Rotc Sa Senior High School

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

ROTC SA SENIOR

HIGH SCHOOL
POSISYONG PAPEL NINA:
Marjhun Galanido & Kristine Supremo
PANIMULA:

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa


ating mga kababayan ang nakabinbing batas sa
Mababang Kapulungan ukol sa pagsasama ng
Reserve Officers Training Corps o ROTC sa
kurikulum ng senior highschool. Gusto ni President
Duterte na muling ibalik ang mandatory Reserve
Officers’ Training Corps (ROTC) sa Grade 11 and
12. Mag-iisyu umano siya ng Executive Order para
ma-revive ang ROTC sakali’t hindi kumilos ang
Kongreso na maibalik ito. Noong nakaraang taon pa
ipinagpipilitan ng Presidente na maibalik ang ROTC
sa mga pribado at pampublikong eskuwelahan.
Ngunit ano nga ba ang ROTC?
Ang ROTC ay sinimulang gawing bahagi ng
kurikulum ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa
pamamagitan ng Executive Order No. 207 ni
Pangulong Manuel Quezon noong 1939. Ang
nasabing kautusan ay bahagi ng implementasyon
ng National Defense Act of 1935 o ang
Commonwealth Act No.1. Simula noon ay naging
mandatory ang pagsasailalim sa Reserve Officers
Training Corps ng mga estudyante sa kolehiyo.
Ang reserbang pwersang ito ay inaasahang
siyang pupuno sa pangangailangan ng
kasundaluhan sakaling sumiklab ang digmaan o
sakuna.
Ang ROTC ay isa sa mga kursong
pagpipilian sa National Service Training Program
(NSTP) ng gobyerno, na naglalayong ihanda ang
mga kabataan sa paglilingkod sa bayan. Bukod
sa ROTC, ang iba pang kurso sa programa ay
ang Civil Welfare Training Service (CWTS) at
Literacy Training Service (LTS). Ang NSTP ay
mandatory sa lahat ng mag-aaral sa kolehiyo,
batay sa NSTP Law of 2001. Subalit, maaaring
pumili ang mga mag-aaral kung alin sa tatlong
kurso ng NSTP ang maari nilang kunin.
Sinuportahan ng mga Armed Forces of the
Philippines (AFP) ang pagbabalik sa mandatory
ROTC pero nangangamba rin sila na ang
pagbabalik nito ay maging dahilan ng paglabag sa
karapatang pantao. May pangamba rin na ang
pagbabalik ng ROTC sa campus ay maging dahilan
muli ng pang-aabuso at iba pang uri ng hazing sa
kadete. Pinangangambahan din ang muling
pamamayagpag ng corruption. At dahil dito, tutol
kami sa pagbabalik ng mandatory ROTC.
PAGLALAHAD NG COUNTERARGUMENT

Labis na ikinatuwa ng Malacañang ang paglusot sa


ikatlo at huling pagbasa ng panukalang i-balik ang
mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC)
sa mga estudyante ng senior high school (SHS).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo,
malinaw na hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte, na
muling ibalik ang ROTC sa mga estudyante, dahil isa
aniya itong paraan upang madisiplina ang mga ito.

Pangunahing layunin ng Presidente sa pagbabalik ng


ROTC ay upang madisiplina ang kabataan na tingin
niya ngayon ay nawalan na ng pagmamahal sa
bansa. Isa pang dahilan ay upang maihanda ang mga
ito sa pagtulong na maipagsanggalang ang
pambansang seguridad. Kung maisasailalim umano
sa ROTC ang mga kabataan, mangingibabaw sa mga
ito ang pagiging makabayan.
Isa sa mga katuwiran ng Pangulo ay ang kawalan
ng disiplina sa mga kabataan at ang kawalan ng
posibilidad na makatuwang na kabataan sa
pangangailangan ng bansa pambansang seguridad.
Mas mangingibabaw daw ang pagiging patriotic o
makabayan ng lahat sa pangunguna ng mga
kabataan kung sumailalim ang mga senior high
school student sa ROTC.

