Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

TULA

TULA
Ang panulaan o tula ay isang uri
ng sining at panitikan na kilala
sa
malayang paggamit ng wika sa
iba't ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman
ito sa pamamagitan ng paggamit
Mga uri ng tula
• Liriko o pandamdaming tula
>>Awit o Kanta - tungkol sa pag-ibig;
kundiman. Ang karaniwang paksa nito ay
pag-ibig, kawalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, kaligayahan,
pag-asa at kalungkutan.
>>Elihiya - mapanglaw; tungkol sa
kamatayan o kalungkutan.
Nagpapahayag ito ng damdamin o
guniguni tungkol sa kamatayan o kaya ay
>>Oda - matayog na damdamin o kaisipan
(paghanga o pagbibigay parangal). Ito ay
nagpapahayag ng isang papuri, ng isang
panaghoy o ng iba pang masiglang
_x0000_damdamin, walang tiyak na
bilang ng pantig o taludtod sa isang
saknong.
>>Soneto - binubuo ng 14 taludtod o
linya; nangangailangan
ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro ;
hinggil sa damdamin at kaisipan, may
>>Dalit - Ito ay mga awit na pumupuri sa
Diyos o sa Mahal na Birhen.
• Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
• Naratibo o nagsasalaysay - Tulang
Pasalaysay. Naglalarawan ito ng mga
mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay
na natatagpuan sa mga taludtod na
nagsasalaysay ng isang kwento.
a. Epiko o Tulang Bayani - Ito ay
nagsasalaysay ng kabayanihang
halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol
sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang
b. Korido - Ito ang tulang nagtataglay ng
walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang
mahaba at may mahusay na banghay ng mga
pangyayaring isinasalaysay. May himig
mapanglaw at malimit na may paksang
kababalaghan at maalamat at karamihan ay
hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa
nito ay Ibong Adarna.
c. Awit - Ito ay nagtataglay ng labindalawang
pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito
kaysa korido. May malambing at marikit na
pangungusap at nangangailangan ng malalim
na
*Padula/Drama - Sadyang ginawa ito upang itanghal.
Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na
maaaring makatulad ng, o dili kaya ay naiiba sa
nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang
usapan dito.
_x0000_Uri ng Drama: komedya, trahedya,
melodramang tula, dulang parsa.
*Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghal ng
mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa
paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at
tagisan ng mga talino sa paraang patula.
a. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng
tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan. Ito ay sa karangalan ni Francisco
Balagtas Baltazar.
b. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang
paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na
libangang itinatanghal na ang taglay na
pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng
singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang
paligsahan sa husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at
mga kasabihan. Ang duplo ay palaisipang tula
na walang sukat, tugma at talinghaga samantalang
ang Karagatan ay may sukat at pagandahan ng
tula.
*Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung
ELEMENTO NG TULA
SUKAT - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod. Ang karaniwang sukat ng isang tula ay
wawaluhin at lalabindalawahin.
TUGMA - tumutukoy sa pagkakapareho ng huling
tunog o titik ng salita sa bawat taludtod. May
dalawang uri ng tugma. Ito ay ang tugmang ganap
at di-ganap.
GANAP - kapag magkakapareho ang tunog at titik
ng huling salita sa bawat taludtod. DI-GANAP,
kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling
salita sa bawat taludtod.
TAYUTAY - ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng
mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-
LARAWANG-DIWA (IMAGERY) - mga
salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng
malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.
SIMBOLISMO - salita sa tula na may
kahulugan sa mapanuring isipan ng
mambabasa.
SINING O KARIKTAN - paggamit ng pili,
angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng
pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
TAYUTAY
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na
ginagamit upang bigyan diin ang isang
kaisipan o damdamin. Sinasadya ng
pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o
di-karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang
saloobin.
Ang tayutay ay ang paggamit ng mga salita sa
kanilang di-karaniwan at literal na kahulugan
upang maging kaakit-akit at malinaw na istilo.
Ito ay nakapagdaragdag ng kagandahan sa
MARAMING
SALAMAT

You might also like