Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Sundin ang sumusunod na

panuto.
1. Sumulat ng pangalan ng isang
bagay, tao, lugar, o hayop, pantangi
man (hal., Benigno Aquino III) o
karaniwan (hal., pangulo), sa isang
maliit na papel. Pagkatapos isulat,
tupiin ang papel at ibulsa.
2. Bumuo ng grupo na may pitong
miyembro.
3. Kapag nabuo na ang grupo, ilabas
ang papel na pinagsulatan ng
anomang pangalan. Buksan ang mga
nakatuping papel, pagsama-samahin
at ilista ang mga salita.
4. Mag-isip ng isang maikling
kuwento na binubuo lamang ng
sampung pangungusap. Dapat ay
kasama sa pagkukwento ang pitong
salita na ibinigay ng bawat
miyembro.
5. Ibahagi ang inyong kuwento sa
pamamagitan ng isang kinatawan na
pipiliin ng mga miyembro. Sa
pagbabahagi, huwag kalimutang
tukuyin ang pitong salita na
napasama sa salaysay na ginawa.
Isa sa pinakagamiting diskurso sa
araw-araw ang pagkukwento o
pagbuo ng narasyon. Sa susunod na
aralin, mauunawaan mo ang
kalikasan at layunin ng isang
tekstong naratibo at malalaman ang
iba’t ibang katangian ng isang
mahusay na narasyon.
Tekstong Naratibo: Mahusay na
Pagkukwento
Layunin ng tekstong naratibo ang
magsalaysay o magkuwento batay sa
isang tiyak na pangyayari, totoo man
o hindi. Maaaring ang salaysay ay
nakabatay sa tunay na daigdig o
pantasya lamang.
Ang tekstong naratibo ay
nagkukwento ng mga serye ng
pangyayari na maaaring piksiyon
(nobela, maikling kuwento, tula) o di
piksiyon (memoir, biyograpiya, balita,
malikhaing sanaysay). Kapuwa
gumagamit ito ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kukasangkapan ng iba’t
ibang imahen, metapora, at simbolo
upang maging malikhain ang katha.

You might also like