Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

TULA

Kahulugan at Mga Elemento nito


Ano ang Tula?
• Panggagagad at lubhang kahawig ng sining ng
paglililok, pagguhit o pagtatanghal. (Fernando
Monleon)
MGA ELEMENTO
NG TULA
1. SUKAT

• ang sukat ay bilang ng pantig sa loob ng bawat


taludtod sa saknong. Ito ang sinasabing tagal o ang
bilang ng bagsak ng tunog sa diin o bigkas ng mga
salita sa taludtod
• Wawaluhin (8)
• Lalabindalawahin (12)
• Lalabing-animin (16)
• Lalabingwaluhin (18)

Ang Sesura (Cesura) –saglit na paghinto ng pagbasa o


pagbigkas sa gitnang bahagi ng taludtod (Light Pause)
2. SAKNONG (ESTROPA)

• Isang grupo sa loob ng tula na binubuo ng mga linya


o taludtod.
Mga uri ng Saknong

Kopla (couplet)- 2 taludtod


Terseto (tercet)- 3 taludtod
Kwarteto (quatrain)- 4 taludtod
Kinteto (quintet)- 5 taludtod
Senteto (sestet)- 6 taludtod
Septet- 7 taludtod
Octave- 8 taludtod
3. TUGMA

• Pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghahuling salita


ng taludtod.
• Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng
tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
• Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng
tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
• Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng
pagtutugma:
– Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay
nagtutugma ang dulumpatig
– Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
AAAA- isahang tugma

ABAB- salitan

BAAB- inipitan

AABB- sunuran
ISAHANG TUGMA

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki


na hinahandugan ng buong pagkasi,
na sa lalong mahal nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi?

-”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”


SALITAN

Ako’y narito sinta


Sa iyo’y nakatingin
Ako’y mapansin sana
At ika’y maging akin
INIPITAN

May pag-asa pa ba kaya


Itong bayang sinilangan,
Umahon sa kahirapan
At mga tao’y magkaisa?

-”Sana”
SUNURAN

Ako’y namulat sa mundong mapanghusga


Taong mapanlilo sa kanilang kapwa
Mga pinunong gahaman at mapang-angkin
Mga Ginto at salapi’y kinikimkim!

-”Ang kalagayan ngayon”


4. TALINGHAGA

• Sadyang paglayo sa paggamit ng mga


pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at
mabisa ang pagpapahayag. Ito’y nagtataglay ng mga
matatalinghagang pahayag o salita (Tayutay at
idyoma)
5. LARAWANG-DIWA (IMAGERY)

• Mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng


malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
6. SIMBOLISMO (SYMBOLISM)

• Mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring


isipan ng mambabasa.
7. KARIKTAN

• Pagsasama-sama ng mga katangiang nagpapatingkad


sa katangian ng tula at pumupukaw sa mayamang
imahinasyon ng bumabasa.
• paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita.
Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa
bumabasa.
MGA ANYO NG
TULA
Malayang taludturan

Tradisyonal

May sukat na walang


tugma

Walang sukat na may


tugma
MGA URI NG
TULA
1. TULANG LIRIKO/DAMDAMIN

• tulad ng isang soneto o ng isang oda, na


ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng
makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon
karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang
kanta.
• Halimbawa ng tulang liriko: Awit, Soneto, Oda,
Elehiya, Dalit, Pasyon
• Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig
• Pastoral (Dalitbukid)
• Oda (Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan
(paghanga o pagbibigay parangal)
• Dalit o Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa
Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
• Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya;
nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-
kuro
• Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa
kamatayan o kalungkutan
2. TULANG PASALAYSAY

• Isang uri ng tula na nagsasalaysay gamit ang mga


elemento ng tula at mayroong balangkas na
pangyayari.
• Mga halimbawa ng tulang pasalaysay: Epiko, Awit at
Korido, Karaniwang tulang pasalaysay

• Epiko (Tulabuyani)
• Tulasinta (Metrical Romance)
• Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
• Tulagunam (Ballad)
3. TULANG PANTANGHALAN/DULA

• Karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang


ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o
melodiya ng isang awitin.
• Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na
maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa
nagaganap sa pang-arawaraw na buhay.
• Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)
• Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
• Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
• Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in
Poetry)
• Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
• Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos
(Dramatic Tragi-comedy in Poetry)
• Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry)
4. TULANG PATNIGAN

• Uri ng tula na kung saan naglalaban ang magkabilang


panig sa pamamagitan ng pagtula.
• Halimbawa ng tulang patnigan: Karagatan, Duplo,
Balagtasan.

• Karagatan
• Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay.
Ito ay sa anyo ng labanan, at bilyako o bilyaka ang
tawag sa mga manlalahok nito.
• Balagtasan
• Batutian

You might also like