Uri NG Sanaysay

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

URI NG SANAYSAY

SANAYSAY
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, “nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. ang
sanaysay ay nagmula sa 2 salita, ang sanay at
pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad
ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon
at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan,
mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
Mahalaga nag pagsusulat at pagbabasa ng
sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa
inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang
manunulat. nakikilala rin ng mga mambabasa ang
manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito,
sapaggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.
URI NG SANAYSAY
PORMAL
Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong
paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral
at malalim na pagkaunawa sa paksa. Inaakay ng
manunulat ang mga manbabasa sa malalim na
pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at
kumilos pagkatapos.
DI-PORMAL
Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang
magaan, karaniwan, pang-araw-arawat personal.
binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-
bagay, mga karanasan o isyung maaaring
magpakilala ng personalidad ng manunulat o
pakikisangkot niya sa mga mambabasa.
SANGKAP NG SANAYSAY
TEMA AT NILALAMAN
Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay
itinuturing na paksa dahil sa layunin
sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
ANYO AT ISTRUKTURA
Ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na
pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay
makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa
sanaysay.
WIKA AT ISTILO
Ang uri at antas ng wika at istilo ng
pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting
gumamit ng simple, natural at matapat na mga
pahayag.
BAHAGI NG SANAYSAY
Panimula Katawan Wakas
PANIMULA
Ang pinakamahalagang bahagi ng isang
sanaysay sapagkat ito ang unag titingnan ng mga
mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon ang
panimula upangipagpatuloy ng mamababasa ang
pagbasa sa akda.
KATAWAN
Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang
mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito ng
maigi ng mambabasa.
WAKAS
Nagsasara sa talakayang naganap sa
katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon
ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay ng sanaysay.

You might also like