Pagsasalin Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Ilang Simulain sa Pagsasalin

sa Filipino Mula sa Ingles


Bawat wika ay nakaugat sa kultura
ng mga taong likas na gumagamit
nito

Wikang Ingles Wikang Filipino


“as white as snow”

•“kasimputi ng nyebe”
•“kasimputi ng yelo”
•“kasimputi ng bulak”
“as white as snow”
• Sa Ingles, “immaculate pure” (snow) na bahagi ng
kanilang kalikasan at kultura.

• Ang diwang ito ay nasa “busilak na kaputian” at wala


sa “kasimputi ng yelo” o “kasimputi ng bulak”
Bawat wika ay may kanya-
kanyang natatanging kakanyahan

•Ang Filipino ay mayaman sa paglalapi


samantalang ang Ingles ay higit na mayaman
sa mga ekspresyong idyomatiko
• Ang Filipino ay may gitlapi (infix)
-“Ganda” – “ipinakikipagpagandahan”

• Lahat ng pangngalan ay magagawang


pandiwa.
-”tsinelas” – “Tsitsinelasin/Tsitsinelasin kita”
• Sa Ingles, ay hindi ito maaari
- “I will slipperize you!)
Dapat malaman ng tagapagsalin ang mga kakanyahan,
kalakasan at kahinaan ng mga wikang kasangkot sa
isasagawang pagsasalin. Ang isang katangiang nasa isang
wika ay hindi dapat ilipat sa pinagsasalinang wika. Walang
karapatan ang tagapagsalin na dagdagan o baguhin ang
kakanyahan ng wikang kanyang pinagsasalinan upang
maisalin lamang ang diwa o mensaheng nasasaad sa wikang
isinasalin. Wala siyang tungkulin kundi alamin ang mga
katangian ng wikang pinagsasalinan at pagkatapos a
puhunanin ang mga ito sa kanyang pagsasalin (tgn. Nida &
Taber, 1969:4)
• Ang Ingles ay may sariling balangkas ng pangungusap na
hindi maaaring ilipat sa Filipino; na sa pagsasalin, ang
isinasalin ay ang diwa lamang ng pangungusap at hindi pati
balangkas nito.
• Hindi kukulangin sa kalahati o 50% ang cognancy o
pagkakahawig-hawig kundi man pagkakatulad-tulad sa
talasalitaan ng mga wikang itinuturing na katutubo sa
Pilipinas sapagkat ang lahat ng mga ito’y galing sa iisang
angkang Malayo-Polinesyo.
Mga halimbawa ng pagkakaiba sa mga kakanyahan
ng Filipino at Ingles na kalimitang ‘kinatitisuran’ ng
mga bago pa lamang nagsisimulang magsalin:

•Sa Ingles, simuno o paksa ang laging nauuna


sa panaguri
•Sa Filipino, karaniwang-karaniwan ang
dalawang ayos ng pangungusap
Halimbawa:

• Dinilig ni Jose ang mga halaman. (Panaguri + Simuno)


• Ang mga halaman ay dinilig ni Jose. (Simuno +
Panaguri)

Tiyak na hindi maaari sa Ingles ang:


• Watered by Jose the plants.
Kailangang maging maingat ang tagapagsalin sa
paggamit ng mga panlapi, tulad ng “-um” at “mag-”.

Halimbawa:
• Maria bought a dress.
• Bumili ng damit si Maria./
• Bumili si Maria ng damit.
• Si Maria ay bumili ng damit.
Maling salin:

• Nagbili ng damit si Maria./


• Nagbili si Maria ng damit.
• Si Maria ay nagbili ng damit.
Ang isang salin, upang maituring na mabuting
salin, ay kailangang tanggapin ng pinag-uukulang
pangkat na gagamit nito

• Tinutukoy dito ang katangian ng mabuting salin.


• Maunawaan kaya ng target o pinag-uukulan
kong mambabasa ang aking salin?
• Angkop ba ito sa kanilang antas?
Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng
Filipino na kasalukuyang sinasalita ng
bayan
• Ang wika ay emosyonal, halos natitiyak nating hindi natin
matatalakay ang tungkol sa uri ng Filipino nang hindi tayo
‘makasasagasa’.
• Ang isang tagapagsalin ay ay kailangang dilat ang mga mata at
bukas ang mga tainga sa uri ng Filipinong dapat gamitin sa kanyang
pagsasalin.
Maynila Filipino?

•Kinasasalaminan ng tunay na
wikang Filipino.
NSDB Filipino?
• Maugnaying Talasalitaan:
• Sipnayan (Mathematics)
• Agimatan (Economics)
• Agsikapan (Engineering)
• Hapnayan (Biology)
• Kapnayan (Chemistry)
• Sugnayan (physics)
• Hignanging Mangsaghimo (Welding shop)
•Talasalitaan tungkol sa pagpaplano ng
pamilya o family planning
-“punlay” (punla ng buhay)= sperm
-“tunod” (unopened leaf of a banana plant)=
penis
-“kaluban” ( sheath)= vagina
U. P. Filipino?
• “iprinopos” (“iminungkahi”)
• “pagdebelop” (“paglinang”)
• “madiskas” (“matalakay”)
• “inaprubahan” (“pinagtibay”)
Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga
pormula, na masasabing establisado o unibersal na
ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang
umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino

• PTA (sa halip na SGM mula sa Samahan ng mga Guro at


Magulang)
• cm (sa halip na sm mula sa sentimetro
• H2O (sa halip na Tu mula sa Tubig)

