Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Katanungan:

Sa paanong paraan
matapat ang Diyos kay
Abraham?
1. MATAPAT ANG DIYOS KUNG
TAYO AY MATAPAT SA
KANYA
2. MATAPAT ANG DIYOS KAHIT
NA HINDI TAYO MATAPAT
SA KANYA
1. MATAPAT ANG DIYOS KUNG
TAYO AY MATAPAT SA
KANYA
2. MATAPAT ANG DIYOS KAHIT
NA HINDI TAYO MATAPAT
SA KANYA
Tinawag ng Panginoon si Abraham at nangako
Siya na pagapapalain Niya ito.

Gen. 12:1-2
1Sinabi ni Yahweh kay Abram: “Lisanin mo ang

iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga


kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko
sa iyo. 2Pararamihin ko ang iyong mga anak at
apo at gagawin kong isang malaking bansa.
Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong
pangalan at magiging pagpapala sa marami.
Papaano itong tinupad ng Panginoon sa buhay ni
Abraham?

Matapat ang Diyos sa pangkasalukuyan.

Gen. 13:12
12Nanatili si Abram sa Canaan, samantalang si Lot

ay namayan sa mga lunsod sa kapatagang malapit


sa Sodoma.
Ipinagkaloob ng Diyos si Isaac sa kabila ng
kanyang katandaan

Gen. 18:10-12
10Sinabi ng panauhin, “Babalik ako sa isang taon, sa

ganito ring panahon, at pagbabalik ko’y may anak na


siya.” Nakikinig naman noon si Sara sa may pintuan
sa kanyang likuran. 11Silang mag-asawa’y kapwa
matanda na at hindi na dinaratnan si Sara.
12Napatawa ito nang lihim at ang wika, “Ngayon pa

namang ako’y lanta na at laos na ang aking asawa,


saka pa ba kami magkakaanak?”
Pinanagumpay siya ng Diyos laban sa kanyang
mga kaaway (Gen. 14:12-16).

Gen. 14:12-16
12Binihag din nila si Lot na nakatira sa Sodoma, at dinala
ang lahat niyang ari-arian. 13Ang nangyaring ito’y
ibinalita ng isang takas kay Abram, na noo’y nakatira sa
tabi ng sagradong kahuyan ni Mamre, isang Amorreo. Ito
at ang mga kapatid niyang sina Escol at Aner ay kasapi ni
Abram. 14Pagkarinig niya sa nangyari sa kanyang
pamangking si Lot, tinawag niya ang kanyang mga
tauhan at nakatipon siya ng 318 mandirigma. Sinundan
nila ang mga kalabang hari hanggang sa Dan.
15Pagdating doon, nagdalawang pangkat sila at,
pagsapit ng gabi, sinalakay nila ang kaaway. Nalupig nila
ang mga ito at tinugis hanggang Hoba sa hilaga ng
Damasco. 16Nabawi nilang lahat ang nasamsam na ari-
arian at nailigtas si Lot at ang kanyang mga kasamahan.
Nagbigay ang Diyos ng handog na inialay sa halip
na si Isaac

Gen. 22:10-12
10Nang sasaksakin na niya ang bata, 11tinawag siya
ng anghel ni Yahweh at mula sa langit ay sinabi:
“Abraham, Abraham! 12Huwag mong patayin ang
bata. Huwag mo siyang saktan! Naipakita mo nang
handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo
ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal
mong anak.”
Papaano itong tinupad ng Panginoon sa buhay ni
Abraham?

