Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mga Pamantayan sa

Pagwawasto at Pagtuturo
ng Sanaysay
Mga Tips sa Pagsulat ng Sanaysay
1) Tema - basahing mabuti ang tema, pokus o topic
ng sanaysay na hinihinging pagsusulit. Ito ba ay
tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, isang
paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa, atbp?

2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay - dapat ay may


kinalaman ito sa tema ng isusulat; hindi dapat
napakahaba, iwasan ang pamagat na patanong at
kailangang nakakapukaw ng kalooban
• 3) Talata - isang punto o diwa, isang talata. Huwag
pagsama-samahin sa iisang talata o paragraph ang mga
isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay.
Iwasan din ang masyadong mahabang talata na paulit-
ulit naman ang laman.
• 4) Punto - Dapat malinaw ang iyong punto o thesis
sentence. Ano ba anggusto mong palabasin? Iakma rito
ang iyong mga sasabihin.
• 5) Balangkas o Outline - kung mahaba ang oras,
gumawa ng maikling outline para alam mo ang isusulat
sa bawat talata.
6) Panimula, Katawan at Wakas - Ang sanaysay ay karaniwang
maypanimulang talata, katawan at wakas o konklusyon. Sa
body o katawan ng sanaysay, dito ipinahihiwatig ang
pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit n adetalye ng punto at
ang paglalarawan o masusing pagbusisi ng maliliit nadetalye.
7) Tono - tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa
unang katauhan (ako)? Ikaw ba ay isang magulang, pulitiko,
guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag mo ng mahusay
ang inyong punto de vista (point of view).
8) Tamang gramatika at mga pananda - mas malaki ang puntos
kungtama ang grammar o gramatika ng sanaysay. Dapat ay
wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, tutuldok,
atbp)
9) Tapusin ang sanaysay - huwag ibitin ang mambabasa. Dapat
itong may konklusyon o wakas
Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay
.Higit na Inaasahan (5)
.Nakamit ang Inaasahan (4)
.Bahagyang Nakamit ang Inaasahan (3)
.Hindi Nakamit ang Inaasahan (2)
.Walang Napatunayan (1)
.Iskor
Kategorya:
Introduksyon
(5) Nakapanghihikayat ang introduksyon. Malinaw na nakalahad ang
pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.
(4) Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa gayundin ang
panlahat na pagtanaw ukol dito.
(3) Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa subalit
hindi sapat ang pagpapaliwanag ukol dito.
(2) Hindi malinaw ang introduksyon at ang pangunahing paksa.
Hindi rin nakalahad ang panlahat na pagpapaliwanag ukol dito.
(1) Hindi nakita sa ginawang sanaysay.

Diskusyon
(5) Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na
pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa paksa.
(4) Bawat talata ay may sapat na detalye
(3) May kakulangan sa detalye
(2) Hindi nadebelop ang mga pangunahing ideya
Organisasyon ng mga Ideya
(5) Lohikal at mahusay ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya; gumamit din ng mga
transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya.
(4) Naipakita ang debelopment ng mga talata subalit hindi makinis ang pagkakalahad
(3) Lohikal ang pagkakaayos ng mga talata subalit ang mga ideya ay hindi ganap na
nadebelop.
(2) Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay.

Konklusyon
(5) Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita ang pangkalahatang palagay o
paksa batay sa katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.
(4) Naipakikita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.
(3) Hindi ganap na naipakita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay
sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.
(2) May kakulangan at walang pokus ang konklusyon
Mekaniks
(5) Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
(4) Halos walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
(3) Maraming pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
(2) Napakarami at nakagugulo ang mga pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon
at pagbabaybay.

Gamit
(5) Walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.
(4) Halos walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga
salita.
(3) Maraming pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga
salita.
(2) Napakarami at nakagugulo ang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap
at gamit ng mga salita.
Sanggunian:
• vdocuments.site_pagwawasto-ng-sanaysay
• documents.tips_mga-tips-sa-pagsulat-ng-sanaysay

You might also like