Kung may pagkakataon na higit sa isa ang
matatanggap na panumbas sa isang salita ng
isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito
at pagkatapos ay ilagay sa talababa (footnote) ang
iba bilang kahulugan
• Ang “rooster”, sa kwentong “The Proud Rooster” ay maaaring
tumbasan ng alinman sa “tandang”, “tatyaw” o “katyaw”
• Marami rin namang pagkakataon na kahit itinuturing na
magkakahulugan o sinonimo ang dalawang salita, hindi maaaring
pagpalitin ang gamit sa isa’t isa.
• “berde” at “lunti”
• “Puslit” at “ismagel”
Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa
mga salita
• Ingles: “carry on the shoulders”
• Di-matipid: “dalhin sa balikat”
• Matipid: “pasanin”

• Ingles: “Tell the children to return to their seats”


• Di- matipid: “Sabihin sa mga bata na magbalik sila sa kani-kanilang
upuan.”
• Matipid: “Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan.”
• Ingles: “The guest arrived when the program was already
over”
• Di-matipid: “Ang panauhin ay dumating kung kailan tapos
na ang programa.”
• Matipid: Tapos na ang programa nang dumating ang
panauhin

• Ingles: “the war between Iran ang Iraq”


• Di-matipid: “ang digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq”
• Matipid: “ang digmaan ng Iran at Iraq”
Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang
isang salita kapag ito’y naging bahagi ng
pangungusap

• Umiyak ang bata. ‘child’


• Bata pa siya. ‘young’
• Bata ng senador ang kuya mo. ‘protege’
• Bata ng senador ang babaing ‘yan. ‘mistress’
• Nakita ko ang magbata sa Luneta. ‘sweethearts’
May mga pagkakataon na ang mga tahasang
pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng
eupemismo sa Filipino upang hindi maging
pangit sa pandinig
• Anupat ang ganitong mga ganitong mga katangian ng
Filipino bilang wikang pinagsasalinan ay hindi dapat
kaligtaan ng tagapagsalin. Sapagkat baka ang isang
pahayag na tinatanggap natin kapag sa Ingles naririnig o
nababasa ay hindi maging katanggap-tanggap o hindi
natural kapag isinasalin nang tuwiran sa Filipino.
Ang kawalan ng paniniwala sa likas na kakayahan
ng wikang Filipino ay nauuwi sa panggagaya o
panghihiram hindi lang ng mga salita kundi pati
mga idyoma, paraan ng pagpapahayag at balangkas
ng mga pangungusap sa wikang Ingles

• Hindi dapat magsagawa ng pagsasalin ang sinumang


sobra-sobra ang ‘sampalataya’ sa kakayahan ng wikang
Ingles samantalang wala naming paniniwala sa likas na
kakayahan ng wikang Filipino.
Malaki ang pagkakaiba ng ‘Filipinong
pasalita’ at Filipinong pasulat.

Absent si Nora noong Friday. Na-


notice ito ng professor. Nagbigay ng test
ang professor para sa mga lessons na na-
take-up ng class for the whole week.
Absent si Nora noong Biyernes.
Napansin ito ng propesor. Nagbigay ng
test ang propesor para sa mag aralin na
napag-aralan ng klase sa loob ng isang
lingo.
Isaalang-alang ang kaisahan ng mga
magkakaugnay na salitang hinihiram
sa Ingles
• Ang mga salitang “solid” at “liquid”, kapag
tinutumbasan ng “solido” ang solid, magandang
itumbas naman sa “liquid” ay “likido”. Hindi maganda
ang poramang “solid” at “likido” o kaya’y “solido” at
“likwid”.
Ang sariling kakanyahan ng wikang
isinasalin ay hindi dapat malipat sa
pinagsasalinang wika

• John bought a candy for Mary.


• A candy was bought by John for Mary.
• John bought Mary a candy.
• Bumili si Juan ng kendi para kay Maria.
• Bumili ng kendi si Juan para kay Maria.
• Bumili ng kendi para kay Maria si Juan.
• Bumili si Juan para kay Maria ng kendi.
• Si Juan ay bumili ng kendi para kay Maria.
“Structural Ambiguity”

• “Inilagay ang aklat sa mesa ng titser.”


(Sino ang naglagay sa mesa? Kanino ang
mesa?)
• Ingles: “The teacher placed the book on the
table.”
“Inilagay ng titser sa mesa ang aklat.”
“Inilagay ng titser sa mesa ang aklat.”
“Ang aklat ay inilagay ng titser sa mesa.”
Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-
wika ngunit huwag paaalipin dito.

• Dalawang pangunahing diksyunaryong bilinggwal na


“bidirectional”
Tesauro-Diksyunaryo (Ingles-Pilipino:Pilipino-Ingles) ni Jose
Villa Panganiban
Tagalog:English::English-Tagalog Dictionary ni Fr. Leo English
Vicassan ni Vito C. Santos

•Unidirectional o Pilipino-Ingles lamang


•Ang mga dikyunaryo ay katulong
lamang at hindi panginoon.
•“dictionary meaning” at “contextual
meaning”
Dalawang dahilan:

•Sanggol na sanggol pa tayong mga Pilipino


kapag kaalaman sa paggawa ng
diksyunaryo ang pag-uusapan.
•Atrasadong-atrasado pa tayo sa
teknolohiya ay pasilidad.
Salamat sa pakikinig!

You might also like