Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 69

Isang Pagtalakay

Inihanda ni:
Florencio M. Rabina, Jr.
Guro sa Filipino, QCPU
BAYBAYIN:
Ang Katutubong Paraan ng Pagsulat
Teorya sa Pagbuo ng Baybayoin

Ayon kay Gregorio F. Zaide (1989)

Ito ay nagmula sa alpabetong Asoka ng India.

Ayon kay Mahistrado Villamor Alejnadro at


Pineda (1978)

Ang ABAKADAng Pilipino ay nagbuhat sa


ABAKADAng Malayo

Parehong nagsasabing may tatlo (3) patinig


(a,e,I,o,u) may labing apat(14) na katinig.
SALIGANG BATAS NG BIAK-NA-
BATO (1897)

“Ang wikang Tagalog ang magiging


opisyal na wika ng pamahalaang
rebulyunaryo.”

Opisyal na Wika ay ang wikang ginagamit sa mga opisyal


na transaksyon ng pamahalaan. Ang Wikang Pambansa
ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga mamamayan.
Pagdating ng mga Amerikano
Matapos ang pananakop ng Kastila, dumating ang mga
Amerikano, iba-iba ang estratehiya na kanilang ginamit sa
pagsakop.

SIKOLOHIKAL ang kanilang naging atake


kung saan ang mga bagay na ipinagkait o
wala sa atin ang kanilang pinagkaloob tulad
ng demokratikong pamumuhay, edukasyon
at ang wikang dayuhan.
BATAS BLG. 74
sa ilalim ng pamumuno ng mga
Amerikano ipinag-utos sa bisa ng
batas na ito na sa pamamagitan ng
Philippine Commission na gawing
opisyal na wikang panturo ang
wikang Ingles sa mga paaralan
noong 1901.
MONROE EDUCATIONAL
SURVEY COMMISSION

Makalipas ang 25 na taon


napatunayan sa isang survey na hindi
naging matagumpay ang pagkatuto ng
mga Pilipino gamit ang wikang Ingles
sa kanilang pag-aaral.
BATAS BLG. 577 ( 1931)
Pinag-utos ng Kalihim ng
Public Instruction na Wikang
Bernakular na lamang ang
gamitin bilang wikang panturo
sa elementarya simula taong-
aralan 1932-1933
TAONG 1935
Dumating ang gintong panahon ng
wikang Pambansa, sa pamamagitan
ng pagsang-ayon ni Pang. Manuel
Luis Molina Quezon (Ama ng
Wikang Pambansa) sa panukala ng
pangkat ni Lope K. Santos (Ama ng
Balarilang Tagalog) na ibatay ang
Wikang Pambansa sa isa sa mga
umiiral na wikang katutubo.
ARTKULO 14, SEKSYON 3 ng
SALIGANG BATAS ng 1935
Pormal na inatasan ang kongreso
na magsagawa ng kaukulang
hakbang hinggil sa pagkakaroon ng
wikang pambansa na ibabatay sa
umiiral na wika sa Pilipinas.
BATAS KOMONWELT BLG. 184
Pagbibigay hugis sa pagkakatatag
ng Surian ng Wikang Pambansa na
ngayon ay Komisyon ng Wikang
Filipino . Naging posible ito sa
pamamagitan ng pagsisikap nina
Eugolio Amang Rodriguez at
Norberto Romualdez, mga dating
miyembro ng asembleya.
ENERO 2, 1937
Pagkakahirang ni dating Pang.
Manuel L. Quezon ng lupon ng mga
eksperto na nagsagawa ng pag-
aaral hinggil sa pagpili ng wikang
pambansa.
Kasapi ng lupon na kumakatawan sa
walong panunahing wika
Pangalan Wika Posisyon

