Maraming uri ng pagsusulat. Mauuri ito ayon sa iba’t
ibang pangangailangan ng mga tao at lipunan. Ang isang manunulat ay maaring magbigay-impormasyon ukol sa isang paksa o isyu. Maari rin naman siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari o pook o kaya’y magsulat ng isang akdang nagbibigay aliw sa mga mambabasa. Ang mga ito ang itinuturing na mga batayan at mahahalagang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao. Ang akademikong pagsulat ay maaring kritikal na sanaysay, lab report, term paper or pamanahong papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, ang maging ng manunulat na mismo. Nagsasaad din ito ng mga impormasyong maaring makatulong sa pagbibigay- solusyon sa isang komplikadong suliranin. Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang subkategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan ng katangian nitoay paggamit ng mga teknikal na teknolohiya sa isang particular na paksa tulad nang science o technology. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain, at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. Uri ng pagsusulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens or sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng isang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sino mang mambabasa na nagnanais na mag refer sa referns na tinutukoy. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis; investigative report ng mga imbestigador; mga legal forms, briefs and pleading ng mga abugado at legal researchers at medical report at patient’s journal ng mga doctor at nars. Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura. Samakatwid, ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at malikhaing sanaysay ay maihahanay sa ilalim ng uring ito. Karaniwang mayaman sa idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig, at iba pang creative devices ang mga akda sa uring ito. Nina: Alvin Cariño at Fretzie Kate Maratas