Kasuotan sa Mindanao Ang MIndanao Ang MIndanao Ang MIndanao Ang MIndanao Tribo B’laan
Ang mga kalalakihan ay
nagsusuot ng pang-itaas na damit na ang tawag ay “Saul Laki” at ang kanilang pang- ibaba na kasuotan ay tinatawag na “Salwal” Tribo B’laan Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng pang-itaas na damit na ang tawag ay “Saul S’lah” at ang kanilang pang- ibaba na kasuotan ay tinatawag na “Dafeng”
Gumagamit ng ”Beads” at tila
“Sequin” na mula sa kabibe ng Capiz. Ang tawag nila ditto ay “Takmon” bilang palamuti sa kanilang kasuotan. Ang pinaka-kilalang tradisyonal na kasuotan ng mga Maranao ay “Malong”. Ito ay malaki at makulay na tela na sinusuot sa pamamagitan ng pagtatapis sa katawan.
Ang mga kababaihan ay
pinangtatapis sa baywang na ang tupi nito ay nakalaylay at isinasampay sa balikat o braso.
May mga kababihan na
isinusuot ang malong sa ibabaw ng kanilang blusa na ang tawag ay “arbita”. Ito ay ginagamit ding turban na tinatawag na “kombong” Ang karaniwang kasuotan ng mga Badjao ay “patadyong”. Ito ay may maraming gamit. Ito ay sinadyang Malaki ang yari upang kumasya sa parehong babae o lalaking magsusuot.
Ang ibang babae ay nagsusuot
ng maluluwag na manggas na hanggang balakang ang haba. Natatangi sa mga kasuotan ng mga T’boli ay ang pagiging nakulay ng mga ito. Halos lahat ng kanilang mga kasuotan ay yari sa t’nalak, isang telang tsokolate, at pinatingkad ng mga pula at kayumangging mga ornamento.
Ang mga kababaihan ay kumpleto
ng alahas. May kwintas, sinturon, hikaw, singsing, bracelets at anklets. Meron din itong kasuotan sa ulo na ang tawag ay “Kayab”
Meron din kagamitan para sa mga
lalaki at bahagi rin ng kasuotan nila ang kanilang mga sandata o armas. Ang kalalakihang Yakan ay nagsusuot ng pang-ibabang kasuotan na “sawal”. Ito ay isang tila pantalon na masikip at banat na kung tawagin ay “badyo”. Mayroon din silang tela na panali sa ulo na tinatawag na “kandit”.
Ang mga kababaihang yakan ay
nagsusuot ng “sablay” o “habol”, isang malaking piraso ng tela na sinusuot sa katawan na nakalaylay sa balikat o kaya ay ang tinatawag na “patadyong” na isinusuot mula baywang hanggang sa ibaba. Ang mga ito ay nagsusuot din ng masikip at banat na blusa na may palamuting butones at ang iba naman ay nagsusuot ng mga blusang may maluwang na manggas.
Ito ang tanging pangkat na nagsusuot
parehas ang babae at lalaki ng malong. Sa mga Tausug na kababaihan kilala ang “Biyatawi”. Isa itong blusa na may disenyong mahigpit sa katawan na kumikinang sa baywang. May malalim itong neckline na magandang pinaparesan ng mga palawit. Uso sa mga biyatawi ang gintong butones. Kalimitang makikita ang mga ito kapag may mga mahahalagang okasyon ang mga Muslm.
Tradisyonal na kasuotan sa ulo
ng kalalakihang Muslim ay tinatawag na “Tobao”. Pero sa Tausug kilala ito biling “Ppis”. Maraming Salamat po!