Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

SINTAKSIS O

PALAUGNAYAN
Parirala
•Lipon ng mga salita na bumubuo ng
isang bahagi na may iisang
tungkuling gramatikal (gayang
pang-abay)
•Binubuo ng mga salita na walang
kahulugan
•Walang buong diwa
Sugnay
• Ito ang lipon ng mga salita na naglalaman ng
paksa at panaguri at gumaganap bilang bahagi
ng isang hugnayan o langkapang pangungusap.
Ang sugnay ay maaring malaya o di-makapag-
iisa
• Ang sugnay o hugnay ay ang kalipunan ng mga
salitang may simuno at panaguri na maaring
may buong diwa (makapag-iisa) o di buong
diwa (di makapag-iisa)
Pangungusap
•Ang pangungusap ay maaaring
isang salitang may patapos na
himig sa dulo o lipon ng mga salita
na nagpapahayag ng isang buong
diwa na nais ipaabot sa nakikinig o
nagbabasa.
BAHAGI NG
PANGUNGUSAP
I. Paksa
•Ito ang bahaging pinagtutuunan ng
pansin sa loob ng pangungusap.
Ang paksa ay maaring panghalip
(pronoun), pandiwa (verb), pang-
uri (adjective), pang-abay
(adverb).
II. Panaguri
• Ito ay ang bahagi ng pangungusap
na nagsasaad ng detalye tungkol sa
simuno. Hindi ito nagsisimula sa
malaking titik at maaari itong higit
pa sa isang salita.
AYOS NG
PANGUNGUSAP
I. Karaniwan
• ito ay ang ayos ng pangungusap
kung saan nauuna ang panaguri.

Halimbawa: Kumakain si Rey ng tsitsirya.


II. Di- karaniwan
•ito ang ayos ng pangungusap kung
saan nauuna ang simuno.

Halimbawa: Si Rey ay kumakain ng tsitsirya.


MGA URI NG
PANGUNGUSAP
AYON SA
KAYARIAN
1. Payak
• Ang payak na pangungusap ay nakapag-iisa. Malayang
sugnay ito na may simuno at panag-uri.
• Maaaring dalawa ang simuno o panag-uri ngunit iisa pa
rin ang diwa ng pangungusap, payak pa rin ito.
• Ang payak na pangungusap ay karaniwang may payak
na simuno (simple subject) o tambalang simuno
(compound subject). Mayroon din itong payak na
panag-uri (simple predicate) o tambalang panag-uri
(compound predicate).
2. Tambalan
•Ang tambalan ay ang pinag-uugnay
na dalawang bahagi na tinatawag na
sugnay ng pangatnig o pang ugnay
na ngunit at at.
3. Hugnayan
• binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at
isa o higit pang sugnay na di-nakapag-
iisa. Ginagamit na pang-ugnay ng mga
sugnay ang mga pangatnig na kung,
kapag, pag, nang, upang, dahil sa,
sapagkat.
4. Langkapang Pangungusap
• binubuo ng dalawa o higit pang
sugnay na makapag-iisa at isa pang
sugnay nadi makapag iisa.
MGA URI NG
PANGUNGUSAP
AYON SA
TUNGKULIN
1. Pasalaysay ( Declarative)
• uri ng pangungusap na nagpapahayag ng
isang katotohanan o ng isang kaisipan.
•Ang mga pasalaysay na pangungusap ay
laging natatapos sa bantas tuldok.

Halimbawa: Ang pambansang awit ng Pilipinas ay


Lupang Hinirang.
2. Patanong (Interrogative)
•Ito ang pangungusap na ginagamit kapag nais
malaman ang isang bagay, kilos o gawain na may
kalakip na katugunan.
•Ang mga patanong na pangungusap ay laging
ginagamitan ng tandang pananong (?)

Halimbawa: Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?


3. Pautos (Command) o Pakiusap (Request)
•Ito ang pangungusap na maaaring tuwirang
nag-uutos o humihingi ng pakiusap.
•Ang pautos o pakiusap ay nagtatapos din sa
tuldok.

Halimbawa: Pakiabot nga ng baso.


Basahin ang panuto.
4. Padamdam (Exclamation)
•Ito ang pangungusap na nagpapahayag
ng matinding emosyon at laging
nagtatapos sa bantas na tandang
padamdam (!)

Halimbawa: Wow! Pare, pumuti ka.

You might also like