Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

MGA

ORGANISASYON NG
NEGOSYO
ARALIN 7:

1
Ang mga gawain sa bahaging
ito ay tutuklas sa iyong
kaalaman tungkol sa mga
organisasyon ng negosyo at
kung ano-ano ang mga
katangian at tungkulin ng ibat-
ibang organisasyon ng negosyo. 2
Gawain 1: BUSINESS AS USUAL
Suriin ang mga larawang nasa susunod na pahina. Matapos nito, sagutin ang katanungan sa
mga pamprosesong tanong.

3
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang mga larawan na ipinakita sa itaas?
2. Pare-pareho ba ang mga negosyo ayon sa laki ng puhunan?
3. Kung pagbabatayan ang bilang ng nagmamay-ari, pare-
pareho rin ba ito?
4. May kilala ka bang nagmamay-ari ng negosyo? Ilan ang
nagmamay-ari nito?

4
MGA ORGANISASYON NG
NEGOSYO

Ang negosyo ay tumutukoy sa


anumang gawaing pang-ekonomiya
na may layuning kumita o tumubo.

5
Apat na pangkalahatang uri
ng organisasyon ng negosyo

1. sole proprietorship,
2. partnership, at
3. corporation
4. cooperative
6
1. Sole Proprietorship
• negosyo na pag-aari at pinamamahalaan
ng isang tao.
• Ang nagmamay-ari ay tinatawag na sole
proprietor o sole trader.
• Wala o mas kaunti ang mga nauukol na
mahihigpit na usaping legal sa mga
ganitong uri ng organisasyon.

7
sole proprietor o sole trader
• Siya ang may kabuuang kapangyarihan at
responsibilidad sa negosyo.
• Pag-aari niya ang lahat ng mga bagay na nauukol
sa negosyo at lahat ng kapital ay nagmumula sa
kaniya.
• Siya ang nakikipagsapalaran at humaharap sa
lahat ng pagsubok o hamon.
• Ang lahat ng kita at pagkalugi ay tanging sa
kaniya lamang.
• Siya ang nangangasiwa sa lahat ng gawain na 8
ang layunin ay kumita.
Ang kakayahan ng maliliit na negosyo
na umuunlad ay nakadepende sa kakayahan
ng sole proprietor. Kung mangangailangan
siya ng maraming pondo, maaaring kumuha
siya ng karagdagang pondo mula sa
kaibigan, bangko, o kita ng negosyo.

9
Bilang kabahagi sa pagsulong ng
ekonomiya, naging papel ng sole proprietor
ang magbigay ng hanapbuhay sa mga
mamamayan sa pamamagitan ng maliliit na
negosyo na matatagpuan sa mga pamayanan.

10
2. Partnership
• isang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang
indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong paghatian ang
mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo.
• Ang mg a kasapi ng isang partnership ay tinatawag na
partners.
• Ang mga kasapi ng ganitong uri ng samahan ay maaaring
tawaging general partners o limited partners.

11
URI NG PARTNERS
• general partners - ang mga partner ay pantay-pantay na
pinangangasiwaan ang isang negosyo samantalang ang mga
kasapi ay mayroon ding pantay-pantay na pananagutan sa mga
maaaring maging pagkakautang at pagkalugi.
• limited partners - ang mga partner ay maaaring mamuhunan
subalit wala silang tuwirang pakikilahok sa pangangasiwa.
Maging sa puhunan, ang tanging pananagutan ng limited
partners ay nakatuon lamang sa halaga na kanilang ibinigay na
puhunan sa negosyo.

12
3. Corporation
• ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo.
• Kadalasang ang may pinakamaraming bilang ng mga
nagmamay-ari.
• Ito rin ay may mga legal na katauhan na hiwalay sa katauhan
ng mga taong nagmamayari, kumokontrol, at nagpapatakbo ng
korporasyon.
• Maaaring bumili at magbenta ng mga ari-arian, pumasok sa
mga kontrata, magsampa ng kaso, at nararapat na magbayad
ng buwis.
• Katangian din nito ang limitadong pananagutan ng mga may-
ari at ang pagbibigay ng mga bahagi o shares sa anyo ng mga
stocks, at ang pananatili nito ay isang mahalagang bagay. 13
3. Corporation
• Ang proseso ng pagiging isang korporasyon ay tinatawag na
incorporation.
• Ito ay nagbibigay sa kompanya ng katayuang legal na hiwalay
sa mga nagmamay-ari.
• Dahil dito, nabibigyang proteksiyon ang mga nagmamay-ari
mula sa mga pananagutan, halimbawang ang kompanya ay
mahabla. Ang kondisyong ito ay tinatawag na limitadong
pananagutan (limited liability).
• Sa pamamagitan ng incorporation, ang mga may-ari ng
korporasyon ay walang pananagutan sa utang ng kompanya.
Kung ang kompanya ay malugi, ang tanging mawawala sa may-
ari ay ang salapi na kanilang pinuhunan bilang common stock. 14
4. Cooperative
• binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15
miyembro na kabahagi sa puhunan at tubo.
• Pangunahing layunin ng kooperatiba ang makapagbili o
makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa
pinakamababang halaga.
• kabahagi ang mga kasapi sa pagtatatag at pamamalakad ng
samahan kaya interesado silang magtulong-tulong sa
ikatatagumpay ng kanilang samahan.
• Nagaganyak din silang magtipon ng karagdagang puhunan sa
pagnanais na lumago ang negosyo.
• hinahati-hati ng pantay ang kapakinabangan ng samahan.
15
4. Cooperative
• maliit ang tubong natatanggap ng mga kasapi sa
sapingpuhunang ipinasok sa kooperatiba dahil na rin sa hindi
pangunahing layunin nito ang magkaroon ng malaking tubo.
• Gayundin, kulang sa kapital ang isang kooperatiba.
• Maliit lamang ang saping puhunan na inilalagay rito kung
ihahambing sa isang korporasyon.

16

You might also like