Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

ANG MGA KONTINENTE

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa


ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng
magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng
katubigan.

Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong


ng Continental Drift Theory, dati nang magkakaugnay ang
mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil
sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato
kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwaly ang
Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.
PAANO NABUO ANG MGA KONTINENTE NG DAIGDIG?
240 milyong taon – Mayroon lamang isang super continent
na tinatawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang
tinawag na Panthalassa Ocean.

200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan


ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa
Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern
Hemisphere.
65 milyong taon - Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga
kalupaan. Mapapansin ang India na unti-unting dumidikit sa
Asya.

Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga


kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng North
America at Europe bawat taon.
May mga kontinenteng nagtataglay ng marami
at kaunting bansa. May pitong Kontinente ang
daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North
America at South America, at Australia. Sa mga
estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ay
ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa
Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Nagmula sa AFRICA ang
malaking suplay ng ginto at
diyamante. Naroon din ang
Nile River na pinakahabang
ilog sa buong daigdig, at
ang Sahara Desert, na
pinakamalaking disyerto. Ang
Africa ang nagtataglay ng
pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga
kontinente.
Samantala, ang ANTARCTICA ang
tanging kontinenteng natatakpan ng
yelo na ang kapal ay umaabot ng halos
2 km (1.2 milya). Dahil dito, walang taong
naninirahan sa Antarctica maliban sa
mga siyentistang nagsasagawa ng pag-
aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana
sa mga isda at mammal ang karagatang
nakapalibot.
Pinakamalaking kontinente sa mundo
ang ASYA. Sinasabing ang sukat nito ay
mas malaki pa sa pinagsamang lupain
ng North at South America, at ang
kabuuang sukat nito ay tinatayang
sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang
sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya
rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang Mt.
Everest na pinakamataas na bundok sa
pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal
at Tibet sa China.
Samantala, amg laki
ng EUROPE ay
sangkapat (1/4) na
bahagi lamang ng
kalupaan ng Asya.
Ito ang ikalawa sa
pinakamaliit na
kontinente ng
daigdig sa lawak
nahalos 6.8% ng
kabuuang lupa ng
daigdig
Ang AUSTRALIA ay isang
bansang kinikilala ring
kontinenteng pinakanaliit
sa daigidig. Napalilibutan
ito ng Indian Ocean at
Pacific Ocean, at
inihihiwalay ng Arafura
Sea at Timor Sea. Dahil sa
mahigit 50 milyong taong
pagkakahiwalay ng
Australia bilang isang
kontinente, may mga
bukod tanging species ng
hayop at halaman na sa
Ang NORTH AMERICA ay may
hugis na malaking tatsulok
subalit mistulang pinilasan sa
dalawang bahagi ng Hudson
Bay at Gulf of Mexico.
Dalawang mahabang
kabundukan ang
matatagpuan sa
kontinenteng ito – ang
Applachian Mountains sa
silangan at Rocky Mountains
sa kanluran.
Gayundin, ang SOUTH
AMERICA ay hugis tatsulok na
unti-unting nagiging patulis
mula sa bahaging equator
hanggang sa Cape Horn sa
katimugan. Ang Andes
Mountains na may habang 7
240 km (4 500 milya) ay
sumasakop sa kabuuang
baybayin ng South America.
Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga
kontinente
Kung susuriin ng
ang daigdig
isang ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw
mapa, mapapansing ang
puzzle na hugis
mga baybayin ng
ng South America at Africa, at ang bahaging
ginagampanan
silangang bahagi ngng daan-daang bulkan sa rehiyong tinatawag
na Pacific
South AmericaRing
at of Fire.
kanlurang bahagi ng
Africa ay tila lapat at
akma sa isa’t isa na
paramg mga piraso ng
isang malaking jigsaw
puzzle. Ito ay sa
kadahilanang dating
magkaugnay ang
dalawang lupaing ito.
Habang tumatagal,
patuloy pa rin ang
proseso ng paglawak ng
karagatan sa pagitan nito
at ang paglayo ng
ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang
hangganan ng South America at North America patungong hilaga sa
Aleutian Islands ng Alaska, pababasa silangang hangganan ng Asya
hanggang New Zealand sa Timog Ocenia. Tinatawag itong Ring of Fire
dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga
ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig kung
saan nakapatong ang mga naturang kontinente.
Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga
ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na
pumutok at nagdulot ng malaking pinsala:
Samantala ilan sa mga bansang labis na napinsala ng malalakas na lindol
ay ang:
CHINA 1556 (830,000 ANG NAMATAY) at 1976 (242,000 ang
namatay
JAPAN NOONG 1923 (143,000 ANG NAMATAY
SUMATRA NOONG 2004 (227,898 ANG NAMATAY
HAITI NOONG 2010 (222,570 ANG NAMATAY

You might also like