Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang Panukalang Proyekto

Ito ay parang gumagawa ng feasibility study para sa programa sa


inyong club o Student organization. Parang ganon rin ang pag
gagawa ng Panukalang Proyekto ngunit ito ay higit na sistematiko
at pinag aralan.
Ayon kay Dr.Phil Bartle ng The Community Empowerment
Collective, ang panukala ay isang proposal na nag lalayong ilatag
ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Ayon naman Besim Nebiu ang Panukalang proyekto ay isang
detalyadong deskripsiyion ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema.
Mga Dapat Gawin Sa Pagsulat
ng Panukalang Proyekto

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na A


Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa ng
panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusond:
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga
Makikinabang Nito
Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto

Bago mo lubusang isulat ang panukalang


proyekto, ang unang mahalagang hakbang
na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad, samahan,
o kompanyang pag-uukulan ng iyong project
proposal.
Pangalan/
Pamagat ng Proyekto

Nagpanukala o nanguna sa
proyekto

Lugar kung saan isinagawa o


pinatupad

Petsa ng pagpapatupad

Tao/mga taong nagpapatupad/nagsasagawa


ng proyekto

Pakinabang o magandang dulot sa proyekto


Pagsulat ng katawan ng
panukalang proyekto

Matapos na mailahad ang panimulang naglalahad ng


suliranin ng gagawing panukalang proyekto ay isunod na
gawin ang pinakakatanwan ng sulating ito. Ito a binubuo
ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.
Layunin

– Sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na


gustong makamit o ang pinaka adhikain ng
panukala. Ayon kina Jeremy Miner at Lyn Miner
(2008), ang layunin ay kailangang maging
SIMPLE.
S.I.M.P.L.E.

–Specific
–Measurable
–Practical
–Logical
–Evaluable
Plano ng Dapat Gawin

Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin


ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman
ng mga hakbang ng isasagawa upang malutas ang
suliranin. Ito rin at dapat na maging makatotohanan o
realistic.
Badyet

– Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang


panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na
paglalatag ng kakailanganing badyet para dito.
Maaaring magsagawa ng bidding sa mga contractor
na kadalasan ay may mga panukalang badyet na
para sa gagawing proyekto. Narito ang ilang
mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa
ng badyet.
A. Gawing simple at malinaw.
B. Pangkatin ang mga gastusin.
C. Isama sa iyong badyet maging ang huling
sentimo.
D. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang
pagkukuwenta.

You might also like