Tumutukoy ang gawang akademiko sa mga produkto ng pag- aaral o pananaliksik tungkol sa mahahalagang paksa sa iba't ibang disiplina o makabuluhang paksa tungkpl sa lipunan. Ang pagbuo ng gawang malikhain ay pangunahing nakabatay sa mga malikhaing proseso na kinasasangkutan ng imahinasyon ng manunulat. Ang isang gawang akademiko naman ay karaniwan ding nabubuo sa pamamagitan ng mga prosesong ginagawa sa pagbuo ng gawang malikhain. Tulad ng nabanggit na sa pagsulat ng rebyu ng gawang malikhain, iminumungkahi ring magsimula sa pagbibigay ng batayang impormasyon tungkol sa gawaing akademiko. Karinawan , ito ay nasa anyo ng aklat o artikulo. Batayang Impormasyon Kung aklat, maaaring banggitin ang sumusunod: 1.Pamagt ng aklat 2. Pangalan ng may-akda 4.Taon ng Paglilimbag 5.Bilang ng Pahina Kung artikulo 1. Pamagat ng artikulo 2. Pangalan ng may-akda 3. Pamagat ng kinapapaloobang aklat 4. Pangalan ng editor ng aklat 5. Tagapaglimbag 6. Taon ng Paglilimbag 7.Pahina ng artikulo Ang partikular na repetoire naman ay maaring tumutukoy sa mga bahagi ng isang gawang akademiko na karaniwang binubuo ng: 1. Paglalahad ng paksa at suliranin ng pag-aaral 2. Rebyu ng kaugnay na pag-aaral 3. Layunin ng pag-aaral 4. Metodo ng pananaliksik 6. Saklaw at delimitasyon 7. Kahalagan ng pag-aaral 8. Presentasyon ng datos 9. Pagsusuri ng datos 10. Kongklusyon Ang Repetoire ng Gawang Akademiko
Ang repertoire o katangian ng gawang akademiko ay ay
mahahati pa rin sa dalawa: ang pangkalahatan at partikular. Ang pangkalahatang repertoire ay maaaring tumukoy sa paksa, pangunahing ideya tungkol sa paksang ito, at mga pansuporting ideya ng gawa. Ang paksa ay pinag-uusapan o tinatalakay sa isang gawa. Ang Reprtoire ng Rebyuwer Bilang Mambabasa
Ang repertoire o katangian ng rebyuwer o
mambabasa ng gawang akademiko ay mahahati rin sa dalawa: pangkalahatan at partikular. Ang pangkahalatang repertoire ng rebyuwer ay maaring tumutukoy sa kaniyang mga kaalaman, pananaw, o paninindigan tungkol sa paksa at mga ideyang nakapaloob sa gawang akademiko. Ang partikular na repertoire naman ng rebyuwer ay maring tumutukoy sa mga tiyak na estratihiya na ginagamit niya para suriin ang gawang akademiko.