAKSIYON
1. TEORYA
- Isang Realismong Panitikan ito na nagpapakita ng pamayanang
panlipunan bilag napupuno ng salot, korupsyon at kaguluhan.
Kinapapalooban ito ng realism dahil sa mga pangyayari sa
kwentong na maihahambing ang kasaysayang ng Pilipinas.
Katulad na lamang ni Ador na maihahambing sa dami- daming
mga aktibistang estudyante ng UP na napatay.
2. MGA PANSIN AT PUNA
• Isa sa mapapansin sa dula ay ang patay-malisya sa karakter ni
Aida. Inilarawan siya bilang “kapatid ni Ador, 19 na taong
gulang, karaniwang estudyante, walang pakialam sa mga
isyung pambansa.” Siya ang karaniwang mamamayan at mag-
aaral sa ngayon- pinag-aaralan at binabatikos lamang ang mga
kaganapan sa kapaligiran ngunit walang planong baguhin ang
sistema o ipabuti ang lipunan.

You might also like