Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

PAGDADALUMAT

NG BUKANEGAN
Kasaysayan ng
Bukanegan

Ang Bukanegan ay isang debateng patula sa


Ilokano at itinulad sa “balagtásan” sa Tagalog—
ay ipinangalan kay Pedro Bukaneg noong 1930
bilang pagkilala sa kanya. Inilalarawan nito ang
pagkatiyak at pagkasalimuot ng isip sa sining ng
pagtatalo. Katulad din ito ng Balagtasan ng mga
Tagalog.
Kayarian at
Morpolohiya ng
Salitang
Bukanegan
Nagmula sa dalawang salita:
*Bukaneg - mula sa kilalang makata na si
Pedro Bukaneg bilang pagkilala sa kanya.
Ang apelyido’y nagmula sa katagang “na-
bukaan nga Itneg” na nangangahulugang
“natagpuang Itneg".
*Morpolohiyang "-an" na nangangahulugang
na "gantihan ng kilos".
Samakatuwid, ang Bukanegan ay isang
uri ng debate na itinatanghal sa stage na
kahalintulad din ng Balagtasan ng mga
Tagalog, maaring pagdebatehan dito ang
mga isyu sa lipunan katulad ng
edukasyon, kahirapan, at iba pa.
Talambuhay ni Pedro Bukaneg
Si Pedro Bukaneg ay isang dakilang
Pilipino na mula sa lupain ng mga
Samtoy (bandang Ilocos). Itinuturing
siyang unang edukadong Ilokano,
orador, musikero, leksikograpo at
dalubwika. Siya ang itinuring na Ama
ng Panitikang Ilokano.
Batay sa haka-haka si Bukaneg ay
maaaring isinilang noong taong 1592.

Buwan ng Marso, 1592 nang matagpuan


siya sa isang tampiping palutang-lutang sa
isang ilog sa pagitan ng bayan ng Bantay at
Vigan, Ilocos Sur ng isang labandera.
Inilalarawan siya ng karamihan kina:
1. Homer
2. Moises
3. Socrates
Idinala ng butihing babae ang bata sa
kura paroko ng Bantay, kung saan ay
nabinyagan bilang Pedro Bukaneg.
Ang Bukaneg ay sinasabing pinaikli ng
nabukaan nga itneg, na ang ibig
sabihin ay "Christianized heathen".
Pinalaki siya ng mababait na paring
Agustiniano sa kumbento ng Bantay.
Kung bagaman si Bukaneg ay bulag at
pangit, siya naman ay pinagkalooban ng
maykapal ng pambihirang katalinuhan.
Kahanga-hanga ang kanyang
kakayahang makatanda ng mga bagay-
bagay (retentive memory) at ang
kanyang kakayahang manghikayat sa
pamamagitan ng kanyang pananalita.
Marunong siya ng iba't ibang wika tulad
ng Latin, Kastila, Iloko at Itneg
(Tinggian). Maging ang mga paring
Agustiniano ay humanga sa kanya. Siya
ang may-akda ng kilalang epikong
Ilokano na ang pamagat ay Biag ni Lam-
ang na binubuo ng 294 na saknong
(stanzas).
Hindi lamang mahusay sa pagtula si
Bukaneg, mahusay din siyang
orador. Ipinangalap niya sa
Rehiliyong Kristiyano sa iba't-ibang
lugar sa Ilocos katulad sa Vigan,
Aringay at ibang pang kalapit
bayan. Nang dahil dito binasagan
siyang "Apostol ng mga Ilokano
Si Bukaneg ang naging guro ng mga
paring Agustiniano sa pag-aaral ng
wikang Ilokano. Nagsulat si Bukaneg ng
mga sermon sa wikang Ilokano at
nagsalin ng mga nobena at dasal mula
sa latin at Kastila sa wikang Ilokano at
tumulong sa paghahanda ng unang
katesismo at gramatika sa wikang
Ilokano.
Ang mga kauna-unahang
katesismo na naisalin sa Ilokano
na nagmula sa librong Doctrina
Cristiana ni Cardinal
Bellarmine ang naging katulong
sa pagsasalin ay sa Bukaneg
Ang kanyang pagsasalin ay inimprenta pa
noon sa Augustinian Convent sa Maynila
noong 1621 nina Antonio Damba and Miguel
Seixo. Malaking tulong din si Bukaneg kay
Padre Francisco Lopez, isang Augustinian na
isa ring dalubwika sa pagsasalin ng librong
Libro a naisurat amin ti batas ti Doctrina
Cristiana nga naisurat iti libro ti Cardenal a
angnagan Belarmino (Book Containing the
Laws of the Christian Doctrine written by
Cardinal Bellarmine).
Naging katulong at kapwat
manunulat ng kauna-unahang libro
tungkol sa Gramatikang Ilokano na
isinulat ni Padre Lopez na may
titulong "Arte de la Lengua Iloca
(Ang Sining ng Wikang Ilokana, na
naimprenta sa Pamantasan ng
SantoTomas ni Pinpin.
Ang isa sa mga kopya nito
ay nasa British Museum
sa London.
Nakalulungkot na ang kanyang mga
tula, sermon, dasal at ibang sinulat
ay nawala subalit pinaniniwalaang
ang malaking bilang ng mga tula
sa wikang Ilokano, mga nobena at
mga dasal niya ay kinuha ng mga
paring Kastila.
Ayon sa tala, si Bukaneg ay namatay
noong taong 1630. Iyon ay ikinalungkot
ng mga taong may higit na paniniwala sa
isang taong tulad niya na nag-aangkin ng
pambihirang katalinuhan, para sa
walang katapusang pagpaparangal sa
kanya ng mga Ilokano, ang popular na
patulang pagtatalo sa ibabaw ng
tanghalan ay tinawag nilang Bukanegan.
Mga Akda ni Pedro Bukaneg
• Isa mga kilalang akda ni Pedro Bukaneg ay
epiko na Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang).
Naglalaman ito nf 294 na mga saknong,
may1,500 na taludtod at na may 6 hanggang
12 na pantig ang bawat linya. Napanatili ang
nasabing epiko sa pamamagitan ng
pagkekwento ni Bukaneg sa isang takigrapo o
'yung taong tagalimbag ng mga aklat.
Buod ng Biag ni Lam-ang
• Ang Biag ni Lam-Ang ay ang kwento ng
kabayanihan ni Lam-Ang na ipaghiganti ang
kanyang ama laban sa isang tribo na pumaslang
rito. Kasama rin dito ang paglalakbay nya na
nauwi sa pagkilala nya sa isang dalaga na si Innes
Annoyan, na nauwi sa isang matamis na pag-
iibigan ng dalawa. Binanggit din sa kwento ang
kanyang mga mahiwang alaga, ang aso at ang
tandang. Ang pagkamatay at muling pagkabuhay
ni Lam-Ang at ang masayang pagtatapos ng epiko
ang wakas nang nasabing kwento.

You might also like