Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

KAHULUGAN AT LAYUNIN NG TEKSTONG PROSIDYURAL

 Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng


paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksyon kung paanong
isasagawa ang isang tiyak na bagay.
Nagagamit ang pag-unawa sa mga
tekstong prosidyural sa halos lahat ng
larangan ng pagkatuto.
Halimbawa nito ang recipe ng pagluluto sa home
Economics, paggawa ng eksperimento sa agham at
medisina, pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng
mga kagamitan sa teknolohiya, o pagsunod sa mga
patakaran sa buong paaralan.

LAYUNIN: Makapagbigay ng sunod-sunod na


direksyon at impormasyon sa mga tao upang
matagumpayan na maisagawa ang mga Gawain
ng ligtas at angkop sa paraan.
APAT NA BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL

 Inaasahan o target na awput


 Mga kagamitan
Metodo
Ebalwasyon
INAASAHAN O TARGET NA AWPUT
 Kung ano ang kakalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.

MGA KAGAMITAN
 Ang mga kasangkapan at kagamitan na kinakailangan upang makumpleto ang
isinasagawang proyekto.

METODO
 Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.

EBALWASYON
 Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.
MGA KABUTIHANG NAIDULOT NG MGA TEKSTONG PROSIDYURAL
 Ang tekstong prosidyural ay nagbibigay ng gabay upang maisagawa
ang isang gawain ng maayos tulad ng pagluluto, paggawa ng
proyekto, at ipa pa.
 Ang sunod sunod na hakbang sa tekstong prosidyural ay nagtuturo sa
mga mambabasa na maging masunurin sa lahat ng mga hakbang na
nakasaad dito.
 Depende sa kung ano ang tinutukoy sa tekstong prosidyural, maaaring
makapag luto ng maayos, maibigay ang ninanais ng guro, mag wagi sa
isang laro, at maging matagumpay sa mga eksperimentong gagawin.
 Natutupad ang layuning nais makuha sa paggawa ng tekstong
prosidyural.
Halimbawa, makapagluto ng masarap na adobo, makagawa ng
basket mula sa magasin, at makapinta gamit ang okra at iba pang gulay.
NGAYON SUSURIIN ANG KAHALAGAHAN NG MGA TEKSTONG
PROSIDYURAL
SA SUMUSUNOD NA MGA ASPEKTO:
 SARILI- Ang kahalagahan ng tekstong prosidyural ay malalaman mo
ang pagkasunod-sunod ng kakbangin o proseso.
PAMILYA- Ang tekstong prosidyural ay mahalaga sa pamilya. Ang mga
leader ng pamilya ang kadalasan gumagawa ng prosidyural na mga
bagy katulad ng gawaing bahay. Meron mga instruksyon na kailangang
sundin para maayos ang kalalabasan ng mga bagay bagay. Ang isang
pamilyang meron malakas na polisiya at prosidyur ay isang pamilyang
organisado, bawat membro ng pamilya ay matututo.
KOMUNIDAD- Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa. Naglalayon
itong magbigay ng suno-sunod ba impormasyon at direksyon sa mga
tao para matagumpay na maisagawa ang iba’t-ibang gawain ng ligtas,
tama, episyente at sa paraang angkop.
BANSA- Nagbibigay ng tamang impormasyon upang maisagawa ang isang
bagay batay sa mga proseso nito. Sa pamamagitan ng tekstong prosidyural
naipaliliwanag sa mga mamamayan ang proseso ng isang batas.
Nakatutulong ito sa pagpapadali ng isang gawaing para sa serbisyo-
publiko. Sa pamamagitan ng tamang proseso natuturuan ang mga
mamamayan sa ikauunlad ng kanilang personalidad para sa magandang
hanap buhay at kinabukasan.
 DAIGDIG-
HALIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL

ANG PAGGAWA NG PAROL MGA KAKAILANGANIN:


10 patpat ng kaayan, ¼ pulgada anlapad at 10 pulgada ang haba, 4
patpat ng kawayan, ¼ pulgada lapad at 3 ¼ pulgada ang haba ng
papel de hapon o cellophane tali.

UNANG HAKBANG: Bumuo ng dalawang bituin gamit ang patpat ng


kawayan.

IKALAWANG HAKBANG: Pagkabitin ang mga dulo ng kawayan.


IKATLONG HAKBANG: Ilagay sa gitna ang pinagkabit na kawayan ang apat
na patpat ng kawayan para lumobo ang balangkas ng inyong parol.

 IKAAPAT NA HAKBANG: Balutin ang papel de hapon o cellophane ang


balangkas ng parol. Kung nais mong gumamit ng iba’t-ibang kulay ay
puwede. Maari mong gamitin ang pagiging malikhain mo.

 IKALIMANG HAKBANG: Maaari mong palamutian ang iyong parol ng mga


palara. Maganda rin kung lagyan ito ng buntot na gawa sa papel de
hapon.
RESIPI NG KARE-KARE

MGA SANGKAP:

1 Buntot ng baka
2 Pata ng baka
1 Taling sitaw
1 Taling petsay
2 Talong
 ½ Tasang mani
 ½ Tasang bigas
Atsuwete
 Asin
Bawang
 Sibuyas
PARAAN NG PAGLULUTO:
Ihanda ang sumusunod na mga sangkap:

o Dikdikin ang bawang


o Hiwain ang sibuyas, panggisa
o Putol-putolin ang sitaw
o Hiwain ang petsay
o Hiwain ng pahalang ang talong
o Isangag ang mani at ang bigas. Dikdikin ito ng pinong-pino.
o Sa isang manok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete
o Hiwain ang buntot at pata na baka sa tamang laki. Palambutin.
Igisa ang bawang at ang sibuyas. Pagkatapos
ay ihalo ang pinalambot na buntot at pata ng
baka. Isunod naman ang sabaw na
pinalagaan ng buntot at pata ng baka.
Timplahan ng asin. Pagkulo, ihalo ang pinong
bigas at mani. Isunod ang mga hiwang gulay.
Pagkatapos ay kulayan ng atsuwete upang
pumula. Ngayong tapos na ang kare-kare ay
maari na itong ihain. Gamiting sawsawan ang
bagoong.
A. Natitiyak ang mga detalye ng tekstong binasa.

Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Sa puwang bago ang bilang,


isulat ang “TAMA” kung tama ang pahayag sa binasa at kung hindi
naman ay isulat ang “MALI”.
1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng gawain
upang matamo ang inaasahan.

2. Hindi mahalagang malinaw ang pagkakalahad ng mga


hakbang na ito basta’t na susundan.

3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong


itinitinda.
4.
Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang
malawak ang kaalaman ng sumusulat tungkol sa
ipagagawa.

5. kailangang maayos at wasto ang


pagkakasunod-sunod ng mga hakbang nito upang sa tulong
lamang ng pagbabasa kahit walang aktwal na
demonstrasyon ay maisagawa ito.

You might also like