Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

PANANALIKSIK

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK :

 ANG PANANALIKSIK AY ISANG AY ISANG


SISTEMATIKO AT SIYENTIPIKONG PROSEO
NG PANGANGALAP, PAG-AAYOS, PAG-
SUSURI, PAG O-ORGANISA, AT
PAGKAKAHULUGAN NG MGA DATOS TUNGO
SA PAG LUTAS NG MGA SULIRANIN,
PAGPAPATOTOO NG PREDIKSYON, AT PAG
PAPATUNAY SA IMBENSYONG NAGAWA NG
TAO.
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK :
( AYON SA IBA’T-IBANG EXPERTO )
Parel (1966)
- isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik
 E. Trece at J. W. Trece (1973)
- isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin
 Atienza, et al. (1996)
- Ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral
tungkol sa isang bagay, konsepto, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan
 Sauco (1998)
- Isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsususring lohiko at wasto
sa pamamagitan ng matiyaga at hindi
 Sanchez (1998)
- puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman
 Sevilla (1998)
- paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas ng isang suliranin
 Semorlan (1999)
- mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa isyu, konsepto at problema
 Alejo, et.al.(2005)
- isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at
pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa pagtuklas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksiyon at
pagpapatunay sa imbensiyong nagawa ng tao
 Ordonez, et. al. (2007)
- pahayag sa mataas na lebel ng pagsusulat dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng mga datos,
pag-iimbestiga, pagsusuri, pagbibigay hinuha at sa pagtatapos ay pagbibigay kongklusyon at
rekomendasyon
MGA LAYUNIN NG PANANALIKSIK :
Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid
nang penomena.

 Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na


nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.

 Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga


bagong instrumento o produkto.

 Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.

 Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang


substances at elements.

 Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan,


industriya,edukasyon pamahalaan at iba pang larangan.

Ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik.

 Mapalawak o ma verify ang mga umiiral na kaalaman.


KAHALAGAHAN
NG
PANANALIKSIK :
 BENEPISYONG EDUKASYONAL :

- Ang pananaliksik ay nakatutulong sa guro


upang magsilbing gabay ang natuklasan at nang
sa gayon ay mapagtagumpayan niya ang
epektibong pagtuturo sa kanyang mga mag-aaral.
Para naman sa mga mag-aaral, natututo sila sa
mga isyu, metodolohiya at kaalaman sa napili
nilang larangan. Gayundin, kung nagsasagawa
sila ng pananaliksik o nakababasa ng mga
resulta ng mga isinagawang pananaliksik,
naisasabuhay nila ang mga natutuhang konsepto
at nahahasa ang kanilang kasanayan sa
paglutas ng suliranin dahil ang pananaliksik ay
pawang paghahanap ng solusyon sa mga suliranin.
 BENEPISYONG PROPESYONAL :

- Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad at


nakapaghahanda para sa kanyang pinapasok na
karera dahil sa nasasanay na siyang magbasa at
mag-analisa ng mga datos na nagbubunga ng
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
kanyang propesyon.
 BENEPISYONG PERSONAL :

- Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng


isang mag-aaral ang kritikal at analitikal na
pag-iisip na magbubunga ng kanyang pagiging
matatag sa buhay. Nakakaya niyang tumayong
mag- isa, at masanay na siya sa paghahanap ng
mga datos bilang tugon sa paglutas ng mga
suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.
 BENEPISYONG PAMBANSA :

- Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang


pag-unlad ng bansa at nakatutulong sa
pagkakaroon ng matatag na lipunan tungo sa
mabuting pamumuhay para sa lahat. Maging ang
desisyon ng ating mga pinuno hinggil sa
kapakanang pambansa ay batay sa resulta ng
mga isinagawang pananaliksik.
 BENEPISYONG PANGKAISIPAN :

- Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng


isang indibidwal at nahahasa ang kanyang
kaisipan dahil sa natitipon niyang mga ideya at
pananaw.
BENEPISYONG PANGKATAUHAN :

- Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga datos,


nahahasa ang kagalingan ng isang mag-aaral sa
pakikipagkapwa-tao. Nagbubunga ito ng
kahusayan sa pakikibagay at pakikipag-ugnayan
sa IBA’T ibang tao. Bukod dito, nalilinang ang
kanyang tiwala at pagmamalaki sa sarili lalo na
kapag nagampanan niya nang maayos ang
tungkuling hinarap .
KATANGIAN NG PANANALIKSIK :
 Ang pananaliksik ay sistematiko ;

- Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang


proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan,
solusyon sa suliranin o anuman na naglalayong
matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan.

 Ang pananaliksik ay kontrolado ;

- Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling


lutasin. Pinaplano ito nang mabuti at ang bawat
hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula
sa resulta ng isinasagawang pag-aaral. Ang napiling
suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag, kinikilala
at pinipili ang mga baryabol.
 Ang pananaliksik ay empirikal ;

- Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto


na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong haypotesis. Ang mga empirikal na
datos ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng kongklusyon.