Matatandaang 167 ang bumoto upang aprubahan


ang House Bill No. 8961 o ang Citizen Armed Forces
of the Philippine Reservist Act, kung saan layon nito
na imulat at isapuso ng mga kabataan ang pagiging
makabayan, paggalang sa karapatang pantao,
pagsunod sa saligang batas at pagmamahal sa
bansa.
 “Itong ROTC is purely training para mabigyan ng
magandang kaalaman at disiplina ang ating mga kabataan,”
ayon kay Gatchalian. “Hindi lang ito purely military training,
kung hindi mayroong disaster preparedness.”

 Ayon sa isang Heneral, “Naniniwala akong makatutulong


ang pagpapanumbalik ng ROTC upang mahubog ang ating
kabataan sa disiplina at pagmamalasakit sa bayan at kapwa
na kanilang mapapakinabangan sa kanilang buhay. Ang
pagsasanay ng kabataang Pilipino sa ilalim ng ROTC ay
makatutulong sa pagpaparami at pagpapalakas ng ating
militar at bahagi ng ating paghahanda sa anumang
kaganapang mangangailangan ng matibay na depensang
pang-nasyunal sa hinaharap. Hindi natin nais sabihin na
tayo ay naghahanda sa pakikipagdigma. Nais lamang nating
bigyan-diin ang kahalagahan ng paghahanda.”
Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP)
na malaki ang maitutulong ng mandatory Reserve
Officer’s Training Corps (ROTC) sa mga kabataan
upang maipagtanggol ang kanilang sarili gayundin
ang soberanya ng bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesman Col. Bernard


Banac, bilang pagsuporta ng pulisya sa pag-apruba
ng Kamara sa panukalang batas na nagtatakda ng
mandatory ROTC sa grades 11 at 12. Ayon kay
Banac, magandang pagkakataon ang ROTC lalo na
sa mga kabataan na nangangarap na mapasama
sa hanay ng PNP, gayundin sa AFP.
Kaugnay nito, wala namang nakikitang masama
si DepEd Sec. Leonor Briones kung muling
isasailalim ang mga estudyante ng senior high
school (SHS) sa ROTC. Aniya, mahalagang
maibalik ang ROTC, upang maging handa ang
bansa sa anumang posibilidad ng digmaan lalo
na’t nahaharap ang Pilipinas sa matinding
problema ng terorismo. Kasabay nito,
kumpiyansa naman si Briones na hindi na
mauulit ang mga naitalang pang-aabuso dahil sa
ROTC.
PAGLALAHAD NG PANGANGATWIRAN TUNGKOL SA
ISYU

 Sa kabila ng pagpasa sa NSTP Law of 2001 at pagiging


optional ng ROTC sa mga kolehiyo, nagpapatuloy ang
karahasan, katiwalian at pang-aabuso sa loob ng
programa.

 Matatandaang ginawang optional ang ROTC noong 2001


matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa ROTC cadet
ng UST na si Mark Welson Chua. Pinatay si Chua ng mga
kapwa kadete makaraang isiwalat nito ang korapsyon sa
UST-ROTC unit na nilathala sa student paper. Pagkaraang
patayin, ibinalot sa carpet ang katawan ni Chua at itinapon
sa Pasig River. Nadakip ang mga pumatay at hinatulan ng
habambuhay na pagkabilanggo. At hanggang ngayon,
ayon sa mga grupong tutol sa ROTC, ay patuloy ang
 Nitong 2014 lamang, dalawang kadete ng ROTC ang
tinanggal sa Polytechnic University of the Philippines
(PUP) matapos umanong saktan ang isang babaeng
kadete dahil sa hindi pagdalo sa Cadet Officers Candidate
Course ng pamantasan.

