Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Lipunan at

Rebulosyong Pilipino
Ni Jose Maria Sison
INTRODUKSYON: Ang pagsalin sa Pilipino sa aklat na ito ng mga
lektyur sa Ingles na binigkas ni Propesor Jose Maria Sison sa
Pamantasan ng Pilipinas, Diliman noong Abril hanggang Mayo
1986, ay isang pagkilala na ang mga suliraning pinapasan ng
masang Pilipino noong panahong iyon ay patuloy pa ring umiiral
sa kasalukuyan. Nang palitan ang diktador na si Marcos ni Gory
Aquino noong 1986, nagpalitan lamang ang mga pangkat ng mga
naghahari. Minana naman ni Fidel Ramos ang mga patakarang
kontra-masa ni Aquino, kagaya ng pekeng reporma sa lupa at
mga programang ipinataw ng IMFWorld Bank sa Pilipinas
(liberalisasyon, deregularisasyon at pribatisasyon). At nang
umupo sa kapangyarihan si Erap Estrada pinahalik niya ang mga
kroni ni Marcos at pinawalang sala ang asawa ng dating diktador.
"Habang nagbabago ang mga bagay-bagay, ang lahat ay
nananatiling pareho." Ang nababago lamang sa pamumunong
pulitikal sa Pilipinas ay mga mukha ng mga naghaharing uri,
ngunit nananatili ang istruktura ng lipunan na dinodomina ng
monopolyong kapitalismo ng United States at ng mga alalay
nitong katutubong kumprador na burgesya at panginoong
maylupa. Nagkakaroon lamang ng rigodon sa pulitika (palitan ng
kapareha) at ang tumutugtog ng musika ay ang imperyalistang
United States. Ang ekonomya ng Pilipinas ay nananatiling
malapyudal at malakolonyal, pinagkukunan ng naghaharing uri
ng limpak-limpak na sobrang tubo mula sa gawa ng mga
manggagawa at magsasakang Pilipino. Ang mga natuklasan ng
may akda sa kalagayan ng Pilipinas ay tumpak pa hanggang
Sa kasalukuyan, ayon sa IBON Philippines, may 70% ng mga
pamilyang Pilipino ang nabubuhay sa ilalim ng lebel ng
kahirapan. Ikumpara ito sa 57% mahirap na pamilyang Pilipino
noong 1975, ayon mismo sa US AID. Ang tamang landas para
lutasin ang gumagrabeng suliranin ng bayan na lalo pang
umiigting dulot ng kasalukuyang krisis ng pandaigdigang
kapitalismo ay lungo sa pambansa-demokratikong kilusan. Ito
ang hakbang na iminumungkahi ni Propesor Sison at ho ay
kailangang isaalang-alang ng bawat mama may ang Pilipmo.
Kailangang tuluyang wakasan ang pagkontrol ng monopolyong
kapitalismong US sa lipunang Pilipino at lansagin ang
pamumuno sa pulitika ng mga kumprador na burgesya at
panginoong maylupa, na lalong lumalakas sa Kongreso.
Anu-ano ang mga katangian ng Pilipinas?
-Ang Pilipinas ay isang kapuluang may klimang tropikal at
mabundok na kalupaan. Mayroon itong 30 milyong
ektaryang sukat ng lupain. Binubuo ito ng 7,100 pulo. Tatlo
rito ang malalaking grupo ng mga pulo: Luzon, Visayas at
Mindanao.
-Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya. Napapaligiran
ito ng Karagatang Pasipiko, Dagat Tsina at Dagat Celebes.
Nasa bandang hilaga nito ang Tsina at bandang timog naman
ang Indonesia at Hilagang Borneo.
-Mahigit 100 lenggwahe at diyalekto ang sinasalita ng mga
mamamayan. Ang limang lenggwaheng sinasalita ng
Anu-ano ang likas na yaman ng Pilipinas?
Sa mga kabundukan at kapatagan, makukuha ang maraming
mineral tulad ng ginto, tanso, langis, pilak, karbon, bauxite,
uranyum at nikel. Sapat ang mga ito para makapagsarili ang
Pilipinas sa pagpapaunlad ng mga industriya. Sagana din sa
likas na yaman dagat.

Nahahati ito sa iilang naghaharing uri at nakararaming


pinagsasamantalahan at inaapi ang lipunan Pilipino
• 1% Pambansang Burgesya
• 7% - 8% Petburgesya
• 15% Manggagawa
• 75% Magsasaka
Anong mga kilusan ang inilunsad ng mga ilustrado laban sa
mga
kolonyalistang Espanyol ?
a. Kilusang Sekularisasyon - pagpapatalsik sa mga ordeng
relihiyoso sa mga parokya
b. Kilusang Propaganda -Inilunsad ito ng mga ilustradong
pumunta sa Espanya para mag aral at mangampanya ng mga
reporma sa Pilipinas. Nakatulong ang mga ito sa
pagpapalaganap ng nasyonalismo at sa paghahanda ng isip
ng mga Pilipino para sa pagsiklab ng Rebolusyon ng 1896.

You might also like