Aralin 1 - Pagsulat NG Pananaliksik

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

“Mabuting pananaliksik ay

nagsisimula sa mahusay na
paksa
Piliin mo itong mabuti para sa
matagumpay na pagsasagawa”
Maaaring Mapagkunan ng
Paksa:
a. Internet at Social Media
b. Telebisyon
c. Diyaryo at Magasin
d. Mga pangyayari sa Iyong paligid
e. Sa sarili
Ang Sulating Pananaliksik
Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa
isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta
pagsasama- sama ng mga datos na nasaliksik mula sa
iba’t ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan
ng impormasyon kundi taglay nito ang interpretasyon
ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap.
Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang
elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik
(Spalding, 2005)
Ang Sulating Pananaliksik
Ayon kina Constantino at Zafra (2010),
ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang
ibig bigyang- linaw, patunayan, o
pasubalian.
Ang Sulating Pananaliksik
Ayon naman kay Galero- Tejero (2011), ang
pananaliksik ay may tatlong mahahalagang
layunin: isinasagawa ito upang makahanap ng
isang teorya. Pangalawa, mula sa pananaliksik ay
malalaman o mababatid ang katotohanan sa
teoryang ito. Pangatlo, isinasagawa ang
pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa
mga makaagham na problema o suliranin.
Ang Sulating Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang sistematikong
proseso ng pangangalap, pag- aanalisa,
at pagbibigay- kahulugan sa mga datos
mula sa mga mapagkakatiwalaang
mapagkukunan ng impormasyon upang
masagot ang isang tanong, upang
makadagdag sa umiiral na kaalaman.
Pagkakaiba ng Sulating
Pananaliksik sa Ordinaryong Ulat
1. Pokus
2. Dami o lawak ng gagamiting
sanggunian
Katangian ng Pananaliksik
1. Obhetibo
2. Sistematiko
3. Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
4. Empirikal
5. Kritikal
6. Masinop, Malinis, at Tumutugon sa
pamantayan
7. Dokumentado
Katangian ng Mananaliksik
(Constantino at Zafra (2010)
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa
ibang mapagkukunan ng sandigan.
2. Maparaan sa pagkuha ng mga datos na mahirap
kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa
katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan, sa
pagsisiguo sa lahat ng panig ng pagsisiyasat at sa
pagbibigay ng mga kongklusyon, interpretasyon,
komento, at rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at
interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at
mga kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng
interpretasyon, at rekomendasyon sa
paksa.
6. Matapat
7. Responsable
Mga Uri ng Pananaliksik
1. Basic research- agaran
2. Action research- ispesipikong
problema mula sa kanyang larangan
3. Applied research- majority ng
populasyon
Pangunahing Pananaliksik ( Basic
Research)
Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga
mananaliksik tungkol sa isang posibleng ideya,
penomenon na mahirap ipaliwanag, suliraning
nararanasan sa lipunan, pagkatao, at kalikasan at
iba pang maaaring masagot o di kaya’y
mauunawaan lamang kapag natapos na ang
pananaliksik.
Halimbawa:
• Ano ang “black hole?” Paano
nito maipapaliwanag ang
simula ng kalawakan?
Praktikal na Pananaliksik
(Applied Research)
Umiikot ito sa hangaring matugunan at
masolusyunan ang isang praktikal na
suliranin sa lipunan. Isinasagawa ito dahil sa
direkta nitong kapakinabangan.
• Paano mas matututo ang kabataan sa loob
ng bahay?
• Ano ang paraan ng pagpapataas ng ani ng
palay ngayong tag-init?
• Ano-ano ang mga hakbang upang higit na
matugunan ang sakuna sa syudad?
Dapat Isaalang-
alang
• Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na
impromasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag
kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong
paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing
pag-aaral.
• Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral
ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan
lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May
mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng
isang semestre kaya nangangailan ngahabang
panahon para maisakatuparan.
• Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat
isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May
mga paksang masyadong magastos at mabigat sa
bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo
matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili
mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na
pera.
• Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi
sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat
ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at
ibang tao.
• Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na
kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin
mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas
mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa
ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at
matatapos mo ng komportable ang iyong pag-aaral
sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa
Mga Tip o Paalala sa
Pagpili ng Paksa
1. Alamin ang interes. Tukuyin kung anong
paksa ang tumatawag sa iyong pansin.
• Paksang marami ka nang nalalaman
• Paksang gusto mo pang higit na makilala o
malaman
• Paksang napapanahon

2. Mahalagang maging bago o naiiba at hindi


kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan
mo.
3. May mapagkukunan ng sapat at malawak
na impormasyon

4. Maaaring matapos sa takdang panahong


nakalaan.
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng
susulatin
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa
para sa sulating pananaliksik
3. Pagsusuri ng mga itinalang ideya
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
5. Paglilimita sa paksa
1. Pagsusuri ng mga itinalang ideya
 Alin- alin sa mga ito ang magiging kawili- wiling gawin o saliksikin
para sa iyo?
 Bakit ka interesado dito?
 Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng
kasagutan?
 Alin ang alam na alam ko na? Alin ang gusto mo pang lalong
makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?
 Alin ang maaaring magirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng
impormasyon?
 Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
 Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
 Alin ang angkop sa iyong antas at kakayahan mong tapusin sa
itinakdang panahon?
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
 Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag- aaral
Nalimitahang Paksa:
 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng
mga Mag- aaral at ang Epekto nito sa Kanilang
gawaing Pang- akademiko
Lalo pang Nilimitahang Paksa:
 Mga Dahilan sa Labis at madalas na Pagpupuyat ng
mga Mag- aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral
Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto Nito sa
Kanilang Gawaing Pang- akademiko
Malawak o pangkalahatang Paksa:
 Persepsiyon sa mga taong may tattoo sa
katawan
Nilimitahang Paksa:
 Persepsiyon ng kabataan sa mga taong may
tattoo sa katawan
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
 Persepsiyon ng kabataang nasa edad 13- 19 sa
mga taong may tattoo sa katawan
Mga Ideyang Gusto Mo o Madaling Maraming Matatapos sa Bago o Naiiba
Itinala Mo Malapit sa Iyong Maiuugnay sa Mapagkukunan Oras na Nakalaan
Puso Layunin ng Impormasyon
1.

2.

3.

4.

5.
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Epekto ng Social Media sa mga Mag- aaral

Nilimitahang Paksa:

Lalo Pang Nilimitahang Paksa:


Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Ang paggamit ng e-book ng mga batang
mag- aaral

Nilimitahang Paksa:

Lalo Pang Nilimitahang Paksa:


Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Epekto ng pagkakaroon ng kasintahan
habang nag- aaral pa sa high school
Nilimitahang Paksa:

Lalo Pang Nilimitahang Paksa:


Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Ang pagsusuot ng uniporme sa paaralan ng
mga mag- aaral
Nilimitahang Paksa:

Lalo Pang Nilimitahang Paksa:


Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Madalas na paglalaro ng video games ng
mga mag- aaral
Nilimitahang Paksa:

Lalo Pang Nilimitahang Paksa:

You might also like