Jaime C. De Veyra Waray Tagapangulo

Cecilio Lopez Tagalog Kalihim

Casimiro Perfecto Bikolano Kagawad

Santiago Fonacier Ilokano Kagawad

Felimon Sotto Cebuano Kagawad

Feliz Salas Rodriguez Hiligaynon Kagawad

Hadji Buttu Muslim Kagawad

Zoilo Hilario Kapangpangan Kagawad

Jose Zulueta Pangasinense Kagawad


Pamantayang Ginamit sa
Pagkakahirang ng Wikang Pambansa
1. Wikang ginagamit sa sentro ng
kalakalan
2. Wikang may pinakamaunalad na
balangkas
3. Wikang ginamit sa pinakadakilang
panitikan ng lahi
4. Wikang madaling matutunan
5. Maraming salitang may pinakamalapit na
hawig sa iba pang mga wika sa mundo.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP
BLG.134
Ayon sa naging resolusyon ng Surian
ng Wikang Pambansan noong
Nobyembre 9,1937, ay wikang
Tagalog ang nakatugon sa mga
inihaing pamantayan ng lupon. Noong
Disyembre 30,1937 ay pinagtibay ni
Pang. Quezon ang naturang pasya sa
bisa ng batas na ito.
KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG.263
Pagpapalimbag ng Diksyunaryong
Tagalog- Ingles gayundin ang
Balarila ng Wikang Pambansa sa
Pangunguna ni Lope K. Santos sa
bisa ng kautusan na ito.
BATAS KOMONWELT BLG.570
Sa pagdeklara ng kasarinlan ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay
ipinahayag na ang wikang Tagalog
ang opisyal na wika ng Pilipinas
ayon sa batas na ito.
PROKLAMASYON BLG. 12
(MARSO 26, 1954)
Ipinag-utos na magkaroon ng
Linggo ng Wika ni Pang. Ramon
Magsaysay mula Marso 29
hanggang Abril 4 bilang paggunita
sa kaarawan ni Francisco Balagtas
Baltazar
PROKLAMASYON BLG. 186
Setymebre 23, 1955, Ipinabago ang
petsa ng Linggo ng Wika mula
Agosto 13-19 bilang parangal kay
Pang. Quezon na tinaguriang Ama
ng Wikang Pambansa
KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN BLG.7 (1959)

Ipinahayag ng Kalihim ng
Edukasyon na si Jose Romero,
“Ang wikang pambansa ay
tatawaging PILIPINO.
KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG. 96

Nilagdaan ni Pang. Marcos


noong 1967 na nagtatagubilin na
lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan ay
papangalanan sa PILIPINO.
KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG. 24
(Nobyember 14, 1962)

Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero


at nag-uutos sa taong –aralan
1963-1964 ang mga sertipiko at
diploma ng pagtatapos ay
ipalilimbag sa wikang Pilipino.
KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG. 60
(Disyembre 19, 1963)

Nilagdaan ni Pang. Diosdado


Macapagal na nag-uutos na
awitin ang pambansang awit
sa titik nitong Pilipino.
MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 172
(Agosto 6, 1968)
Pinalabas ni Kalihim
Tagapagpaganap Rafael Salas at
pinag-utos sa lahat ang mga
letterhead ng mga kagawaran,
tanggapan, at sangay ng pamahalaan
ay marapat na ring isulat sa Pilipino
kalakip ang kanilang teksto sa Ingles
gayundin ang mga pormularyo sa
panunumpa sa tungkulin ng mga
pinuno at kawani ng pamahalaan.
KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG. 187
(Agosto 6,1968)
Sa taong 1968 lumabas ang
kautusang ito na nilagdaan ni Pang.
Marcos na nag-uutos ito na lahat ng
kagawaran, kawanihan, tanggapan at
iba pang sangay ng pamahalaan na
gamitin ang Pilipino sa mga opisyal na
komunikasyon.
RESOLUSYON BLG. 70

Ang Pilipino ay naging wikang


panturo sa antas ng
elementarya sa resolusyong
ito, taong 1970
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP
BLG. 304 (Marso 16, 1971)

Nilagdaan ni Pang. Marcos, na


nagpapanauli sa dating sa dating
kayarian ng Surian ng Wikang Pambansa
at nililiwanag ang tungkulin at
kapangyarihan ng mga ito.
ATAS NG PANGULO BLG. 73 (1972)

Nag-aatas sa Surian ng Wikang


Pambansa na isalin ang teksto ng
Saligang Batas sa mga wikang
sinasalita ng 50,000 mamamayan
alinsunod sa probisyon ng Saligang
Batas Art.XV, Seks. 3.
RESOLUSYON BLG. 73-7

Pinagtibay ng Pambansang
Lupon ng Edukasyon na
nagsabing Ingles at Filipino ay
isama sa kurikulum mulang
unang baitang ng mababang
paaralan hanggang sa kolehiyo.
Patakarang Bilingual sa
Edukasyong Pilipino

Ito ay mula sa Resolusyong


73-7;
Taong 1974-75, sinimulang
ipatupad ang patakarang
bilingual na edukasyon.
MEMORANDUM
PANGKAGAWARAN BLG. 194, S.
1976
Sa bisa nito, mula sa Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura, pinayaman nag ating
ABAKADA upang makaagapay sa mabilis na
pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino.
Tinatawag itong Bagong alpabetong
Pilipino.

