Professional Documents
Culture Documents
Aralin 1 Grade 8 Wika (Second Grading)
Aralin 1 Grade 8 Wika (Second Grading)
ISINILANG UPANG
MAGING TAO LAMANG
Emelita Perez Baes
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang
salitang magkatambal ay
magkasingkahulugan at ng ekis (X)
kung magkasalungat.
PAGSASANAY
_____1. malawak – makitid
_____2. malabay – malapad
_____3. isinilang – namatay
_____4. mabango – masangsang
_____5. makabuluhan - mahalaga
Kung ang tao’y isinilang
Upang maging tao lamang…
Mabuti pang ako’y naging ibon na lamang
Na lilipad – lipad sa lawak ng kalangitan;
O nanaisin ko pang ako’y naging isang bulaklak
na maaaring pitasin sa mabangong halamanan;
O kaya’y naging isang punong may malagong
Mga daho’t sangang malalabay;
Dili kaya’y isang kalabaw sa gitna ng kabukirang
napag-aanihan ng ginintuang palay;
Sapagkat sa pagiging ibon, bulaklak, puno o kalabaw
ay nakatitiyak akong may halaga ang aking buhay;
Na ako ay may kabuluhan!
Tulad ng isang isinilang
upang magpakatao at di maging tao lamang
PAGPILI NG ANGKOP NA SALITA SA
PAGBUO NG TULA
ANG KAHULUGAN NG MGA SALITA
AY MAKIKILALA AYON SA ……
Sa pamamagitan ng kasingkahulugan at
kasalungat na salita ay maipararating ang
mensaheng nais sabihin sa tulang gagawin. Ang
paggamit ng mga salitang
magkakasingkahulugan o pareho ang ibig sabihin
ay makapagpapatibay sa mensahe ng tula. Ang
paggamit naman ng mga salitang
magkasalungat o hindi pareho ang ibig sabihin ay
nakatutulong upang maipakita ang ugnayang
nais ipahayag sa tula.
KASINGKAHULUGAN O KASALUNGAT
Sa pamamagitan ng
idyoma ay nakilala ang
yaman ng isang wika.
IDYOMA
Balat – sibuyas - maramdamin
Basang sisiw - kaawa –awa; api
Buto’t balat - payat na payat
huling hantungan - libingan
Ikapitong langit - malaking katuwaan
Laylay ang balikat - nabigo
Magbilang ng poste - walang trabaho
Magdildil ng asin - maghirap
Mahaba ang pisi - pasensiyoso
KONOTASYON AT DENOTASYON
Ang ganda ng bulaklak sa kanyang
halamanan.( bahagi ng isang
halaman na karaniwang makulay)
Lumalaki na ang punong itinanim ko
sa aming likod – bahay. (halamang
lumalaki nang mataas)
HALIMBAWA SA DENOTASYON
Itoay may taglay na ibang
kahulugan o maaaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat
na iba kaysa karaniwang
pakahulugan.
KONOTASYON
Maramingmagagandang bulaklak sa
aming paaralan. (babae)
Angkanyang anak ay mabait.
Nanggaling kasi sa mabuting puno.
( magulang / angkan)
HALIMBAWA:
Ito ay pag-aayos ng
kahulugan ng salita ayon sa
intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.
TINDI NG KAHULUGAN O CLINING
Poot – ( matinding galit na halos gusto
nang makapanakit
Suklam- ( matinding galit sa dibdib na matagal bago
mawala)
Galit – ( tumatagal na inis)
Inis – ( tumatagal na tampo)
Tampo - ( munting galit na madaling mawala)
Pikon – (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay
lamang)
HALIMBAWA
PAGSASANAY
Hanay A
______1. Ang mga basing sisiw ay dapat
Hanay B
nating tulungan. a.Bigo
_______2. Laylay ang kanyang balikat nang
siya ay umuwi galling trabaho.
b.Kaawa-awa
_______3. Ang kanyang pamilya ay c.Magtrabaho
madalas nagdildil ng asin. d.Naghihirap
_______4. Nabuhayan siya ng loob nang
manalangin sa Diyos. e.Payat na
_______5. Nangako siyang magbatak ng payat
buto para sa kapakanan ng
pamilya. f. tumapang
PANUTO: PILIIN SA KABILANG HANAY ANG KAHULUGAN
NG MGA IDYOMANG MAY SALUNGGUHIT SA BAWAT
BILANG. TITIK LAMANG ANG ISULAT SA KAHON.
PAGSUSULIT
A.Panuto : Isulat sa linya ang kahulugan
ng mga salitang may diin batay sa
pagkakagamit sa pangungusap. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon
______1. Isang
malaking bundok
ang nawala sa
aking dibdib nang
dinggin ng Diyos
ang aking
panalangin.
____1.
Masyadong
mataas ang
bundok na
inakyat naming
ng aking mga
kaibigan
_____3. Nalalapit na
ang kasal ng aking
kapatid at ng
kanyang bata.
_____4. kahit bata pa
lamang ay marami
na siyang alam sa
buhay.
____5. Bato na ang
kanyang puso sa lahat
ng mga problemang
naranasan sa buhay.
____6. Natisod ang
binate sa isang
malaking bato.
B. Panuto: Iayos ang mga salita ayon sa
intensidad ng kahulugan nito. Lagyan ng bilang
1 para sa pinakamababaw na kahulugan
hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing
kahulugan.
bulong nainis nabigla