Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Kasanayang

Komunikatibo
Bakit mahalagang hindi lang basta
makapagsalita kundi magamit ang
tamang salita at may tama ring
gramatika kapag nakikipagusap tayo
sa iba
"DELL HATHAWAY HYMES"
Kasanayang
Komunikatibo
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika,
hindi sapat na matutuhan lang ang
mga tuntunin na pang gramatika. Ang
pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay
magamit ito ng wasto sa mga angkop
na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang
tamang mensahe, at magkaunawaan ng lubos
ang dalawang taong naguusap.
Kapag umabot na rito, masasabing ang taong
ito'y nagtataglay na ng kasanayang
komonikatibo communicative competence at
hindi nalang basta kasanayang lingguwistiko o
grammatical kaya naman, siya ay maituturing na
isa
nang mabisang communicator.
Ang terminong kasanayan komunikatibo o
communicative competence ay nagmula sa
linguist, sa socio linguist, anthropologist, at
folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell
Hymes noong 1966.Nililinang nila ng
kasamahan niyang si John J. Gunperz ang
konseptong ito bilang reaksyon sa kasanayang
lingguwistika
(linguistic competence) at ipinakilala naman ni
Noam Chomsky noon 1965.
Bilang isang lingguwista, binigyang diin ni
Dr.Hymes sa kanyang mga katrabaho ang
paguugnay ng kultura sa wika ito ay isang
kakaibang pananaw sa panahon sya'y
nagsisimula sa palang sa kanyang karera noong
mga huling taong 1950's subalit hindi sya
nagpatinag sa paniniwalang sa pagpapahayag
ng mga tao gumagamit sila ng higit pa sa
pagsasalita.
Sa kasalukuyang, ang pananaw na ito ay
tanggap at ginagamit na sa pag-aaral ng wika
sa iba't ibang panig ng mundo kasama na ang
ating bansa. Isang pagpugay para sa dakilang
lingguwistang sumalungat sa kasanayan at
nagbigay ng higit na kahulugan sa paraan
nating nang pagkatoto ng wika.
Silid-aralan ang daan tungo
sa paglinang ng
Kasanaang
Pangkomunikatibo ng mga
Pilipino
Sa mga silid aralan nangyayari ang pormal
pagkatuto ng wika gayun pa man ang magiging
tuon ng pagkatuto ng wika ay para lang
maituro ang kayarian o gramatika ng wika
tulad ng mga bahagi ng pananalita, bantas,
baybay, ponolohiya, morpolohiya, at iba pang
teknikal na aspekto ng wika; at kung sa mga
pagtataya ay nakapokus lang sa pagkilala.
pagbilog, pagsalungguhit sa mga bahagi ng
estruktura ng wika, maaaring hindi maabot ng mga
Pilipinong magaaral ang pagkakaroon ng kasanayang
pangkomunikatibo. Nasusukat kasi ang kasanayang
pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang
tatas sa pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa,
at makagamit ng tamang salita o wika sa angkop na
pagkakataon lalo na sa mga awtentikong sitwasyong
hindi sila sinasanay,
Nararapat kong gayon na ang pagkatoto ng wika sa
mga silid-aralan ay maiangat mula sa pagkilala lang
sa gramatika upang mapalawig, maiugnay, at
magamit sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong
mundo o sa tunay na buhay, Pasalita man o pasulat.
Dito lamang magkakaroon ng kahulugan at
kabuluhan ang mga araling wika dahil nakita at
nagamit ng mga mag-aaral sa awtentikong
sitwasyon.
Mula rito'y matatanim sa kanilang isipan ang
kahalagahan ng mga ito hindi lang para sa
darating na pagsusulit kundi para sa
pangangailangan sa pakikipagtalastasan
maging sa mga panahong wala na sila sa loob
ng silid-aralan.
Upang umabot sa gantong uri ng pagkatoto ay
mangangailangan ng higit na partisipasyon ng
mga magaaral sa mga gawaing lilinang ng
makrong kasanayan tulad ng pagsasalita,
pagbasa, pakikinig, at pagsulat.
Ayon kay Cantal Pagkalinawan (2010), ang
mahuhusay na klasrum pangwika ay yaong
may aktibong interaksiyon sa pagitan ng guro
at estudyante, at estudyante sa kanyang kapwa
estudyante ang guro ang nagsisilbing
tagapatnubay/facilitator lamang sa iba't ibang
gawain sa klasrum at ang mga estudyante
naman ay aktibong nakikilahok sa iba't ibang
gawaing pangkomunikasyon.
Sa interaksyon ng mga estudyante sa kapwa
estudyante, kailangang bigyang sila ng pantay
na pagkakatong makilahok sa iba't ibang
gawain upang malinang ang kani-kanilang
kasanayan.
AT SA WAKAS
NATAPOS
END NADIN ANG
PRESENTATION
AMING PAG
REREPORT😂

You might also like