Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

MGA TULANG LUMAGANAP

NOONG PANAHON
NG ESPANYOL AT HAPONES
PANAHON NG ESPANYOL
1. KORIDO
2. AWIT
3. TULANG PATNIGAN
a) KARAGATAN
b) DUPLO
c) BALAGTASAN
d) BATUTIAN
1. KORIDO
•tulang pasalaysay
•may sukat na walo
•nagtataglay ng mga paksang
kababalaghan at maalamat na karamiha’y
hiram at halaw sa paksang Europeo na dala
rito ng mga Espanyol
2. AWIT
•tulang romansa (metrical romance) na
•may sukat na lalabindalawahin
•kalimitang may pangunahing paksang
tungkol sa bayani at mandirigma at larawan
ng buhay
3. TULANG PATNIGAN
(JUSTICE POETRY)
•tulang sagutan
•itinatanghal ng magkakatunggaling makata
ngunit hindi sa paraang padula
•paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng
talino at tulain
IBA’T IBANG URI NG TULANG
PATNIGAN (JUSTICE POETRY)
A) KARAGATAN
• isang paligsahan sa tula
• nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong
parangal sa isang yumao
• Paksa: tungkol sa alamat na nauukol sa singsing ng
dalaga na di umano’y nahulog sa gitna ng
karagatan
B) DUPLO
•pagtatalo ring gumagamit ng tula at
kahusayan sa pagbigkas
•ginagamitan ng salawikain, kawikaan at
kasabihan
C) BALAGTASAN
•Sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata
sa Instituto de Mujeres sumilang ang uring ito
ng panulaang Tagalog.
D) BATUTIAN
•bilang parangal sa yumaong Jose Corazon de
Jesus ay sumilang ang bagong anyo ng tulang
pantigan noong 1933
•Pangunahing Layunin: makapagbigay-aliw sa
mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng
katawa-tawa ngunit malatotoong mga
kayabangan, panunudyo at palaisipan
PANAHON NG HAPONES

A) HAIKU
B) SENRYU
C) TANAGA
A) HAIKU
•binubuo labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludtod (5-7-5)
•may masaklaw na kahulugan, malalim na
kaisipan at damdaming tumatalakay sa
kalikasan o mga bagay sa paligid

Tutubi Anyaya
Hila mo’t tabak Ulilang damo
Ang bulaklak nanginig Sa tahimik na ilog
Halika, sinta. Sa panulat ni: Gonzalo K. Flores
Sa paglapit mo. -Liwayway 1943
B) SENRYU
•binubuo labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludtod (5-7-5)
•hindi seryoso- may bahid ng pagpapatawa
tungkol sa kalikasan o katangian ng tao
•Human haiku sa Ingles
Kamatayan Magnanakaw
Sa huling hinga Ang magnanakaw
May iisang kahilingan Na aking huhulihin
Walang iiyak. Anak ko pala.
C) TANAGA
• pinasikat ni Ildefonso Santos
• may sukat (7-7-7-7)at tugma
• may 4 na taludtod sa bawat saknong
• Ayon kina Juan de Noche at Pedro Sanlucar
(Vocabulario de la Lengua Tagala)
- hitik sa talinghaga
“Alipusta kayuro “lunsad na sa bakood
Kung sino ang kasuno yayamang pa sa bundok.
Ng aso’y di kasundo; Bakit mararagosgos
Ako’y iyong ituro” walang kukong ikamot.” Dr. Manuel
-Ang Tanaga sa Panulaang Tagalog at Pilipino
GAWAING PANGKATAN
(6 NA PANGKAT)
1. Pag-isipan at pag-usapan ang mga
tanong na makikita sa pahina 85 ng inyong
aklat. (6 minuto)
2. Pumili ng kapangkat na mag-uulat sa
naging talakayan sa pangkat.
GAWAING KUWADERNO
Sagutin ang sa PAGSULAT NG JOURNAL
sa pahina 85.

You might also like