Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Pagsulat

{ ng Resume
at Liham-Aplikasyon
Resume at Liham-Aplikasyon
Ito ang dalawa sa mga
pinakamahalagang dokumento
kung mag-aaplay ng trabaho,
papasok sa gradwadong
programa sa unibersidad, mag-
aaplay para sa fellowship o grant,
sasali sa patimpalak, atbp.
Resume at Liham-Aplikasyon
Sa pagtatrabaho, kailangan ang mga
ito kung nais makapanayam.
Ito ang unang ugnayan sa posibleng
employer o kanilang kinatawan.
Hahanapin nila sa resume ang mga
impormasyon tungkol sa edukasyon,
mga naunang trabaho, parangal,
kaugnay na kakayahan , at iba pang
kalipikasyon o kagalingan.
Resume at Liham-Aplikasyon
Samantalang aalamin naman nila sa
liham-aplikasyon ang ilang personal
na impormasyon kasama na ang
mga dahilan kung bakit nag-aaplay
ng posisyon sa kanila.
Ito ang magiging batayan kung

karapat-dapat bang mapabilang para


sa panayam ang isang aplikante.
Resume at Liham-Aplikasyon

Dahil matindi ang kompetisyon,


kailangang umangat ang iyong
aplikasyon, partikular ang iyong
resume at liham-aplikasyon.
Kailangan mong paglaanan ng

panahon ang pagsulat ng mga ito.


Pagsasaalang-alang
sa Etika
Katulad ng iba pang akademiko at
propesyunal na sulatin, kailangan
isaalang-alang ang etika sa pagsulat
ng liham-aplikasyon at resume.
Unang-una, ilahad lamang dito kung

ano ang totoo.


Anumang uri ng pagsisinungaling,
gaano man ito katindi, ay hindi
pinalalampas ng mga potensiyal na
employer.
Nagsusulat ka ng resume at liham-
aplikasyon hindi upang ipahayag sa
mundo na ikaw ang pinakamatalino
at pinakamagaling.
Nagsusulat ng mga ito upang ipakita

sa pinag-aaplayan na gusto mo ang


posisyon at sa tingin mo ay
makatutulong ka sa pag-unlad ng
organisasyon o kompanya.
Ilahad ito sa paraang
impormatibo at nang may
kababaang-loob at paggalang.
Huwag mambobola o
magyayabang.
Hindi ito magugustuhan ng
employer.
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Resume
at Liham-Aplikasyon
Sa pagsulat ng resume at liham-
aplikasyon, kailangan munang
alamin ang organisasyon o
kompanyang nais pasukan.
Magtanong-tanong o magsaliksik
kung ano ang hinahanap nila.
Maaaring bisitahin ang kanilang
opisyal na Web Site upang maging
pamilyar sa mga produkto o
serbisyo, mga tagapamuno, misyon,
at bisyon, at kultura ng aaplayan.
Pagkatapos ay ituon ang mga

dokumentong ito sa kung paano


makabubuo ng magandang
ugnayan sa kanila at ano-ano ang
mga maitutulong mo sa pag-angat
ng organisasyon o kompanya.
Mga Tip sa Pagsulat
ng Resume
Iwasan ang pagsulat ng generikong

resume at lumikha ng isang
partikular sa posisyong inaaplayan.
Kung mag-aaplay bilang editor sa
isang publishing house, halimbawa,
ipakita ang edukasyon, karanasan, at
kasanayang may kinalaman sa pag-
e-edit at publikasyon, hindi sa
pagtitimpla ng nakalalasing na
inumin o pagsasayaw ng hip-hop.
Maaaring sundang ang ilang

balangkas sa pagsulat ng resume.
Ang dalawang pangunahing
porma ay ang tradisyonal na
kronolohikal na ayos (ang
edukasyon at karanasan ang mga
pangunahing seksiyon) at
functional na organisasyon (na
nagtatanghal sa iyong mga
kasanayan).
Maraming makikitang iba’t ibang

format ng resume sa Internet.
Magkakaiba man, layunin ng mga
ito na gawing simple at madaling
maintindihan ang resume.
Gumamit ng mga heading, bullet
form, at mga putting espasyo
upang malinaw sa mga
mambabasa ang organisasyon ng
resume.
Sa pangkalahatan, hindi na

isinasama sa resume ang mga


detalye tungkol sa mga natamong
karangalan noong hayskul,
maliban na lamang kung talagang
kailangang-kailangan. Hindi na
rin kailangang ilagay ang mga
personal na detalye ng buhay.
Mga Tip sa Pagsulat
ng Liham-
Aplikasyon
Tulad ng resume, iwasan ang

pagsulat ng generikong liham-
aplikasyon at lumikha ng isang
partikular sa posisyong
inaaplayan. Kung mag-aaplay
bilang manager sa restoran, ilahad
mo ang karanasan at kasanayan
na may kinalaman sa posiyon,
hindi sa pananahi o panonood ng
pelikula.
Kahit na hindi binabanggit sa

mga anunsiyo ang pagsusumite
ng liham-aplikasyon, gumawa pa
rin nito. Ipinapakita nito ang
pagiging maalam sa pormalidad
at kalakaran ng pag-aaplay sa
trabaho. Isa pa, makatutulong ito
sa pagbibigay ng diin sa mga
impormasyon sa resume na nais
itanghal.
Gumamit ng standard na anyo ng

liham-aplikasyon; may petsa,
pangalan (o posisyon) at tiyak na
lugar na padadalhan, bating
panimula, katawan, pagsasara, at
lagda. Kung hindi sigurado sa
pangalan o posisyon ng
pagdadalhan ng liham, tawagan
mo ang opisina o tingnan ang
kanilang Web site.
Gumamit ng pormal na lengguwahe
at tono. Tandaan na ang potensiyal
na employer ang kausap.
Gawing maikli at malaman ang

liham-aplikasyon. Sikaping
magkasya ito sa isang pahina.
Sa simula pa lamang ay linawin na
ang intensiyon. Banggitin ang
posisyong inaaplayan at kung saan
nakita o nabasa ang anunsiyo.
Sa katawan ng liham-aplikasyon,
ilahad ang mga dahilan kung bakit
nag-aaplay at kung ano mga
maitutulong mo sa organisasyon o
kompanya. Maaari ding linawin ang
ilang bagay na mababasa sa resume.
Sa pagtatapos ng liham-aplikasyon,
hilingin na makanapanayam.
Tanggap na ngayon kung sasabihin
tatawagan sila upang i-set ang petsa
at oras ng panayam.

You might also like