Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

MGA NATURAL

NA KALAMIDAD
Bagyo
BAGYO
 Ang bagyo ay isang malaking unos na
mayroong isang pabilog o spiral sistema ng
marahas at malakas na hangin at may dalang
mabigat na ulan, karaniwang daan-daang
kilometro o milya sa diameter ang laki.
Ang pagdagsa ng maraming bagyo ay maaring
epekto ng climate change o pagbabago ng klima.
Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng
karagatan kung saan ang mainit at malamig
na hangin ay nagtatagpo. Ang warm air
ay isang water vapor o mainit na
hangin na nag-eevaporate dahil sa init ng
dagat at habang itoy umaakyat nagkakaroon ng
low pressure area (LPA) na nabubuo sa paligid.
Lindol
LINDOL
 Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis
na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madalas ang
mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng
fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust)
Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat
ng direksyon mula sa kanyang pinaggalingan, ang
pokus, sa anyo ng mga seismikong alon.
Ang malakas na enerhiya na nilalabas ng
mga atomikong pagsabog o ng mga pagputok
ng bulkan ay maaring makapagdulot ng lindol,
ngunit ang mga pangyayaring ito ay maituturing
na mahina at madalang. May pagkakataon din na
nagkakaroon ng matinding pagbaba ng mga lupa.
Ang lindol ay kasama sa mga natural kalamidad.
Baha
BAHA
 Ang baha ay labis na pag-apaw ng
tubig o isang paglawak ng tubig na
natatakpan ang lupa, at isang delubyo. Sanhi
nito ang ulang rumaragasa o bumubugso. Maaari
rin itong padagsang pagtambak ng napakaraming
bagay sa isang lugar. Naging katumbas din
ito ng mga pagkagunaw sa ibang diwa.
Tinatalakay ang baha, ang dakilang Unibersal na
delobyo ng metolohiya o marahil ng kasaysayan,
sa delobyo, sa metolohiya o ang malaking
baha noong panahon ni Noe, ang mga
pagguho ng lupa ay nagaganap sa lahat
ng estado at maaring dulot ng iba’t ibang
bagay kasama na ang mga lindol, bagyo.
Pagsabog ng bulkan,sunog at ng pagbabago
ng taong ginawa sa lupa. Ang mga
pagguho ng lupa ay mabilis na nangyayari,
madalas ay walang babala at ang pinakamahusay
na paghahanda ay manatiling nakababatid tungkol sa
mga pagbabago sa loob at labas ng
inyong tahanan na maaring maghudyat ng baha.
Sunog
SUNOG
 Ito ay kadalasang nag-uumpisa sa apoy, ang
apoy ay isang uri ng kombustyon, isang
reaksyong kemikal, kinakasangkutan ng dalawa o higit
pa na mga kemikal kung saan handang
magkaroon ng reaksiyon ang mga molekula sa
bawat isa upang makabuo ng karagdagang mga
kemikal. Isa rin itong natural na kalamidad.
Hindi katayuan ng materya ang apoy sa
halip ito ang proseso ng eksotermikong oksidasyon
na kung saan ang enerhiya ng init
at liwanag. Nagsisimula ang apoy kapag ang
panggatong na may sapat na panustos ng
oksihena o ibang oksidiser ay nagkaroon ng
sapat na init, at napapanatili ang proseso
na patuloy na pagpapalabas ng enerhiya ng
init, gayon din nag patuloy na panustos
ng oksihena at panggatong na may kombustyon.
Kadalasang pinagsisimulan ng apoy ng isang palito
ng posporo o lighter na pinapalaganap ng
ibang bagay na may kombustuyon. Tinatawag na
sunog ang pagsiklab ng mga malaking apoy.
Pagsabog Ng
Bulkan
PAGSABOG NG BULKAN
 Ang mga pagsabog ng bulkan sa paligid
na tinatawag na mga “lateral blast” ay
nagbubuga ng malalaking tipak ng bato nang
napakabilis na aabot nang ilang milya ang
layo. Ang mga pagsabog na ito ay
nakamamatay sa pamamagitan ng pagtama, paglubog o
init. Kilala ang mga ito na nakapagpapatumba
ng mga buong kagubatan. Ang mga pagsabog
ng bulkan ay maaring sabayan ng iba
pang likas na panganib, kasama na ang
mga lindol, pagdaloy ng putik at mga
flash flood, pagkahulog ng bato at mga
pagguho ng lupa, acid rain, sunog at
kung akma sa mga konisyon mga tsunami .
Aksidente
AKSIDENTE

Ang aksidente ay isang natural na kalamidad


na maaring mangyari lamang sa isang iglap.
Ito ay hindi maiiwasan na nagaganap bigla
sa ating paligid. Madalas itong nangyayari sa
daan halimbawa ng pabunggo ng mga sasakyan
sa kalye, aksidenteng pagkasagasa sa tao at
pagbundol ng mga malalaking sasakyan sa kalye.
MGA NATURAL NA
KALAMIDAD O
SAKNANG NAGAGANAP SA
KOMUNIDAD
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang
mga salita.

1. DOL LIN
2. HA BA
3. AK DEN SI TE
4. NOG SU
5. YO BAG
1. LINDOL
2. BAHA

3. AKSIDENTE

4. SUNOG

5. BAGYO
TANDAAN NATIN
May mga natural na kalamidad o
sakunang nagaganap tulad ng
lindol, baha, sunog, bagyo,
pagsabog ng bulkan at aksidente.
Inihanda ni : Veronica O.
Zamora
BEED- III

You might also like