Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Mariano Marcos State University

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES


Department of Languages and Literature
2906 Batac City
KOMUNIKASYON
Kahulugan

Hango sa salitang LATIN na:

Communicare
magbahagi o magbigay ng impormasyon

Communis
panlahat o para sa lahat
Kahulugan

Webster
Ang komunikasyon ay akto ng
pagpapahayag ng ideya sa
pamamagitan ng pasalita o
pasulat na paraan
Kahulugan

Greene at Petty
Inilalarawan sa aklat nilang
“Developing Language Skills,” ang
komunikasyon bilang isang intensyonal
o konsyus na paggamit ng anumang
simbolo ng tunog o anumang uri ng
simbolo upang makapagpadala ng
katotohanan, ideya, damdamin o
emosyon mula sa isang indibidwal
tungo sa iba.
Kahulugan

Rothfuss (1985)
Ang komunikasyon ay isang prosesong
resiprokal kung saan ang mga
indibidwal ay lumilikha at
nagbabahaginan ng kahulugan.

* RESIPROKAL sapagkat may mga taong


kasangkot na tinatawag na tagahatid at
tagatanggap. Habang nagsasalita ang isa,
ang isa nama’y nagrereak sa mensaheng
kanyang tinatanggap sa paraang
nakakaimpluwensiya sa nagsasalita.
Kahulugan

Revell (1979)
Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng
mga kaalaman, impormasyon, ideya,
opinion at damdamin ng mga kalahok
sa usapan sa pamamagitan ng mga
salita at ng mga simbolong di- verbal
tulad ng intonasyon, mga kilos,
ekspresyon ng mukha, atbp.
Kahulugan

Verderber (1987)
Ang komunikasyon ay isang
prosesong dinamiko, tuluy-
tuloy, at transaksyunal.
Kahulugan

Verderber (1987)
Dinamiko – patuloy itong aktibo
at nagbabago.
Tuluy- tuloy – wala itong tiyak na
simula at wakas.

Transaksyunal– ang mga taong


kasangkot ay kapwa responsable
sa tagumpay ng komunikasyon.
Tipo/ Antas
Komunikasyon
INTRAPERSONAL
• Komunikasyong pansarili.
• Sangkot dito ang pag-iisip,
pag-alala at pagdama, mga
prosesong nagaganap sa
internal nating katauhan.
• Ito ang pinakabatayan ng
dalawa pang antas ng
komunikasyon.
Tipo/ Antas
Komunikasyon
INTRAPERSONAL
• Halimbawa:

Kapag ikaw ay napapabulong sa


iyong sarili, ika’y
nakikipagtalastasang
intrapersonal.
Tipo/ Antas
Komunikasyon
INTERPERSONAL
• Nagaganap sa pagitan ng dalawang
tao sa pagitan ng isang tao at maliit
na pangkat.
• Malaking bahagdan ng
komunikasyong nagaganap sa ating
lipunan ang nasa antas na ito.
• Ito ang humuhubog ng ating
ugnayan o relasyon sa ating kapwa.
Tipo/ Antas
Komunikasyon
INTERPERSONAL
• Halimbawa:

Sa isang talk show, ang pag- uusap


ng isang tagapanayam at ang
kinakapanayam.

Usapan ng dalawang magkaibigan,


ng guro at mag-aaral, nanay mo at
inyong kapitbahay, at iba pa.
Tipo/ Antas
Komunikasyong
PAMPUBLIKO
• Komunikasyong nagaganap sa
pagitan ng isa at malaking pangkat
ng mga tao.

• Halimbawa:

Ang isang tagapagsalitang


nagtatalumpati sa harap ng mga
tagapakinig.
Tipo/ Antas
Komunikasyong
PAMPUBLIKO
• Halimbawa:

Ang SONA ng pangulo

Ang isang mag-aaral na nagtapos


ng balediktoryan at nagtalumpati ng
kanyang Valedictory Address sa
araw ng kanilang pagtatapos
Tipo/ Antas
Komunikasyong
PAMPUBLIKO
• Halimbawa:

Ang mga komunikasyon sa


pamamagitan ng mga midyang
pangmasa tulad ng:
***telebisyon
***radyo
***pahayagan
***pelikula
Takdang-Aralin
Pumili lamang ng ISA sa mga nasa ibaba at
sumulat ng isang orihinal na talumpati ukol
dito. (Paalala: ang talumpati ay dapat nasa
wikang Filipino at hindi kukulangin sa 500
salita pero hindi naman lalampas sa 700 na
salita.

A. Valedictory Address
B. Panauhing Pandangal (Guest Speaker) ng
isang okasyon o programa (malaya kang
pumili kung anong okasyon o programa ito)
C. Nangangampanya dahil tumatakbo sa isang
posisyon sa pulitika (Halimbawa:
pagkapangulo, pangalawang pangulo,
senador, kongresman, gobernador, mayor,
atbpa)
GABAY!
Apelyido, Unang Pangalan, Gitnang Inisyal
Oras at Araw ng Klase sa Filipino

Talumpati sa Pagka-Gobernador

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Takdang-Aralin
I-encode at i-print ito sa isang medium size
bond paper. Century Gothic ang font style at
12 ang font size. Pakisumite next meeting
(Setyembre 25, 2019, Miyerkules)!
******
Gayundin, paki-video ang sarili habang
binibigkas mismo ang sariling talumpating
isinulat. Hangga’t maaari ay angkop din ang
kasuotan sa okasyon ng binuong talumpati.
Paki-save lahat ng video ng buong klase sa
iisang USB. Isumite ito sa Setyembre 30,
2019, Lunes!

File Name ng Video: Apelyido_Unang


Pangalan (Halimbawa: SISON_MARK)

You might also like