 Ang pananaliksik ay pagsusuri ;

- Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at


kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay
nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginamit samantalang
ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay
ng kuru-kuro o interpretasyon.
- Sa kwalitatibong pananaliksik makikita ang kritikal na
pagsusuri sa mga dokumentong nakuha na magiging batayan sa
pagbibigay ng kongklusyon.
- Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay
karaniwang hango sa talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at
iba pa. Ang mga dokumentong ito ang sinisiyasat nang MABUTI
UPANG MABIGYAN NG INTERPRETASYON.
 Ang pananaliksik ay lohikal, obhektibo, at walang
kinikilingan ;

- Ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat


na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng
mananaliksik. Ang mananaliksik ay dapat na walang
pinapanigan o kinakampihan. Dapat itala niya anuman
ang naging resulta ng pag-aaral.

- Maituturing na isang krimen ang pagmanipula sa


resulta ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng
mananaliksik na maging matapat at obhektibo.
 Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis ;

- Ayon kay Best (1981), ang haypotesis ay


pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa
isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi
pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o
magaganap pa lamang.

- ANg haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na


pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag- aaral.
Ipinakilala ng haypotesis ang kaisipan ng mananaliksik
sa simula pa lamang ng pag-aaral.
 Orihinal na akda ang pananaliksik ;

- HANggA’T maaari, tiyaking bago ang paksa at wala


pang nakagawa sa nasabing pananaliksik.

May sistema ang pananaliksik :

- Tulad ng iba pang siyentipikong gawain, ang


pananaliksik ay may sistemang sinusunod. Hindi naaaksaya
ang oras, panahon at salapi kung ang gawain ay nasa
ilalim ng nararapat na proseso.
- Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos, ang
pananaliksik ay isang gawaing may proseso o sistema - hindi
ito natatapos na minamadali.
- Ang pananaliksik ay sumusunod sa maayos at
makabuluhang prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon sa suliranin o anumang bagay na
hinahanapan ng kasagutan.
Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag- aaralan ;
- Kung magsaliksik, siguraduhing may mababasa
kang impormasyon ukol sa paksa, mapaaklat man,
magasin, o di kAYA’Y sa internet.

Hindi magastos ang paksa ;


- HANggA’T maaari, pumili ng paksa na hindi
gugugol ng malaking halaga. Ngunit isaalang-alang din
ang kalidad ng gagawing pag-aaral.

Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay abot-


kamay ;
- Sa ikagaganda, ikahuhusay at ikadadali ng
anumang pag- aaral, mahalaga na ang datos ay
madaling mahanap. Ang mahalaga sa pananaliksik ay
malinaw na nasagot o natugunan ang mga katanungang
inihanda.
MAKATOTOHANAN ANG PANANALIKSIK ;

- Ang pananaliksik ay isang siyentipikong


gawain, marapat lamang na ilahad ang totoong
kinalabasan ng pag-aaral batay sa isinagawang
pagsusuri at istadistikong analisis. Sa madaling sabi,
hindi dinoktor ang mga datos upang mapabuti ang
resulta ng pananaliksik.
ETIKA
NG
PANANALIKSIK :
 Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at
pag-ingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba.
Kung gayon, kailangan niyang maging matapat sa
kanyang isinusulat at mapanindigan niya ang anumang
produktong ginawa niya sa lahat ng oras.

• Paggalang sa karapatan ng iba


Kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat ng
mga tao anuman ang antas na kinabibilangan nila,
kailangan ang kaukulang paggalang o respeto sa
kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin ang
kanilang pagkakakilanlan kung wala silang
pahintulot.
• Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential -
Kinakailangang alamin ang lahat ng datos at
detalyeng nakuha mula sa sarbey, o anumang paraan
na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng
mananaliksik kung paano niya ilalahad ang kabuuan
PAMAMARAAN
NG
PANANALIKSIK
MGA PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK :

 Pamamaraang pangkasaysayan, na tinutuklas ang


katotohanan ng nakaraan .

- ANG PAMAMARAANG PANGKASAYSAYAN Tinatangkang


sagutin o tugunin ng pamamaraang ito ang nakaraan
sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaugnayan ng
sanhi at bunga. Sinisikap ng pamamaraang ito na
matuklasan ang sanhi ng mga nakalipas na
kaganapan, sitwasyon, at kalagayan.
 Pamamaraang palarawan, tungkol sa kasalukuyan.

-ANG PALARAWANG PANANALIKSIK Inilalarawan sa


pamamaraang ito ang tumpak na larawan ng
kasalukuyang kalagayan ng mga bagay- bagay na
maaaring verbal, graphic o isinalarawan, quantitative
o statistical. Ang mga datos ay mula sa mga
kasalukuyang ulat, sarbey o pagmamasid.
MGA URI NG PALARAWANG PANANALIKSIK :
1. Pag-aaral ng kaso
2. Sarbey
3. Papaunlad na pag-aaral
4. Follow-up na pag-aaral
5. Pagsusuri ng dokumento
6. Pagsusuring pangkalakaran
 Pamamaraang eksperimental, tungkol sa maaaring
maging katotohanan sa hinaharap.

ANG EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK ;

•Natatanging katangian ng pamamaraang ito ang


panghuhula sa maaaring kasagutan ng mga katanungan.

• Haypotesis ang tawag sa hulang ito. Ang pamamaraang


eksperimental ay ang pagsubok sa isang haypotesis sa
pamamagitan ng isang mapamaraang paggamit ng may
kaugnayang empirikal na mga salik, sa pag-asang
matatamo ang katotohanan kung ang haypotesis ay
mapapatunayan ng bunga ng mga mapamaraang
paggamit.
WAKAS !

You might also like