Filipino9 Pabula 160612055922

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

E A

O R
K
PAGKAHATI NG KOREA
Ang Korea tulad ng ilang bansa sa
Asya ay ilang beses ding sinakop ng
mga dayuhan. Nakikita sa kanilang
pamumuhay ang impluwensiya ng
China at Japan, ang ilan sa mga
bansang sumakop sa kanila.
Sa likod nito ay mahigpit
pa rin nilang
napapanatili ang
pagpapahalaga sa
kanilang kultura,
tradisyon, kasaysayan,
MAHAHALAGANG TANONG
1. Bakit mahalagang unawain at
pahalagahan ang pabula?
2. Nailalarawan ba ng mga hayop
na tauhan sa pabula ang
katangian ng mga tao sa bansang
pinagmulan nito?
GAWAIN 1. Piliin Mo
Mula sa mga tauhan ng mga
pabulang nabasa mo pumili ng
isang hayop na sumisimbolo sa
iyong pagkatao. Ipaliwanag kung
bakit ito ang napili mong hayop.
GAWAIN 2. Iugnay Mo
Panoorin ang pabulang Si Karlo at Kaloy Ang
Prinsipe ng mga Kalabaw mula sa Aesop’s fables
at isagawa ang mga sumusunod na gawain:
1.Isulat ang mga kaisipang may kaugnayan sa
salitang pabula batay sa pabulang napanood

Pabula

P
a
b
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang mga
nilikhang gumagala sa kapatagan at
kabundukan. Ang mga ito ay may
simbolong ugnayan sa bansa at sa mga
mamamayan nito.
Sa Korea, mahalaga ang ginampanan
ng mga hayop sa kanilang mitolohiya
at kuwentong bayan . Ayon sa kanilang
paniniwala, noong unang panahon
daw ay may isang tigre at oso na
nagnais maging tao.
Nang bumaba sa lupa ang kanilang
diyos na si Hwanin ( diyos ng
kalangitan) ay humiling ang isang
tigre at isang oso na maging tao. Ang
sabi ni Hwanin ay magkulong sa
kuweba ang dalawa sa loob ng 100
araw.
Dahil sa marubdob na pagnanasang
maging tao ay sumunod sa ipinag-
uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang
ng ilang araw ay agad ding lumabas
ang tigre subalit nanatili sa loob ng
kuweba ang oso.
Pagkalipas ng 100 araw ay may isang
napakagandang babae ang lumabas ng
kuweba. Ang babae ay natuwa sa
kaniyang itsura at kinausap muli si
Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos
at muling humiling na sana ay
magkaroon siya ng anak.
Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang
anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng
kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y
nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si
Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang
dito nagsimula ang pagkakaroon ng
simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty
sa Korea
L A
BU
PA
Ang pabula ay isa sa mga
sinaunang panitikan sa
daigdig. Noong ika-5 at
ika-6 na siglo bago si
Kristo, may itinuring nang
pabula ang mga taga
India.
Ang karaniwang paksa ng
mga pabula ay tungkol sa
buhay ng itinuturing na
dakilang tao ng mga
sinaunang Hindu, si Kasyapa.
Lalong napatanyag ang mga
ganitong kuwento sa
Gresya. Si Aesop ang
tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa
napabantog niyang aklat,
ang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang
maikling kuwentong
kathang-isip lamang.
Karaniwang isinasalaysay sa
mga kabataan para aliwin
gayundin ang magbigay ng
pangaral. Ang mga tauhan
Mga hayop na
kumakatawan o
sumasagisag sa mga
katangian o pag-uugali
ng tao. Ang ahas
halimbawa ay karaniwan
Ang kalabaw, matiyaga. Ang
palaka, mayabang. Ang unggoy
o matsing, isang tuso. Ang aso,
matapat. Marami pang hayop
ang may ibang
pagpapakahulugan. Sa mga
bagay naman, ang rosas ay
kumakatawan sa babae at sa
GAWAIN 2. Tukuyin ang Ipinahihiwatig
Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng mga
sumusunod na pahayag batay sa pagkakagamit
sa binasang pabula.
1.Kinabukasan ipinagpatuloy ng tigre ang
paghingi ng tulong hanggang siya’y mapagaw.
Nang walang tulong na dumarating lumupasay
siya sa lupa.
2. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
3. Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre
subalit nangibabaw ang kaniyang pangamba.
4. “Mga taon ang binibilang namin upang
lumaki pagkatapos puputulin lang ng mga
tao!” sumbat ng puno ng Pino.
5. “Dapat kainin ng tigre ang tao” ang hatol ng
punong Pino at baka.
GAWAIN 4. Ikuwento Mong Muli
a. Ayusin ang mga larawan batay sa
wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pabula. Gamitin ang bilang
1-5. Isulat sa sagutang papel ang iyong
mga sagot.
Kuneho puno ng Pino Tigre Baka
Lalaki ____ ____ ____ ____ ____
b. Ilarawan ang katangian at ginampanan ng bawat tauhan sa
pabula.
Pangalan ng Tauhan Katangian Ginampanan

