Intensiyon Panitikan: Dula Kultura: Dulang Pilipino Pagganap: Dulang Pilipino Dula Ito ay nahango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o kilos. Ito ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos, at galaw ang kaisipan ng may-akda. Ito ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay. Pagbibigay Kahulugan mula sa mga Dalubhasa sa Larangan ng Panitikan. Aristotle Ang dula ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.
Rubel
Ang dula ay isa sa maraming paraan ng
pagkukwento. Pagbibigay Kahulugan mula sa mga Dalubhasa sa Larangan ng Panitikan.
Sauco
Ito ay isang uri ng sining na may layuning
magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito. Layunin ng Dula Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula,dramatista, o dramaturgo. Mga Sangkap ng Dula
Simula Gitna Wakas
Kasukdulan Tauhan Tagpuan Kalutasan Tunggalian Kakalasan Sulyap sa Saglit na Suliranin Kasiglahan Bahagi ng Dula 1. Yugto – Ito ay bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad ang tabing bawat yugto upang makapagpahinga ang mga nagtatanghal gayon din ang mga manonood. 2. Tanghalan- kung kinakailangang magbago ang ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto. 3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan. Mga Uri ng Dula 1. Trahedya – nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan. 2. Komedya – Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil sa nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo. 3. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa. Mga Uri ng Dula 4. Melodrama – Ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito. 5. Saynete – Ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang dulang ito ay may layuning magpatawa. Elemento ng Dula A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula. 1. Paglalahad – isang tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging ito ipinapakilala ang mga tauhan, lugar,panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon. 2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap. Elemento ng Dula B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa; ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito. C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay ginagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita. Sangkap ng Dula a. Simula Dulang Pilipino Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang panonood ng mga pagtatanghal katulad ng dula. Bago pa man ipakilala ng mga dayuhan ang maka-kulturaning konsepto ng treatro, bahagi na ng mga gawain at pagdiriwang ng mga unang Pilipino ang dulaan. Ayon sa librong ‘’Palabas” na isinulat ng isa sa mga kilalang mananaliksik at manunulat tungkol sa treatrong Pilipino na si Doreen Fernandez, ang kultura ng dulaan sa Pilipinas ay mauugat sa mga ritwal na bahagi ng interaksiyong pangkomunidad ng mga unang Pilipino. Sa dulang iyon, hindi lamang tagapanood ang mga unang Pilipino kundi sila mismo ang gumaganap dito. Lambat-Panitikan Panitikang at Pamamayani ng Industriyalisasyon Isang tradisyong pampanitikang sumibol sa panahong namamayani ang industriyalisasyon ang uri ng panitikan sumasalamin sa tunay na nangyayari sa lupunan. Pamantaya
Paggamit ng Tamang Salita 10%
Kaugnayan sa Paksa/Tema 15% Kaayusan/Organisado ang 40% daluy ng Dula Kasuotan 10% Orihinalidad 25% 100%