Professional Documents
Culture Documents
MAGASIN
MAGASIN
MAGASIN
Halina't alamin….
ANO ANG MAGASIN?
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng
maraming artikulo,kuwento,larawan,anunsyo at iba pa.Kalimitang
pinopondohan ng mga patalastas.Ito ay nag bibigay ng impormasyon
sa mga mambabasa.
Ito ay may sukat na mas malaki kaysa sa aklat ngunit mas maliit
kaysa sa pahayagan.
Maaaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na
iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa.
Maaring maipamahagi ang mga
magasin sa pamamagitan ng koreo,
pagbebenta sa mga tindahan ng
pahayagan, aklat o ibang mga
nagbebenta, o sa pamamagitan ng
libreng pamamahagi sa piling lugar
na pagkukuhanan.
MGA BAHAGI NG MAGASIN
PABALAT
PAHINA NG PAMAGAT
PAHINA NG KARAPATANG SIPI
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
KATAWAN NG AKLAT
GLOSARY
INDEKS
ANO ANG KAHALAGAHAN
NG MAGASIN?
Mahalaga ang mga magasin dahil ito ay kinagigiliwan basahin ng
mga tao.At tulad rin ng pahayagan marami ring makukuhang
imporamasyon dito.Sa mga impormasyon na ito maaaring ma-update
ang mga tao tungkol sa usong kagamitan at kasuotan.Matutulungan
rin nito ang mga Ina kung paano nila magagawa ng tama ang kanilang
responsibilidad.Nagbibigay din ito ng mga impormasyon sa showbiz
kung sino ang mga bagong sikat.
At sa isang uri naman ng magasin ay binibigyan ng pansin ang mga
kabataan kung ano ang kanilang mga suliranin.Nakakatulong din ito
kung paano mapapangalagaan ng tama ang kalusugan ang mga
kalalakihan.Kung mayroong tamang pangangalaga sa
katawan,mayroon ring pangangalaga sa mga gadyets upang tumagal
at hindi masira.At mayroon ring magasin upang magkaroon ng
maayos na negosyo.