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga


gabay na tanong.
1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at
ng lalaki? Bakit?
2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang
ginawa ng kuneho? Ipaliwanag.
3. Magbigay ng isang kasabihang maaaring
mahalaw sa pabulang nabasa. Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli
ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano
kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit?
5. Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang
maimumungkahi mo upang maiwasan ang pang-aabuso
sa sumusunod:
a. hayop b. kalikasan
6. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at
kaugalian ng mga taga-Korea?
7. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?
Nagkamali ng
Utos
GAWAIN 7. Story Ladder Isulat ang mahahalagang
pangyayari sa pabulang “Nagkamali ng Utos”.

Wakas
kakalasan
Kasukdulan
tunggalian
Simula
GAWAIN 8. Mga Gabay na Tanong
1.Paano nagapi ng mga tutubi ang mga matsing sa labanan?
2. Nasasalamin ba sa pabulang “Nagkamali ng Utos” ang
kultura nating mga Pilipino? Ipaliwanag.
3.Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian
ng hari ng tutubi sa pabulang “Nagkamali ng Utos” at ang
kuneho sa “Ang Hatol ng Kuneho”?
A L
O D
M
Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa
pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad, kakayahan,
pahintulot at obligasyon.
Mga halimbawa nito ang:
maaari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat, kailangan at
hangad.
Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong
aspekto.
Dalawang Gamit Nito
1. Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga
pangungusap na walang totoong pandiwa.

Halimbawa:
Gusto ko ang damit mo.
Hangad ko ang iyong tagumpay.
Tandaan:
Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga
modal na gusto,hangad at kailangan ang nagpapahiwatig ng
pandiwa.
2.Bilang panuring na may kahulugang tulad ng
pandiwa
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa
salitang maglakbay na isang pandiwang nasa
anyong pawatas. )
Ibig ng kuneho na makita ang
hukay kung saan nahulog
ang tigre.
(Ang salitang ibig ay modal
na nagbibigay turing sa
salitang makita na isang
pawatas.)
Narito ang mga uri:
1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at
pagkagusto Mga Halimbawa:
Gusto kong mamitas ng bayabas. Ibig kong
matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.
2. Sapilitang pagpapatupad Halimbawa:
Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.
3. Hinihinging mangyari
Halimbawa:
Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.
4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa:
Maaari ka bang makausap
mamaya?
Puwede kang umasenso sa
buhay.
Pagsasanay 1
Halawin mula sa pabulang “Nagkamali ng Utos” ang
mga pangungusap na nagtataglay ng modal at
tukuyin kung paano ginamit ito.
Isulat ang A kung ito ay ginamit bilang malapandiwa
at B kung ito ay ginamit bilang panuring.
Pagsasanay 2
Dugtungan ang mga pangungusap upang mapalawak ang
kaisipang nais ipabatid.
____1. Dapat nating alagaan ang kalikasan.
_____2. Ibig kong umahon sa kahirapan. _____3. Kailangan natin
ng pagbabago. _____4. Gusto kong marating ang magagandang
tanawin sa ating bansa. _____5. Maaari pa kaya ito?
Pagsasanay 3 Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa
pangungusap.
Mga Pagpipilian:
a - Nagsasaad ng posibilidad
b - Nagsasaad ng pagnanasa
c – Hinihinging mangyari
d – Sapilitang mangyari
___1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula
___2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
___3. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano
ang mayroon ka ngayon.
___4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
___5. Ibig ng magandang babae na magkaroon si
___6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng
pagpapahalagang ginagawa ng mga taga-Korea.
___7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng
mabubuting asal.
___8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at
Korea.
___9. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
__10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

You might also like