Binubuo ng dalwampung (20) letra at labing


isa (11) letra mula sa acebedario
( C,F,J,Ñ, Q, X,V,Z,CH,LL,RR)
KAUTUSANG PANGMINISTRI NG
KAGAWARAN NG EDUKASYON
BLG. 22 (HUNYO 22,1978)
Pagkakaroon ng anim (6) na
yunit ng Pilipino sa lahat ng
kurso sa antas tersyarya at
labindalawa (12) yunit ng Pilipino
sa mga kursong pang-
edukasyon.
NOONG 1979

Ipinag-utos ng Kagawaran ng
Edukasyon na ang mga mag-
aaral ng Medisina, Dentista,
Abogasya, at Gwadrado ay
magkakaroon ng Pilipino sa
kurikulum
ORDINANSA MILITAR BLG. 3

Tagalog at Nihongo lamang ang


gagamitin wika sa buong kapuluan
SALIGANG BATAS NG 1987
(ART.XIV; SEKS.6 AT 7)
Seks.6 “Ang Wikang Pambansa
ng Pilipinas ay Filipino,
samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at iba
pang wika.”
SALIGANG BATAS NG 1987
(ART.XIV; SEKS.6 AT 7)
Seks.7 “Ukol sa layunin ng
komunikasyon at Pagtuturo, ang mga
wikang opisyal sa Pilipinas ay Filipino,
at hangga’t walang ibang itinadhana
ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong ng mga
wikang panturo roon. “
KAUTUSANG BLG. 52 (1987)
PATAKARAN SA EDUKASYONG
BILINGGUWAL NG 1987.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP
BLG. 81 (1987)
Ang alfabeto at patnubay ng Wikang
Filipino
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP
BLG. 335
Nag-aatas sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan, ahensya,
instrumentaliti ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang para sa
layuning magamit ang wikang Filipino sa
mga opisyal na transaksyon,
komunikasyon at korespondensiya.
Nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino
BATAS REPUBLIKA BLG. 7104
(Agosto 14, 1991)

Nilagdaan ni Pang. Aquino na lumikha ng


Komisyon ng Wikang Filipino, nagtatakda
ng mga kapangyarihan nito, mga
tungkulin, at mga gawain.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP
BLG. 343 (Hunyo 12, 1996)

Nilagdaan ni Pang. Ramos na


nagpapatibay sa Panunumpa ng
Katapatan sa Watawat bilang opisyal
na panata ng katapatan para sa lahat
ng Pilipino.
MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 59

Disyembre 1996, nagpalabas ang


CHED ng memo na nag-aatas ng
pagsasama sa mga kurikulum ng
siyam (9) na yunit ng Filipino sa
mga kolehiyo at pamantasan.
PROKLAMASYON BLG. 1041
(Hulyo 15, 1996)
Sa bisa ng lagda ni Pang. Ramos
inilipat ang pagdiriwang ng
Linggo ng Wika, sa halip na
linggo, ginawang isang buwan
ng Agosto ang pagdiriwang ng
Wikang Pambansa.
KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN BLG. 45, S.
2001
Nilagdaan ng dating kalihim
Isagani Cruz ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura at Isports na
maskilala sa tawag na Revisyon
ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN
BLG. 104 S. 2009

Nilagdaan ni Kalihim Jesli A. Lapuz ng


kagawaran ng edukasyon na naglalaman
ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang
Filipino.
erpat AT bess Tol!
AwanMTi Kwarta Idiay
Bangku. EOwZ POwsz
kukurikapu
Tumutukoy ito sa pagbabago ng mga
wika sa isang partikular na bansa.

Ayon kay Constantino mula sa aklat ni


Bernales et.al, (2008), ang pagkakaroon ng
Barayti ng wika ay ipinaliliwanag ng
Teoryang Sosyolingguwistik na
pinagbabatayan ng ideya ng pagiging
heterogenous ng wika.
Ayon sa teoryang ito:
“ Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa
pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo,
maging ang kanilang tirahan, interes, gawain,
pinag-aralan at iba pa.

