Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat
Pagsulat
Pagsulat
Ulat ni:
Jessa L. dela Peña
Pagsulat
Panimula
• Sa mga lumang kurikulum, lagging iniuugnay ang pagsulat bilang isang sining ng
paglikha o isang napakahalagang karanasan sa buhay ng tao.
• Iniuugnay ng mga guro sa gawaing pasulat ang salitang emosyon, pagkatuwa,
pagkalungkot, pagkagalit, at pagkatakot.
• Isang kasanayan na dapat matamo ng mga mag-aaral sa silid-aralan ang
kasanayan sa pagsulat.
• Maituturing na isa sa pinakamabisang paraan ng pagpapahayag na naiisip at
nadaramang bawat mag-aaral.
• Nailalabas ang mga damdaming nais kumawala sa dibdib.
Kasaysayan ng Pagsulat
Napatunayan sa maraming pag-aaral na bibihira sa mga mag-
aaral ang nakapagtatamo ng sapat na kakayahan sa pagsulat
dahil sa pokus sa pagtuturo ng pagsulat ay ang aspektong:
Mekanikal
Anyo o porma ng sulatin
Pagbaybay
Gramatika
Parikular ng wastong paggamit ng mga salita
Dumating ang panahong nagbago ang pananaw ng mga guro sa
pagtuturo ng wika.
Sinanay nila ang mga tagapagtaguyod ng linggwistika upang magamit ang
kakayahang komunikatibo ng Gawain target ng mga iba’t ibang
sitwasyon.
Higit na nabigyan ng ibayong atensyon ang proseso ng pagsulat at hindi
ang produktong likha ng mga mag-aaral
Nalinang ang iba’t ibang kasanayan sa pagsulat gaya ng:
Pagsasagawa ng mga gawain bago magpasulat (pre-writing activities)
Mga gawain pagkatapos magpasulat (post-writing activities)
Nabigyan ng pagkakataon ang mga guro na maipaunawa at maipa-
internalays sa mga mag-aaral ang paraan ng pagsulat.
Kalikasan ng Pagsulat
• Di tulad ng pagsasalita, ang pagsulat ay pormal na pinag-aaralan.
• Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga
keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor
ang anyo ng writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter
o print -out na.
Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak
na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga
tuntunin ng wikang ginamit..
• Ayon kay Lalunio (1990) ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan, ang bungang
interaksyon na prosesong mga mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaapekto
sa pagkatuto.
• Ayon naman kina Peck at Buckingham, ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasan na natamo
nang mag-aaral sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
Kahulugan ng Pagsulat ayong sa iba’t-ibang tao:
May
karanasan
mayroon Pag-unlad sa
wala
pagsulat
karanasan
kasanayan naisusulat May
Interes Iniidolong nailathalang
manunulat Teorya
o akda
hilig Lumalahok sa
patimpalak
3. Jornalistik
Ang mga sulatin sa pahayagan ay binubuo ng balita, editorial, lathalain.
Balita:
DEL GALLEGO, Camarines Sur—Sugatan ang 37 katao sa salpukan ng 3 sasakyan sa bayang ito Biyernes ng
hatinggabi.
Ayon kay Police Capt. Chester Enriquez ng Del Gallego police, nag-overtake ang pampasaherong bus na Raymond
Bus sa isang Toyota Innova sa Barangay Pasay.
Nahagip nito ang kasalubong na isa ring pampasaherong bus na Isarog Bus. Tumama naman ang Isarog Bus sa Toyota
Innova.
Nakuhanan sa dashcam ng Toyota Innova ang pag-overtake ng Raymond Bus na galing Maynila at patungong
Camarines Sur.
Dalawampu't apat na pasahero naman ng Raymond Bus ang nasaktan, pero 2 ang matinding nasugatan at kailangang
operahan.
Nasa kustodiya ng Del Gallego police ang drayber ng Raymond Bus na kinilalang si Alex Marco na tumangging
magbigay ng kaniyang pahayag sa insidente. — Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
1. Isulat ang paksa na malapit sa kawilihan o interes.
2. Isulat ang mga paksang may taglay ka nang kamalayan o di kaya’y nais
pang malaman.
3. Isaalang-alang ang maraming teknik sa pangangalap ng mga ideya bago
isulat ang iyong draf.
4. Tiyakin ang target ng aawdyens para sa iyong sulatin at lagi itong isaisip
habang nagsusulat.
5. Tiyakin din ang layunin ng pagsulat at ano ang ibg mong matamo sa
iyong sulatin. Ito ba’y nagbibigay impormasyon? Naghihikayat?
Nagbibigay-aliw? Nangangatwiran?
6. Isantabi muna ang mga detalye sa unang draf. Sikaping mailapat muna
sa papel ang iyong mga ideya.
7. Paulit-ulit na basahin ang iyong isinulat. Basahin ito ng tahasan na
parang nakita mo lamang ito sa unang pagkakataon.
8. Ipabasa sa iba ang iyong isinulat at humingi ng mga puna o mungkahi.
9. Huwag matakot magdagdag, magbawas, o maglipat ng mga ideya sa
iba’t ibang bahagi ng sulatin.
10. Kapag maayos na ang paglalahad ng mga ideya, iwasto ang
pagbabalarila, bokabularyo, ispeling at pagbabantas upang matiyak sa
kawastuhan at kadalisaayan ng buong sulatin.
Salamat!