Pandiwa at Ang Aspekto Nito

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Nelson: Pare, saan ka nagpunta kahapon?

Reneil: Sumali ako sa paligsahan sa pagsayaw sa Eat Bulaga.

Nelson: Talaga! Ano ang nangyari? Nanalo ka ba?

Reneil: Hindi pa. Sa Biyernes pa lang ako lalaban.


Nagpalista lang muna ako.
Nelson: Ganoon ba? Dapat pala ay nag-eensayo ka na ngayon
para masiguro nating panalo ka.

Reneil: Oo nga. Sana, ipanalangin mong manalo ako. Pag


nagkataon, ito na ang unang hakbang ko para
maabot ko ang aking mga pangarap.
Nelson: Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko iyon. Kaibigan
yata kita. Sana lang kapag sikat ka na ay huwag mo
kaming kalimutan.

Reneil: Pangako ‘yan, Nelson. Siya nga pala, halika,


panoorin mo akong mag-ensayo. Tingnan mo kung
maganda na ang isteps ko.
1. Saang paligsahan sumali si Reneil?
2. Paano ang ginagawa upang siya ay manalo?
3. Paano sinusuportahan ni Nelson ang kanyang kaibigan?
1. Nagpalista ako sa pakontes sa Eat Bulaga.
2. Nag-eensayo ako para sa laban ko sa Biyernes.
3. Lalahok ako sa kontes baka ito ang maging simula ng
aking mga pangarap.
 Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw.

 Ang pagbabago ng anyo ng pandiwa ay nasa kanyang

panahon kung kailan ito naganap, nagaganap o magaganap.


Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
sumayaw sumasayaw sasayaw
ngumiti ngumingiti ngingiti
nagmadali nagmamadali magmamadali
umalis umaalis aalis
ginawa ginagawa gagawin
1. Tuwing umaga, si Nita ay nagwawalis ng kanilang
bakuran.
2. Sumama si Arlene sa piknik noong isang Linggo.
3. Manonood ba kayo ng sine sa Linggo?
4. Kung sasakay ka sa bapor, marami kang makikilalang tao.
5. Parang wala sa sarili si Lyn habang sumisigaw ng kanilang
ng “Sunog!”.
 Pangnagdaan – kung ang kilos ay ginawa na o tapos na.
Halimbawa: Umuwi siya nang maaga kahapon.
 Pangkasalukuyan – kung ang kilos ay nasimulan na ngunit
hindi pa tapos o nagaganap pa lang.
Halimbawa: Tumutulong siya sa mga gawaing bahay.
 Panghinaharap – kung ang kilos ay hindi pa nasimulan
o gaganapin pa lamang.
Halimbawa: Magaaral na siya sa susunod na taon.
_____ 1. Ang aso ay bumangga sa pader sa tulin ng takbo.
_____ 2. Uuwi ako sa amin bukas.
_____ 3. Dali-daling inalis ni Peter ang bato.
_____ 4. Nagtanim ka ba ng puno sa inyong bakuran?
_____ 5. Masayang nagdidilig si Karen ng mga halaman sa
kanilang bakuran araw-araw.
1. Nagtanim
2. Nag-aaral
3. Pupunta
4. Umiinom
5. Mag-aaral

You might also like