Lester jhade Delacruz D. Ang merkado Mayroon bang merkado o malaking grupo ng tao na kadalasang may iisa o halos magkaparehas na interes, trabaho, gawi o lifestyle at antas sa lipunan na maaring tumangkilik ng ideya o produkto ng inyong negosyo? Mapapatunayan ba ito ? Ilarawan ang merkado pagdating sa dami ng mga kostomer at ng kakayahan ng mga ito sa pagbili. Nangangailangan ito ng intensibong pananaliksik at ito ang pinakamahirap na bahagi, ngunit ito rin ang pinakamahalaga. Mahalaga ring banggitin dito kung sino ang target market ng organisasyon o negosyo Kustomer Sino ang mga potensiyal na kustomer ? Sino ang indibidwal na bibili sa iyo ? Ano ang kaniyang mga gusto, pangangailangan, at demograpikong katangian? Gumawa ng listahan ng mga ito. Isama rin ang mga dahilan kng bakit sila bibili ng negosyong pinaplano. Tukuyin and market segments o grupo ng mga taong posibleng tumangkilik ng negosyo. Komtepetisyon Ito ay ang tunggaliang pangnegosyo o pampinansiyal ng mga negosyo. Ilista ang mga posibleng kakompetensiya at ang kanilang mga kalakasan at kahinaan. 5. Pangkalahatang pagtingin sa negosyo Dito matatagpuan ang pagtingin o pagtanaw sa mga kakailanganin sa negosyo na makaaapekto sa pangkalahatang kalagayan o kita nito, tulad ng lugar kung saan itatayo ang negosyo at plano kaugnay dito. a. Lokasyon Tukutin kung saan ang lukasyon, lugar, o pwesto ng negosyo at kung bakit doon ito itatayo. Rerentahan ba ito, bibilhin, pagmamayari na, o sa bahay lamang? Tukuyin mga bentahe at disbentahe ng lokasyon. b. Site plan, floor plan, assents Buuin ang: 1. Plano ng lugar na pag tatayuan 2. Ang arkitektural na plano ng itsura ng lugar 3. Ang mga kagamitang bibilhin para sa negosyo 6. Pauhan o Kapital Sa pagkakalkula kung magkano ang kailangang puhunan, paghandaan ang hanggang anim na buang pondo. Ito ay dahil maaring hindi pa makakabawi sa benta mula sa pagkakaroon ng untang, sa pamumuhunan ng labis na kagamitan, o sa hindi inaasahang pagtaas ng mga bayarin o gastusin. 7. Rokomendasyon Mula sa isinasagawang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo ng isang negosyo mahalagang banggitin ang rekomendasyon kung nararapat itong ituloy o hindi. Narara na ito ay maging tapat, maikli at directa.