Ibig sabihin, may dalawang (2)


dimensyon ang baryalidad ng wika.
a. Dimensyong Heograpikal
b. Dimensyong Sosyal
 Dayalek o Diyalekto
Ito ang Wikang nabuo mula sa Dimensyong
Heograpikal. Tinatawag din itong Wikain.

Mga Halimbawa:
Tagalog
Nakain ka na ba ng baka? (Probinsya ng Quezon)
Kumain ka na ba ng baka? (Maynila)

Bulbol (Binulbul) - Buhok sa ibabaw ng ari (Tagalog /


Maynila)
Bulbol (Binulbul) - Lugaw (Bicolano)
 Sosyolek
Ito ay dulot ng dimensyong sosyal.

Ayon kay Dr. Jessie Grace Rubrico:

“may kaugnayan nag sa pagkakaroon ng barasyon


ng wika ang KALAGAYAN SA LIPUNAN,
KASARIAN, EDAD, ETNISIDAD, RELIHIYON, at iba
pang dimensyon na mahalaga sa lipunan.”
“May kakayahan ang tao sa pag-
angkop ng kanyang sarili sa isang
isang sitwasyong pandiskurso.
Bunsod ng pangangailanganng
maangkop sa iba, nabubuo ang
SOSYOLEK”
Halimbawa:
Wika ng mga Millenial
ATM, G na G, G ka ba ?, Bruh,
Wika ng mga Tambay
Pre, Sibat, Batchi,
Wika ng 70’s (Taglish at Enggalog)
Dehins, Ermat, yosi, bogchi,
Jejemon
eows poewsz,
Gay Lingo (sward speak, gaylingo, bekimon)
Carmie martin, charot, chenes, hagardo
versosa,
 Ang bawat pangkat ng tao ay may kanya-kanyang
code na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ito ay
nagsisilbing rehistro ng wika nila na espesyalisado
lamang sa sa kanilang pangkat.

JARGON
- tumutukoy sa mga tanging bokabularyo ng isnag
partikular na pangkat ng gawain.
Jargon Halimbawa
Legal Jargon Appeal, hearing, pleading, court
I.T. Software, programming, bytes, modem,
mother board
Entrepreneur Entrepreneur, marketing, capital
IDYOLEK
Ito ay tumutukoy sa nakasanayang
pamamaraan ng pananalita.

Halimbawa:
Masarap siya. Try mo siya.
Masarap ito, subukan mong tikman.

Ang idyolek ay umaayon sa indibiduwalidad o


kakanyahan ng gumagamit ng wika.
Ito ang mga salitang
ginagamit sa mga aklat pangwika
at nagsasaalang-alang sa
paggamit ng gramatika.
Ginagamit din itong wikang
panturo sa mga paaralan at
wikang ginagamit sa
pamahalaan.
Dito nakasalalay at
nakikita ang kagandahan,
yaman, kariktan, at
retorika ng wika.
Masining, mabisa at
maingat ang paggamit
dito ng mga salita.
Ang wikang
ginagamit na wika sa
mga tiyak at
partikular na pook at
lalawigan.
Halimbawa ng mga
Salitang
Panlalawiga/Lalawiganin
Guyom – Langgam (Batangas)
Mabanas – Maalinsangan (Cavite)
Daga – Lupa (Bikol)
Inday – Magandang Babae (Bisaya)
Ebon – Itlog (Pampanga)
Ginagamit sa mga
pagkakataong impormal;
impormal na karaniwan
sa pakikipag-usap sa
tahanan, kaibigan at
paaralan
Halimbawa ng mga Salitang
Kolokyal
Nasaan – Nasa’n
Maghintay ka – Teka
Mayroon – meron
I take vitamins pero payat pa rin ako.
Feel na feel ko ang sariwang hangin.
Magrerelax muna kami bago
magwatch ng T.V
Itinuturing ito na
pinakamababang antas ng
wika. Katumbas nito ang slang
sa Ingles. Nilikha ito ng mga
grupo ng tao upang magsilbing
code sa kanilang pag-uusap.
Halimbawa ng mga Salitang
Balbal
Anda – Pera
Tol – Kapatid o Kaputol ng Pusod
Dehins – Hindi
Chaka – Hindi Maganda
143 – I Love You
Sibat – Alis
Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Castillo et.al, 2012

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Castillo et.al, 2012

Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Cabaysa, et.al, 2008

You might also like