Esp Powerpoint

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MODYUL 8:

PAKIKILAHOK AT
BOLUNTERISMO

Pangkat IV 9
SPA - A
PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO

Naranasan mo na
bang makilahok at
maging volunteer?
SAYSAY NG BUHAY

Sa lipunan sumasakasaysayan ang tao.


Nagkakaroon ang buhay ng saysay sa kanyang
nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Tunay ngang nagkakaroon ng saysay ang
buhay kung ito ay ginagamit nang
makabuluhan tuwing siya ay nagbabahagi ng
kanyang sarili para sa kapuwa, para sa
lipunan sapagkat bilang taong nilikha ng
Diyos, ang tao ay may pananagutan na
magbahagi sa kaniyang kapuwa at sa
lipunang kanyang kinabibilangan.
DIGNIDAD
 Mula sa salitang Latin na “dignitas” na mula sa salitang
“dignus” na nangangahulugang “karapat-dapat” o pagiging
karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang ng
kapwa.
 Lahat ng tao, anuman ang kaniyang kulay, gulang, anyo o
antas ng kailangan at kakayahan ay may dignidad.
 Dahil sa dignidad, nangingibabaw ang paggalang at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, lahat tayo ay
pantay -pantay.
 Ang paggalang sa dignidad ng tao ang nagsisilbing daan
upang mahalin ang kapuwa gaya ng pagmamahal sa ating
sarili.
ANG TAO AT ANG LIPUNAN

 Ang tao ay ipinanganak na isang panlipunang


nilalang; hindi niya tunay na makakamit ang
kaniyang kaganapan bilang tao kung hindi siya
makikipamuhay kasama ang kaniyang kapuwa;
KAILANGAN NIYANG MAKILAHOK SA LIPUNAN.
 Mahalagang makibahagi ang tao sa mga gawaing
panlipunan upang makatulong ito sa pagbuo ng
kaniyang pagkatao.
 Sa iyong pagbubukas ng puso at isip sa mga
nangyayari sa lipunan at sa pagpapahalaga mo sa
dignidad ng iyong kapuwa, magkakaroon ng ganap
na pagbabago. Ang pagkakaroon ng isang maunlad
at nagkakaisang lipunan para sa kabuting panlahat.
PAKIKILAHOK

 Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang


isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
 Kapag hindi mo ito isinagawa mayroong mawawala
saiyo.
 Ito ay nagbibigay sa tao ng makabuluhang
pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat
nakikilahok ay dapat tumupad sa kanyang tungkulin
para sa kabutihang panlahat. Ang obligaysyon na ito
ay likas dahil sa taglay na dignidad ng isang tao.
KAHALAGAHAN NG PAKIKILAHOK

 Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung


kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan. Mula
dito makakamit ang kabutihang panlahat.
 Mahalaga ang pakikilahok dahil:
 Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong sa
pagtugon sa pangangailangan ng lipunan
 Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na
mayroong pagtutulungan at
 Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa
pagkamit ng kabutihan panlahat.
ANTAS NG PAKIKILAHOK

 Ayon kay Sherr y Arnsteinis.


1. Impormasyon- mahalaga na matuto siyang magbahagi ng
nalalaman o nakalap na impormasyon.
2. Konsultasyon- hindi lang ideya o opinyon mo ang mahalaga;
matutong makinig sa iba.
3. Sama-samang pagpapasiya- kailangang isaalang-alang ang
kabutihang maidudulot sa nakararami o sa lahat.
4. Sama-samang pagkilos- mapapadali ang gawain kung may
pagtutulungan.
5. Pagsuporta- pinansyal, moral o pagbibigay ng buong husay
at talento na nanggaling sa puso.
HINDI MINSANAN LAMANG

 Ang pakikilahok ay isang patuloy na proseso - Hangga’t kaya


mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong
lipunan, kailangan mong makilahok sapagkat mula dito
nabibigyang saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa
wangis ng Diyos.
 Sa pamamagitan ng pakikilahok ang tao ay nagiging
mapanagutan hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati narin
sa kanyang kapuwa. Maipapakita ito sa pamamagitan ng:
 a. Paggalang sa makatarungang batas
 b. Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad ng
pagtataguyod ng maayos na pamilya at pagiging tapat sa gawain.
BOLUNTERISMO

 Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita


ng pagmamahal sa kapuwa at sa lipunan.
 Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng
anumang kapalit. Ito ay marami ring katawagan
tulad ng bayanihan, damayan, kawanggawa, o
bahaginan.
 Naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging
mapanagutan siya sa kanyang lipunan na nagiging
daan tungo sa kabutihan panlahat
MGA BENEPISYO NG BOLUNTERISMO

1. Nagkakaroon siya ng personal na pag-unlad.


2. Nakapagbibigay siya ng natatanging
kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng
lipunan.
3. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na
makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
4. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na
makilala hindi lamang ang iba kundi pati na
ang kaniyang sarili.
PAGKAKAIBA NG PAKIKILAHOK AT
BOLUNTERISMO
 Sa pakikilahok , nagiging konsiderasyon ang personal na
interes o tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung hindi,
mayroong mawawala sa iyo.
 Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka
apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Kung ikaw
man ay managot; ikaw ay mananagot sa iyong konsensiya
sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong
kapuwa.
 Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo
pero lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok.
PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO

 Ang tunay na diwa ng Pakikilahok at Bolunterismo


ang kailangang makita sa ating lipunan lalo na sa
kasalukuyan.
 “Huwag lamang makuntento sa mga araw-araw na
karaniwang gawaing, iyong hindi nababahala at
pinababayaan lamang tumakbo ang mundo, bagkus
kinakailangan na ang kabataan ay “manggulo”” –
wika ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani
 “Ang kabataan ang durungawan kung saan ang
hinaharap ay nagdaraan” – mensahe ni Pope Francis
noong nakaraang World Youth Day sa Rio de Janerio,
Brazil noong June 24, 2013.
TATLONG T’S SA PAKIKILAHOK AT
BOLUNTERISMO
1. Panahon (Time)- ito ay mahalaga sapagkat pag ito’y lumipas
hindi na ito maibabalik
2. Talento (Talent)- ang paggamit ng iyong talento ay
makatutulong hindi lamang sa iba kundi ito ay
makakatulong din sa iyo upang higit kang magkaroon ng
tiwala sa iyong sarili.
3. Kayamanan (Treasure)- sa pagbibigay hindi tinitingnan ang
laki nito sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga ay
kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa
nangangailangan.

You might also like