Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KABANATA 1

ANG GURO SA PAGLINANG NG EDUKASYON

NO CHILD LEFT BEHIND LAW


NAKATUON SA PAGBIBIGAY NG PANTAY AT
MAKABULUHANG OPORTUNIDAD SA PAGTUTURO
UPANG MAKAMIT ANG MATAAS NA EDUKASYON.
SA BATAS NA ITO, DITO NATIN MALALAMAN ANG
GAMPANIN NG PAARALAN. ITO AY ANG PAGHAWAK NG
RESPONSIBILIDAD PARA SAPAG-UNLAD AT PAGKATOTO
NG MGA MAG-AARAL.
Ang mga Katangian ng Epektibong Guro
Limang (5) malawak na kategorya ng epektibong Guro ayon kay
Rice (2003)
 Karanasan
 Paghahanda ng programa at kursong natapos
 Uri ng mga katibayan
 Mga gawaing natapos bilang paghahanda sa
Profesyon
 Mga marka ng guro sa pagsusulit
Labindalawang (12) Katangian ng Epektibong
guro

1. Walang itinatangi- mahalagang maging pantay


ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.
2. May positibong ugali- higit na mabuting mahuli
ang mga mag-aaral na gumagawa nang mabuti kaysa
gumawa ngasama. (magandang ugali)
3. May kahandaan- madaling makilala ng mga mag-
aaral ang gurong organisado at handa ng magturo.
4. May haplos-personal- ang pagkukwento
ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa
ay higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral.
5. Masayahin- naaalala ng mga mag-aaral
ang kanilang gurong masiyahin sa klase.
6. Malikhain- nagugunita ng mga mag-aaral
ang kanilang gurong malikhain sa mga
gawaing pangklasrum
7. Marunong tumanggap ng kamalian- nababatid ng
mga mag-aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo’t
sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling
ito. Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap
niya ang kaniyang pagkakamaliat buong
pagpapakumbabang humihingi siya ng kapatawaran.
8. Mapagpatawad- kinalulugdan ng mga mag-aaral ang
mga gurong marunong magpatawad sa kasalanang
kanilang nagawa.
9. May respeto- kinalulugdan ng mga mag-aaral yaong
gurong marunong maglihim ng markang kaniyang ibinigay
sa kaniyang mga mag-aaral o yaong minakausap ang mga
mag-aaral na may pagkakamali o kasalanan ng walang
nakaririnig o walang nakaalam.
10. May mataas na ekspektasyon- ang di-malilimutang
guro ay yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan
lalo’t hinahamon ang kaniyang mga mag-aaral na gawin
nang napakahusay ang kaniyang ipinag-uutos.
11. Mapagmahal- kung aalamin ng guro kung bakit
naalis sa isang laro,ang kaniyang mga mag-aaral at kikilos
siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas
ang suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aala at
pagmamahal.
12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral-
laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila’y kabilang sa
klase. Sa pamamagitan nito, ang mahusay at epektibong
guro ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi
magkaroon ng hinanakit ang kaniyang mga mag-aaral.
Ang Epektibong Guro at ang mga Modelo
sa Pagtuturo Ayon sa artikulo ni Rotor (2004)

Ekspertosa lahat ng saklaw ng pagtuturo.


Isang may personal na pilosopiyang pang-
edukasyunal.
Kasal.
May ginagampanang papel sa kolehiyo.
May digring post- graduate.
May magkahalong utak.
Isang modelong tao.
Isang nagtataglay ng inspirasyon.
Ang taong masayahin at maasahan.
Ang kahusayan ng guro sa paggamit ng Wika

Ang wika ay likas na napag-aaralan at natutuhan.


Mahalaga para sa guro na magamit nang mahusay
ang wika batay sa mga sumusunod na uri:

1. Kahusayang panggramatika- ang guro ay


dapat magkaroon ng lubusang kaalaman sa
paggamit ng gramatika. Dito nakasalalay ang
kaniyang kahusayan sa paggamit ng wika.
2. Kahusayang pononsyo-linggwistik- ang guro ay
dapat na may kaalaman kung papaano bigkasin ng
naaangkop ang isang salita.
3. Kahusayang pandiskurso- ang guro ay dapat
magkaroon ng kakayahang makabuo ng iba’t-ibang
ideya batay sa kahulugan at anyo nito.
4. Kakayahang pang-estratehiya- mas makabubuti
sa guro na magamit ang galaw ng kaniyang mga mata,
kilosng mga kamay , paa at katawan upang maging
kalugod-lugod ang kaniyang pagtuturo.
ANG SINING NG PAGTATANONG
Iba’t-ibang uri ng Tanong

1. Tanong na ang sagot ay “Oo” o “Hindi”.


Hal: Sang-ayon kaba sa nagging wakas ng
kwento?
2. Tanong na ang sagot ay may dalawang pipiliin.
Hal: Masining ba o malaswa ang pelikulang “Live
Show?”
3. Tanong tungkol sa mga tao, bagay, lunan o
pangyayari.
Hal: Sino? Ano? Alin? Saan? Kailan?
4. Tanong na ”bakit”.
Hal: Bakit mahalaga ang personalidad ng kalahok sa
anumang uri ng patimpalak?
5. Tanong na pagtitimbang(dito masasanay ang mga mag-
aaral na mangatwiran ayon sa mga impormasyong alam
niya).
Hal: Kung ikaw ang pangunahing tauhan, gagawin mo rin
baa ng kaniyang ginawa?
6. Tanong na humihingi ng palagay (nasasagot sa
pamamagitan ng kuru-kuro batay sa nakita , nabasa o
naranasan ng mga sumasagot).
Hal: Sa inyong opinion, dapat bang baguhin ang Sistema
ng gobyerno Sa Pilipinas?

You might also like