Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

PAGISLAM

(Isang Kuwentong Muslim)

Mga Tauhan:
Ibrah - ama ni Abdullah at asawa ni
Aminah
Aminah - babaeng Muslim at asawa ni
Ibrah
Tarhata - kapatid na babae ni Ibrah at
tumulong sa panganganak ni Aminah
Abdullah - sanggol na lalaki sa kuwento
Imam - tawag sa paring Muslim
Pandita - guro na dalubhasa sa
pagbabasa ng Koran
Talasalitaan:

1.ABDULLAH - nanggaling sa dalawang salita: ABD at 2.ALLAH


na nangangahulugang SERVANT at GOD, sa tahasang sabi
"servant of God" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Ito ay
iknakabit madalas sa mga pangalan ng kalalakihang Muslim.
Samantala, ang katumbas naman nito sa mga pangalan ng
kababaihang Muslim ay AMATULLAH.
3.BANG - ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga
Muslim. Ginagawa ito ilang oras pagkapanganak ng sanggol
at sa pamamagitan ng pagbabasa ng Imam ng isang dasal
mula sa Koran sa kanang tenga ng sanggol upang maikintal
sa isipan nito ang pangalan ni Allah.
4.PENGGUNTING - ikalawang seremonya na ginagawa sa
ikapitong araw mula nang maipanganak ang sanggol. Ito ay
ginagawa sa paraang gugupitan ang sanggol ng hibla ng
buhok at ilulublob ito sa mangkok na may tubig sa
paniniwalang kapag lumitaw ang hibla ng buhok na ito sa
tubig ay mamaging maganda ang kapalaran ng bata at kung
lumubog naman ito ay mamalasin ang bata.
5.PAGISLAM - ikatlong seremonya ng pagbibinyag ng mga
Muslim na ginagawa naman sa ikapito hanggang ikasampung
taon ng bata. Ito ay hindi naiiba sa pagtutuli sa lalaking
Kristiyano.
6.SUNNAH - ito naman ang tawag sa pagtutuli sa mga
babaeng Muslim kung saan tinatanggalan ng clitoris ang
babae sa paniniwalang ito ang dahilan ng pagkalibog ng
babae para makipagtalik sa lalaki o sa ibang lalaki.
7.MAULIDIN NABI - Pasko ang katumbas nito sa mga
pagdiriwang pang-Kristiyano. Ito ay kandore o
kaarawan ni Mohammad, ang kauna-unahan at
kaisa-isang propeta ni Allah.
PAGISLAM MAIKLING KUWENTO
Narito ang BUONG KUWENTO mula sa aklat na PLUMA 7 ng
Phoenix Publishing House, pp. 75--77, na sinipi rin mula sa aklat
na Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas (Pat Villafuerte, et al.):

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni


Ibrah nang maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni
Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito ang ilang baru-
baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit
maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na...
dumating na ang kanyang pinakahhihintay. Parang gusto
niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay...
Hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya.
Totoong sabik na sabik siyang makita ang bata at si Aminah.
Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana
ang ulo ni Ibrah nang maramdaman niya ang
rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid.
Kipkip nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na
pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-
iyak, batid ni Ibrah na dumating na... dumating na ang
kanyang pinakahhihintay. Parang gusto niyang
lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay...
Hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod
siya. Totoong sabik na sabik siyang makita ang bata at
si Aminah.
"Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na
wika ng panday habang binibihisan ang bagong
silang na sanggol.
"Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay
Allah. Dininig din niya ang ating panalangin," wika
niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa
sanggol na hawak pa rin ng panday. Gayon na
lamang ang kanyang kagalakan nang makita
niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa pag-
iiyak.
"Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak.
Manang-mana sa kanyang ama," bulong sa sarili ni
Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang
marinig niyang may sinasabi ang kanyang ina.
Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang
maisagawa na ang bang."
Hindi na pinakinggan ni Ibrah angiba pang sasabihin ng ina.
Magaan ang loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam.
Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at
magalang nainimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa
para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagagalak
itong Imam at dali-daling hinagilap ang kanyang dasalan para sa
gagawing seremonya.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang
banayad na ibinulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang
bang.
"Allahu Akbar, Allabu Akbar
Allahu Akbar, Allabu Akbar
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
...ang magandang aral niya."
"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y
panatilihin mo ang magagandang aral niya," dugtong
pa ng Imam.
"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting
tanong ng Imam.
"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong
ng Imam.
"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon,"
sagot ni Ibrah. Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam
sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang tirahan.
Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa
mag-asawa. Totoong di nila maatim na ang kauna-
unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa
mahandugan ng buo nilang kaya.
Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-
usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak. "Ano
kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?" sabik na
tanong ni Ibrah kay Aminah.
"Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay
talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah.
At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay
marami nang tao; halos naroon nang lahat ang mga
kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah
at ilang katulong ang limang kambing na sadyang
inihanda bilang alay at pasalamat sa pagkakaroonnila
ng supling. Samantala, angkababaihan nama’y abala sa
pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng
masasarap na kakainin para sa mga panauhin.
Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang
pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong
awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang
Imam kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina
at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang
ginupit na buhok ay maingat na inilagay ng Imam
sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na
pinagmasdan ito ng lahat.
“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa
tubig!” sigaw ng karamihang nakapaligid.
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang
umapaw ang kagalakan sa kanilang puso. Nakapipiho
silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang
anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay.
Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan
ng seremonya. Bawat isa sa mga panauhin ay
nagbigay ng pera at regalo sa bata. siyang-siya ang
mag-asawa sa kanilang nasaksihan. Abot-abot ang
kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting
kay Abdullah.
Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang
huling yugto ng pagislam ni Abdullah”, wika ng isang
panauhin.
“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro
ng isa pa.
“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado
kayong muli,” nakangiting sagot ni Aminah.
“Sana Kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,”
mungkahi ng iba.
“Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng
mag-asawa habang masuyong
pinagmamasdan ang inaantok na si
Abdullah.

You might also like