Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 72

MGA HAMONG

PANGKAPALIGIRAN
 KONTEKSTO NG SULIRANING PAGKAPALIGIRAN
 ANG DALAWANG APPROACH SA PAGTUGON SA SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN
 MGA HAKBANG SA PAGBUO NG COMMUNITY-BASED DISASTER
RISK REDUCTION AND MANAGEMENT PLAN
Paano mabisang matutugunan
ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran?
Ano-anong mga aspekto ang
naapektuhan ng mga kalamidad
na naranasan sa Pilipinas?
ARALIN 1
KONTEKSTO NG SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN
MGA SULIRANIN AT HAMON
PANGKAPALIGIRAN
ALAM MO BA?
• Humigit kumulang sa 65 milyong Pilipino ang umaasa sa likas na yaman
para mabuhay
• Ilan sa mga pangunahing hanapbuhay nila ay ang pagsasaka at pangingisda
na bumubuo sa halos 20% ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas
noong 2014.
• Kasama din dito ang 1.4% mula sa yamang-gubat, at 2.1% mula sa
pagmimina.
• Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang
turismo ay nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
1. Suliranin sa Solid Waste
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga
tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa
paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba
pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000).
DISIPLINA
WASTE SEGREGATION
Ang leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez at
Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng
Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay ay
nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa
kalusugan ng tao.
PAYATAS DUMPSITE
TRAGEDY (JULY 2000)
E - WASTE
Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological
Solid Waste Management Act of 2000

Magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang


desisyon at proseso ng pamamahala ng solid
waste sa bansa (Official Gazette, 2000)
NGO
• Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.
• Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium
and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig,
at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).
• Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa
suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa
Pasig River Rehabilitation Project.
• Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at
pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
ALAM MO BA?
Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay
kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman,
halimbawa nito ay ang pagtatanim at pangingisda
ANG LIKAS NA YAMAN SA
KASALUKUYAN …
• Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya
noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003.
• Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3
kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo.
• Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling
sampung taon
Ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng
pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga
natural kalamidad

(FAO, 2010)
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine
Forests ( 2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan
at epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay
ang sumusunod:
Illegal logging
Migration
POPULATION
Fuel wood harvesting
Ilegal na Pagmimina
TIMELINE
3. Climate Change
• isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala
dulot ng gawin ng tao
CORAL BLEACHING
ICEBERG ATLANTIC
ANO ANG EPEKTO NG
CLIMATE CHANGE SA
PILIPINAS?
ARALIN 2: Ang Dalawang Approach sa
Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran
Disaster Management
 Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa
pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi,
pamumuno at pagkontrol.

 Tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan


sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng
kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong
magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.

1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy


sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Ang maitim na usok na
ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan gaya ng ipinakikita sa larawan ay
ilan sa mga halimbawa ng anthropogenic hazard.
1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng
kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang bagyo, lindol, tsunami,
thunderstorms, storm surge, at landslide. Ipinakikita sa kasunod na larawan
ang pagbabalita sa pagdating ng isang malakas na bagyo.
2.Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng
panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol,
at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon.
Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at
kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga
hazard.
3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar,
at imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay
kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal
at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga
bahay na gawa sa hindi matibay na materyales.
4.Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-
arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang
vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may
mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang
panganib na dulot ng hazard o kalamidad.
5.Resilience–ang pagiging resilient ng isang komunidad ay
tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto
na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring
istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali
upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga
mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa
panahon ng kalamidad.
Ang Philippine Disaster Risk Reduction
and Management Framework
• (1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay
dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon
ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at
• (2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan
upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng
iba’t ibang kalamidad at hazard
Community Based-
Disaster and Risk
Management (CBDRM)
Ang Community-Based Disaster and Risk
Management Approach
• isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at
kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan
• Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang
malawakang pinsala sa buhay at ari-arian
• Nangangahulugan ito na ang mga mamamayan ay bahagi ng pagpaplano,
pagbuo ng mga desisyon at implementasyon ng mga gawain na may
kaugnayan sa disaster risk management.
Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and
Risk Management Approach ay isang proseso ng paghahanda laban sahazard at
kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng
kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard
at kalamidad sa kanilang pamayanan.
Bakit kailangan ang CBDRM Approach sa
pagharap sa mga hamon at suliraning
pangkapaligiran?
BOTTOM UP APPROACH

kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng


lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang
pamayanan.
TOP DOWN APPROACH

situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano


na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o
ahensya ng pamahalaan
Unang Yugto: Disaster Prevention and
Mitigation
Hazard Assessment

• tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring


danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o
kalamidad sa isang partikular na panahon.
Vulnerability at Capacity Assessment
(VCA)
• masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa
pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa
kanilang lugar.
• tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng
hazard.
• sa Capacity Assessment naman ay tinataya ang kakayahan ng
komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.
Ayon kina Anderson at Woodrow (1990) mayroong
tatlong kategorya ang Vulnerability: ito ay ang
Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali
tungkol sa hazard.
Capacity Assessment

Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal,


Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa
hazard.
Risk Assessment

Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama


ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o
mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at
Redito, 2009).
Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment

Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga


dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk
assessment:
• 1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy,
pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang
pansin.
• 2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na
mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa
pamamagitan ng risk assessment ay nagkakaroon ng mas matibay
na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard sa kanilang
komunidad.
• 3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and
management plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya,
programa, proyekto, at istratehiya upang maging handa ang
komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
• 4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo
ng plano at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya
sa pagharap sa mga hazard.
• 5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang
pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang
dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito ay tinatawag na
Prioritizing risk.
Ikalawang Yugto: Disaster
Preparedness

• Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at


sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
3 Pangunahing Layunin

1.To Inform
2.To Advise
3.To Instruct
Ikatlong Yugto: Disaster Response

tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang


kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa
gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo
ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na
nakaranas ng kalamidad.
Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri
ng pagtataya: ang Needs Assessment, Damage
Assessment, at Loss Assessment.
Ikaapat na Yugto: Disaster
Rehabilitation and Recovery
• ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng
mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang
pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at
normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang
komunidad.
• Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa
mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa
mga paaralan. Sa bisa ng DepEd Order No. 55 ng taong 2008, binuo ang
Disaster Risk Reduction Resource Manual upang magamit sa ng mga
konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction management sa
mga pampublikong paaralan.

You might also like