 Sa taon ding iyon, inimbestigahan ng De La Salle


University Manila ang insidente ng umano’y hazing sa
ROTC sa pamantasan. Pamansamantalang sinuspinde ng
pamantasan ang programa habang iniimbestigahan ang
kumandante ng ROTC.

 Noong nakaraang taon naman, ilang mga mag-aaral ng


University of Mindanao sa Tagum City, Davao del Norte
ang inimbestigahan ng kanilang pamantasan matapos
lumitaw sa internet ang video ng umano’y pananakit nila
sa mga kadete ng ROTC.
 Ang mga ganitong insidente ng hazing at katiwalian sa loob
ng ROTC ang dahilan kung bakit katawa-tawa ang mga
pahayag ng mga netizen na pabor na gawing mandatory
ang naturang programa.
 Kung talagang ang paniniwala nila ay magtuturo ng
disiplina ang ROTC, bakit mismong mga kadete ng ROTC
ang tila walang disiplina at sa halip ay nananakit at
pumapatay pa ng kanilang kapwa kadete? Iyan ba ang
pakahulugan nila ng “disiplina”?
 Dagdag pa ng mga kontra sa hakbang na ito, maling ideya
ng pagmamahal sa bayan ang ituturo ng ROTC dahil ang
pagsunod ng mga estudyante sa kanilang mga pinuno ay
mistulang pagbubulag-bulagan at walang pagtatanong at
kritikal na pag-iisip. Tinuturuan silang matakot sa mga
otoridad, sa halip na makilahok sa pagbubuo ng mga
patakarang wasto at tunay na makabubuti.
Kinontra ni Senador Imee Marcos ang muling
pagbuhay ng Reserved Officers Training Corp o
ROTC para as mga estudyanteng nasa Grade
11 and 12 matapos itong banggitin ng
Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Ika-apat
na State of the Nation Address o SONA
kamakailan.
“Mandatory ROTC hindi ko matanggap eh, for
me you cannot really force a kid to become a
soldier,” pahayag ni Sen. Marcos. “Hindi
puwede yan sa mga kabataan. Makikiusap po
ako ng kontra ‘yan sa ating pinirmahang UN
resolution. ‘Wag naman natin idamay ang mga
under age,” aniya pa.
Ang pagbabalik ng sapilitang ROTC sa
pamantasan ay lilikha lamang ng dagdag na
gastusin at alalahanin sa mga magulang — na
siyang dapat na may huling salita pagdating sa
pagdidisiplina ng kanilang mga anak at hindi ang
mga kawani ng ROTC. Lilikha rin ito ng
karagdagang pasanin sa mga mag-aaral na
umaaray na sa dami ng aralin sa paaralan na ang
ilan ay hindi naman nila nagagamit sa kanilang
buhay propersyonal. Kung nais mong maging
nurse o doctor, guro o engineer, accountant o
pintor, hindi mo magagamit ang kaalaman sa
paghawak ng baril sa iyong propersyon.
KONGKLUSYON
Bilang kongklusyon, kami ay hindi sang-ayon sa
pagbabalik ng mandatory ROTC. Hayaan na lamang
ang mga estudyante na mamili kung nais nilang
kumuha nito o hindi. Hindi na kailangan ang
mandatory kundi ay gawing voluntary na lang upang
bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na
talagang gustong mag-ROTC at makaranas ng
disiplina sa militar. Hindi lang naman sa pagkuha ng
ROTC makikita ang pagiging makabayan. Hindi lang
ito ang paraan para madisiplina ang mga kabataan.
Huwag nang dagdagan pa ang pasanin ng mga
estudyante sa pagkuha nito. Para maiwasan din nila
ang pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao.
Kung gustong maging disiplinado ang mga kabataan
ay magsilbing mabuting halimbawa ang mga lider ng
bansa katuwang ang maayos na gabay ng mga
magulang at komunidad.

You might also like