- Unang kabihasnan nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa ■Kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula pero may nagsasabing ang naging matatag ay ang kabihasnang yumabong sa Egypt ■Sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pag-sapit ng 3100 BCE ■ Mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. ■ Natagpuan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa Egypt malapit sa hangganan ng Sudan noong ika- 20 siglo. ■ Naroon daw ang tirahan noon bago pa sumapit ang 800 BCE sinasabi na nag mga kaanak o inapo ang mga taong nagpasimulan ng kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile. Heograpiya sa Egypt ■ Ang lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean sea. ■ Ang upper Egypt ay nasa bahagi ng katimugan mula sa Libyan desert hanggang sa Abu Simbel. ■ Nile river (4160 milya o 6694 km) ■ Tawag bilang The Gift of The Nile dahil kung wala ang ilog ang lupaing ito ay disyerto. ■ Hinihiwa ng ilog ang bahaging hilagang silangan ng disyerto ng Africa. ■ Ang malakas na ulan sa bahagi ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng tubig sa ilog tuwing Hulyo. ■ Naihinto lamang ang pagbabaha noong 1970 dahil naitayo ang Aswan High Dam para makapagbigay ng elektrisidad at mapaayos ang supply ng tubig. ■ Nakapagtanim noong panahong Neolitiko dahil sa pag apaw ng Nile at dahil dito tumaba ang lupa at nakapagtanim at nagkaroon ng tirahan ang mga hayop. ■ Para maparami ang tanim taon-taon ay gumagawa sila ng imbakan ng tubig at naghuhukay ng mga kanal upang pagdaluyan ng tubig sa kanilang lupang sinasaka. ■ Ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noon dahil dito nakapag- ugnayan ang mga tao sa ibang pamayanan na matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. ■ Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt, dahil dito payapa ang pamumuhay ng mga tao rito. Maraming salamat po sa pakikinig mga pogi!