Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Pagganyak

• Paano ka tinatawag ng nanay mo kapag nasa


labas ka at naglalaro gayong gabi na?
• Alam mo kung galit ang tao sa iyo?
• Paano mo ito malalaman?
• Kapag takot ka, paano mo ito maipapakita?
• Paano mo sasabihin ang linyang ito, Nay,
nakapasa po ako sa exam!”
Paghahabi sa layunin
• Pumili ng 5 bata para isagawa ang 5 linya.
1. Hindi ba sabi ko sa’yo na huwag ka ng magpa-
pakita dito!
2. Lubos na nagagalak ang puso ko sa ginawa mo.
Maraming salamat!
3. Hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko,
bakit mo ako ginaganito?
4. Takbo, may zombie!
5. Hello, nandito na kami!
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

• Sa unang linya, ano kaya ang damdaming


ipinapakita ng tagapagsalita?
Pagtatalakay

• Basahin ang kuwentong Chenelyn, Chenelyn


• Talakayan, pagkatapos ng kuwento
1.Sinu – sino ang mga tauhan sa kuwento?
2.Paano ba tinatawag si Chenelyn ang bidang
tauhan ng kuwento at ng iba pang tauhan sa
kuwento?
3. Anong damdamin ang ipinapakita nila dito?
4. Sa pagkakasabi ni tatay ng, “May trangkaso si
Chenelyn…” Paano niya ito sinabi? Anong
damdamin mayroon siya sa mga oras na iyon?
5. Ano kaya ang damdamin ng mga tao sa bahay
noong mabuti pa ang katawan ni Chenelyn kung
ikukumpara sa damdamin nila nang malaman
nilang may sakit na siya?
6. Kayo, naranasan nyo na rin bang maging masaya?
magalit?matakot?
7. Paano ba ang tono,, intonasyon, at bilis ng
pagsasalita kapag ikaw ay malungkot? natatakot?
masaya?
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
“Huwag ka ngang lumangoy-langoy lang!
Kumilos ka naman diyan!”

Pangkat 2
“Salamat po, Doktora Dulce!”
Pangkat 3
“Saan ako matutulog?” tangis nii Biya na
walang lungga.

Pangkat 4
“Magandang araw po Manang Sol. Maganda
po ba ang aking sombrero?

Pangkat 5
“ Teka , sandali lang Toto.”
Paglalapat
Ipabasa sa mga bata ang mga pangu-ngusap base
sa damdaming hinihingi.

1.“Hay, naku! Ang init-init dito kalian pa kaya babalik


ang kuryente?”
2. “Manang, ilang beses ko bang uulit-ulitin na ‘wag
na ‘wag mong paikialaman ang mmga gamit ko!”
3. “Nay, nay, gumising na po kayo! Nay, sige na po
idilat nyo na pong mga mata ninyo. Huwag nyo po
akong iwan!”
4. “Kuya, nasaan ka? Bakit wala akong makita?
Bakit ang dilim dito?
5. “ Teka, sandali lang Toto.”
Tandaan
• Nalalaman natin ang damdamin ng tagapagsalita o
ng tauhan sa kuwento ayon sa tono, diin, bilis at
intonasyon ng kanyang pagsasalita.Maging
sensitibo tayo sa damdamin ng ating kapwa. Dapat
nating malaman kung ano ang kanilang
nararamdaman o damdamin para alam natin kung
ano ang maaari nating gawin. Upang kaya natin
silang damayan sa lungkot man o ligaya.
Ebalwasyon
• Isulat ang damdaming ipinahihiwatig ng bawat
pangungusap.
1. “Tara na, sakay na tayo ng ferris wheel!”
2. “Ayoko na, tama na, pagod na pagod na ako!”
3. “Takbo, dali bilisan mo!”
4. “Huwag mo akong subukan, hindi mo alam kung
ano ang kaya kong gawin!”
5. “Sana, madalaw ko man lang si tatay sa
bilangguan ngayong Pasko.”
Takda

• Magsulat ng 5 pangungusap base sa iyong


karanasan na nagpapahiwatig ng iba’t ibang
damdamin.

You might also like