Matapat ang Diyos sa panghinaharap

Gen. 15:1-6
1Pagkaraan ng lahat ng ito, si Abram ay

nagkaroon ng isang pangitain. Narinig niyang


sinabi sa kanya ni Yahweh: “Abram, h’wag kang
matatakot ni mangangamba man, kalasag mo
ako, kita’y iingatan. At ikaw ay aking
gagantimpalaan.”
2Ngunit sinabi ni Abram, “Yahweh, ano pang
gantimpala ang ibibigay mo sa akin? Wala naman
akong anak! Wala akong tagapagmana kundi si
Eliezer na taga-Damasco. 3Hindi mo ako
pinagkalooban ng anak, kaya isa kong alipin ang
magmamana ng aking ari-arian.” 4Sinabi ni
Yahweh, “Hindi alipin ang magmamana ng iyong
ari-arian; anak mo ang magmamana.” 5At inilabas
siya nito at sinabi sa kanya: “Masdan mo ang mga
bituin! Mabibilang mo ba iyan? Ganyan karami
ang magiging anak mo at apo.” 6Nanalig si Abram,
at dahil dito’y kinalugdan siya ni Yahweh.
1. MATAPAT ANG DIYOS KUNG
TAYO AY MATAPAT SA
KANYA
2. MATAPAT ANG DIYOS KAHIT
NA HINDI TAYO MATAPAT
SA KANYA
Maraming mga Cristiano na ang tendency kapag
nagkakasala ay lumayo sa Diyos. Marahil ay dahil
ito sa isang maling kaisipan na sila ay inabandona
na ng Panginoon. Ang totoo niyan ay matapat at
mananatiling matapat ang Diyos kahit na tayo ay
hindi. Subalit huwag nating ipagkakamali na
nasisiyahan Siya sa ating mga kasalanan. Ang
katotohanan lamang nito ay walang anuman ang
maaaring makapagpabago sa katapatan ng Diyos.
Ang hindi pagiging tapat ni Abraham
Nagsinungaling siya kay Faraon
Gen. 20:8-10
8Kinabukasan, sinabi ni Abimelec sa mga alipin

niya ang mga bagay na ito, at gayon na lamang


ang kanilang takot. 9Sa gayon, ipinatawag ni
Abimelec si Abraham at tinanong, “Bakit mo
ginawa ito? Ano ba’ng kasalanan ko at dinalhan
mo ng kapahamakang ito ang aking kaharian.
Hindi tama ang ginawa mo! 10Bakit mo nga
ginawa ito?”
Ang hindi pagiging tapat ni Abraham

Sumiping siya kay Hagar

Gen. 16:1-2
1Hindi magkaanak si Sarai na asawa ni Abram.

Kaya naalaala niya si Agar, ang alipin niyang


babaeng taga-Egipto. 2Sinabi niya, “Abram,
yamang pinagkaitan ako ni Yahweh ng anak, ang
alipin ko ang sipingan mo. Baka sakaling
magkaanak siya para sa akin!”
Ang hindi pagiging tapat ni Abraham

Nagsingaling si Abraham kay Abimelec

Gen. 20:1
1Nilisan ni Abraham ang Mamre at nagpunta sa

lupain ng Negeb sa pagitan ng Cades at Shur, at


tumira sa Gerar. Habang siya’y naroon,
Ang katapatan ng Diyos

Dumanas ng katakut-takot na
karamsdaman si Faraon.
Ang katapatan ng Diyos

Pinagpala Niya si Ismael

Gen. 21:11
11Labis itong ikinalungkot ni Abraham sapagkat

anak din niya si Ismael.


Ang katapatan ng Diyos

Nilingap si Sara at tinupad ang pangako kay


Abraham

Gen. 21:1
1Nilingap ni Yahweh si Sara at tinupad ang

kanyang pangako.
Paglalagom
Matapat ang Diyos sa lahat ng pagkakataon – sa
mga panahong matapat tayo sa Kanya o hindi.
May mga hakbang ang Panginoon na hindi natin
lubusang nauunawaan. Maari din na maranasan
natin o hindi sa ating panahon ang Kanyang mga
pangako subalit hindi nangangahulugan ito na
hindi Siya matapat sapagkat ang Kanyang
pangako ay sumasakop sa lahat ng panahon.
Kung magkagayon ay huwag tayong mawawalan
ng lakas ng loob sa mga pagsubok na kung saan
ay magkakaroon tayo ng pag-aalinlangan.
Mananatili ring matapat ang Panginoon sa kabila
ng ating hindi pagiging matapat kung minsan. Sa
mga panahong nagkakasala tayo sa Kanya ay
manumbalik agad tayo at huwag lumayo sa Kanya
sapagkat Siya ay tunay na matapat. Subalit
huwag din nating aabusuhin ang Kanyang
kagandahang-loob sapagkat sa takdang panahon
ay may naghihintay na kaparusahan ang
sinumang hindi susunod sa Kanya. Sa kabuuan ay
matapat Siya at ito ay hindi magbabago.
SCRIPTURE
Deuterenomio 7:9

9Alalahanin ninyo na si Yahweh ay Diyos


na hindi marunong sumira sa pangako.
Tapat siya sa lahat ng umiibig at
sumusunod sa kanya at ipinadarama niya
ang kanyang pagmamahal hanggang sa
ikasanlibong salinlahi.

You might also like