Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Pandiwang

Katawanin at
Palipat
By: Gencie Rose Villamor
Ang Pandiwang Katawanin ay
hindi maaaring lagyan ng
kaganapang tuwirang layon.
Nagtataglay ito ng kahulugang
buo na sa ganang sarili kaya't
hindi na nangangailangan ng
tagatanggap ng kilos.
.
Halimbawa, sa pangungusap na

(1 ) Kumulo ang tubig.

Ang pandiwang kumulo ay hindi


maaaring lagyan ng tuwirang
layon.
Pandiwang palipat
naman ang tawag sa
pandiwang maaaring
lagyan ng tuwirang
layon.
Halimbawa, sa pangungusap
na

(1) Nagpagawa siya ng bag na


abaka sa Bikol.

ang pandiwang nagpagawa


ay may tuwirang layon, ang
pariralang ng bag.
May mga pagkakataong
ang pandiwang palipat
ay walang kasamang
layon, lalo na't ito ay
nauunawaan na sa
konteksto ng
pangungusap.
 Halimbawa, kung ang pangungusap
sa itaas ay panagot sa tanong na
"Saan siya nakakuha ng bag?",
maaari nang sabihin ang

 (1) Nagpagawa siya sa Bikol.

 Opsyunal ang layon ng pandiwa sa


ganitong pangungusap.
Ang tuwirang
layon ay
pinangungunahan
ng pang-ukol na ng,
sa o kay.
Narito ang mga halimbawang pangungusap.

(1) Umangkat ng mga makinarya ang Pilipinas.

(2) Nagtanong kami sa pulis kung saan ang


papuntang Liliw.

(3) Naghintay sila kay Dr. Perez.


Maraming
Salamat

You might also like