Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Mga Tiyak na

Sitwasyong
Pangkomunikasyon
Small Group Discussion
Ang small group discussion ay tumutukoy sa
maliit na diskusyon sa mga taong gusto
nating makausap.

Ang Pinakamainam na bilang sa isang small


group ay lima (5) hanggang sampung (10)
ang minimum sa isang grupo.
Round Table Discussion
Ang lahat ng miyembro ay nakikilahok
sa usapan sa pamamagitan ng pag
kukumpol kung saan nakikita ng bawat
isa ang gustong magsalita.
Kondukta ng Pulong, Miting,
Assembliya
PAG-OORGANISA NG PUL0NG
(ORGANIZING THE MEETING)

Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga


upang ito ay maging epektibo at mabisa.

Ang apat (4) na elemento ng isang


organisadong pulong.
1. PAGPAPLANO (PLANNING)
Mga tanong na dapat masagot kapag nagpaplano ng isang pulong:

* Ano ba ang dapat makuha o maaabot ng grupo pagkatapos ng pulong?


* Ano ang magiging epekto sa grupo kapag hindi nagpulong?

2. MAGKAROON NG MALINAW NA LAYUNIN, KUNG BAKIT DAPAT MAY


PAGPUPULONG:
• Pagpaplano para sa organisasyon
• Pagbibigay impormasyon
• Konsultasyon
• Paglutas ng problema
• Pagtatasa
3. PAGHAHANDA (ARRANGING)
Sa imbitasyon (by letter, text o verbal), kailangang sabihan ang mga taong dapat dumalo sa pulong: kung
kalian (petsa at oras), saan (lugar ng pulong), at ano ang agenda (mga bagay na pag-uusapan) na
tatalakayin. Ang paghahanda ay nakadepende rin sa mga particular na tungkulin ng mga tao sa pulong.

• * Chairman/President
• * Secretary
• * Mga kasapi sa pulong
SA IMBITASYON DAPAT IPAALAM AT ISULAT ANG MGA PAG-UUSAPAN/TATALAKAYIN
(Agenda of the Meeting)
• · Pagbubukas ng pulong
• · Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong
• · Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman na nakaraang pulong
• · Pinakamahalagang pag-uusapan
• · Ibang paksa
• · Pagtatapos ng pulong

MAGHANDA SA PULONG
• · Ihanda ang lugar,
• · ihanda ang mga gagamitin
• · pag-aralan o research
4.PAGPOPROSESO (PROCESSING)
Ang pulong ay dapat mayroong mga “rules, procedures o standing orders” kung paano ito patatakbuhin. Sa
pangkalahatan, pareho naman ang mga prinsipyo ng mga patakarang (rules) ginagamit ng union,
nagkakaiba lang sa mga detalye.
Ang ilang mahahalagang patakaran (rules) ng pulong at ang tungkol sa mga dumalo (attendance) at
pagsasagawa ng desisyon.
• * Quorum – ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal
ang pulong.
• * Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng
lahat ng mga kasapi sa pulong.
• * Simpleng mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinakailangan ang 50% + 1
(simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong.
• * 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3 o 66% ng
pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
MAGSIMULA AT MAGTAPOS SA TAKDANG ORAS
* Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras.
* Sikaping matapos ang pagpupulong sa itinakdang oras, alalahanin, ang ibang
kasapi ay may iba pang nakatatakdang gagawin.

5. PAGTATALA (RECORDING)
Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes) ito ay mahalaga dahil ito ang
opisyal na record ng mga desisyon at pinag-uusapan sa pulong. Maaari itong balikan ng
organisasyon kung may kinakailangang linawin sa mga nakaraang pag-uusap. Dapat hindi lang
ang Kalihim ang magtatala, ang mga kasapi dapat nagtatala rin sila ng hindi nila makalimutan
ang pinag-usapan.
1. Pinuno (Chairperson) – tinatawag ding “facilitator” tagpatnubay, o “meeting leader”. Sinisiguro niya
na maayos ang takbo ng pag-uusap at pagdedesisyon.

· MGA PATRIKULAR NA GAWAIIN NG CHAIRPERSON


1) Nangunguna at nag-aambag sa usapan.
2) Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan.
3) Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at nagpapatawa sa mga usapan.
4) Nag-aayos ng sistema ng pulong.
5) Namamagitan sa mga alitan o hindi pagkakaunawaan ng mga kasama sa pulong.
2. Secretary – tinatawag ding recorder, minutes-taker, o tagatala.
3. Mga kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) – sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa
pulong.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG
1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksa ang
pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi.
2. Bara-bara na pulong – walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo,
kaya dapat ang “house rules”.
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at
pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.
4. Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng
isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya’t daihil dito nagkakasamaan ng loob ang mga
tao sa pulong.
5. . Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng
organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang
tunay na problema.
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa – walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at
pagbubukas sa isa’t isa, dito kinakailangan ang “Iklas” manalig ka sa Allah, palaging alalahanin
ang kasabihan: “may Makita kang isda sa dagat na wala sa ilog, at may Makita ka na isda na
wala naman sa dagat”.

7. Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong maingay o magulo ang lugar ng


pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar o maraming
istorbo gaya ng mga usyoso na nanonood, nakikinig o nakikisali, magkakalayo ang mga
kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.

8. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras –
tulad halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga manggagawa.
Iwasan o dapat hindi makadalo ang MGA KASAMANG NAKAKAGULO SA
PULONG, sino sila? Kilalanin….
1. Mr Huli- papaano hindi tawaging Huli eh Parating Huli – nahihinto ang takbo ng pag-
uusap dahil kailangang ipaliwanag at ulitin sa nahuling dumating kung anong nangyari o
napag-usapan. (LAUGHING)
2. Mr Umali- si Maagang Umaalis – umaalis kaagad kahit hindi pa tapos ang pulong.
3. Mr Sira-Sirang Plaka – paulit-ulit ang sinasabi dahil maaaring hindi nakikinig o talagang
may kakulitan lang o gumawa ng sariling “papel” o gustong palaging “bida”.
4. Mrs Duda- Parating Nagdududa – anumang tinatalakay sa pulong ay
pinagdududahan o pinagsususpetsahan.
5. Mr Iling-Laging Umiiling-iling – parang laging hindi tanggap ang sinasabi ng mga kasama
sa grupo, na sa tuwing sasabihin ang kasamahan ay pailing-iling na walang namang
sinasabi.
6. Miss Gana-Walang Gana – bagamat pisikal na nasa pulong, ang kanyang isip ay nasa
ibang lugar at may ibang ginagawa nagbabasa, nagdro-drowing, hikab ng hikab,
natutulog, at iba pa, habang nagpupulong.
7. Mr Whisper-Bulungero – nakakainis at nakakailang dahil kahit nagsasalita ang mga
kasama sa grupo, bulong siya ng bulong (pangiti-ngiti pa kung minsan) sa kanyang katabi.
Para bang may intrigang sinasabi sa katabi niya.
8. Mr Apeng Daldal-Daldalero – halos sa buong pulong, siya at siya na lamang ang
nagsasalita. Kadalasan din siya ang may pinakamalakas na boses, at madalas ay “out of
topic.”
9. Miss Tsismosa – nagdadala na kung anu-anong balita, tsismis at intriga na walang
katuturan sa pulong. Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong sa kanyang mga kuwento.
10. Mr Henyo-Masyadong Marunong – ayaw magpatalo kahit kanino. Ayaw din niyang
makinig sa mungkahi ng iba dahil akala niya siya ang palaging tama.
11. Mr Pal-Paalis alis – habang nagpupulong, paalis-alis (pupunta ng comfort room,
tatawag sa telepono o cellpon, makikipagkwentuhan sa iba, at kong ano-ano pa ang
pinag-aabalahan) pero pagbalik ang daming tanong.
12. Mr Tang-Tagasunod - taga-tango at nakikisanay sa lahat ng nangyayari sa pulong at
walang sariling opinion, kundi sama-sama lang sa mas maraming kasama.
pasalitang pag-uulat sa maliit at malaking pangkat ay isang uri
ng pagsasalaysay sa harap ng mga tao o tagapakinig.

Nagkakaiba lamang ang mga ito sa liit o dami ng mga


tagapakinig.

Subalit ang ibayong paghahanda at kaalaman ng isang


tagapagsalita ay marapat na maipamalas sa oras ng pag-uulat.
Mga Gabay sa Maayos ng Pag-uulat

-Kinakailangang may sapat at kakayahang makasagot sa lahat ng kinakailangan ng mga


tagapakinig batay sa paksa.

-Ang paksang iuulat ay dapat naaayon sa pagkakasunod-sunod at naihahayag ng buong


linaw sa mga tagapakinig.

-Hiniling din ang tamang lakas ng boses para sa gagawing pag-uulat.

-Mahalagang angkop ang kasuotan na gagamitin sa gagawing pag-uulat.

-Higit sa lahat ang tiwala at kompyansa sa sarili ay lubos na hinihingi sa gagawing


pagpapahayag ng ulat maliit o malaki mang pangkat ito.
Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naaabot nito.

Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating


ang malalayong pulo at ibang bansa.

Wikang Filipino ang ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit


ng mga lokal na channel.
Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay ang mga:
-teleserye,
-mga pangtanghaling mga palabas,
-mga magazine show,
-news and public affairs,
-reality show
-at mga programang pantelebisyon.

Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling
programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong manonood ang dahilan
kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita
ng wikang Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO
Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.

May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng


wikang Ingles sa pagbrobroadcast subalit nakakarami pa rin ang gumagamit
ng Filipino.

May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na


wika ngunit kapag may kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila
nakikipag-usap.
Sa diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang
Filipino naman sa Tabloaid maliban sa iilan.

Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga drayber ng
bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa atbp. Na
nakasulat sa wikang higit nilang nauunawaan. Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa
mga tabloid ay kadalasan ay hindi pormal na wikang ginagamit sa mga
broadsheet.

Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong


maakit kaagad ang mga mambabasa.

Ang nilalaman ay karaniwan ding senseysyonal na lumalabas ang


impormalidad ng mga ito.
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay


tinatangkilik pa din ng mga manonood. Ingles ang kadalasang pamagat
ng mga pelikulang Filipino tulad ng One More Chance, Starting Over
Again, It Takes a Man and a Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, A
Second Chance atbp.

Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ng telebisyon, radyo,


diyaryo at pelikula.

Dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit ng mass media


ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakakapagsalita,
nakakaunawa at gumagamit ng wikang Filipino.
Ang nananaig na tono ay impormal at wari hindi gaanong istrikto sa pamantayan ng
propesyonalismo.

Maraming uri ng mediya ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang,


lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan.

Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga taong
tumatangkilik nito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng
mahusay upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.

You might also like